Agdangan STAN FB Page

Agdangan STAN FB Page

Share

Governor's Extension Office of Province of Quezon located in Municipality of Agdangan

Photos from Provincial Government of Quezon's post 25/03/2026
27/03/2024
29/02/2024

Kahapon lamang ay may isang Paaralan tayong nabigyan ng tulong pinansiyal na kanilang request sa tanggapan ng ating Minamahal na Ina ng Lalawigan Governor "Doktora Helen" Tan, para sa construction ng library ng Agdangan Central Elementary School (ACES) sa katauhan ni Ma'am Julieta Salvador (ACES Faculty President), bakas ang kasiyahan at lubos silang nagpapasalamat.



Photos from Agdangan STAN FB Page's post 12/12/2023

DECEMBER 08, 2023
PAGAALAY NG KANTANG PAMASKO
BINAGBAG ELEMENTARY SCHOOL
🧡🧡🧡

Nagpunta sa ating tanggapan ang mga estudyante ng Binagbag Elementary School upang magalay ng kanilang mga kantang Pamasko. Talaga namang nadama natin ang nalalapit na Kapaskuhan sa pamamagitan ng kay gagandang tinig na mula sa kanila. Nais natin magpasalamat sa kay gagandang mga kanta na inialay ng mga batang ito sa atin, kami dito ating tanggapan ay natuwa at nagalak sa inyong ipinarinig na talento. 🎅🎄❄️



Photos from Agdangan STAN FB Page's post 12/12/2023

DECEMBER 12, 2023
TURNOVER OF 1 SET OF DESKTOP
AGDANGAN MUNICIPAL POLICE STATION
🧡🧡🧡

Napagalaman ng ating tanggapan na kulang ang ginagamit na computer ng ating Agdangan Municipal Police Station sa pamamagitan ni Police Captain Isagani P. Gonzales kaya naman sa pangunguna ng kinatawan ng ating Ina ng lalawigan, Gov. Angelina "Doktora Helen" D.L. Tan, na si G. Leonardo "Ding" G. Pialo ay naipagkaloob na nang tanggapan ng ating Gobernadora ang isang (1) set ng desktop. Ayun kay G. Isagani ay labis itong makakatulong sa kanila upang mapabilis at maging epektibo sila sa paguulat ng mga krimen o kaso na may kinalaman sa kababaihan at mga bata sapagkat partikular itong gagamitin ng Women and Children's Protection Desk.



Photos from Agdangan STAN FB Page's post 27/07/2023

HULYO 27, 2023
ASSISTANCE TO INDIVIDUAL IN CRISIS SITUATIONS (AICS)
REGULAR PAYOUT
🧡🧡🧡

Ngayong araw ay nagsagawa MULI ang ating tanggapan ng regular na 'Payout' kung saan nakapagpaabot ng tulong pinansyal ang ating tanggapan sa labing anim (16) na mamayan ng Agdangan upang tugunan ang kanilang pangangailangang 'Medical at Burial Assistance'. Ito ay sa ilalim ng programang 'Assistance to Individual in Crisis Situations' (AICS) ng ating Pamahalaang Panlalawigan katuwang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at ang Serbisyong Tunay at Natural ng ating Ina ng lalawin na si Gobernadora 'Doktora Helen' Tan 🧡🧡🧡.
Nagsagawa din tayo ng maiksing programa upang higit na maipaliwanag at maunawaan pa ang nabanggit na programa maging ang iba pang mga programa at proyekto ng ating tanggapan.



Non-Graduating Educational Assistance (Pending) 17/07/2023

https://forms.gle/W9idbQNGjnZVCUa46
NON-GRADUATING-EDUCATIONAL ASSISTANCE
HINDI PA NAKAKASAMA SA PAYOUT
MAKIKISAGOT PO! SALAMAT PO!
🧡🧡🧡
Ang form na ito ay para lang sa Non-Graduating Students na may Pending Application ng Educational Assistance under Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) Program by Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) in partnership with Serbisyong Tunay at Natural na pawang hindi pa nakakasama kahit isang beses sa mga nakaka-payout. Paunawa huwag na pong magsagot ang mga naka-payout na at walang pending application sapagkat may database po kami ng list ng mga identified students. Salamat po!



Non-Graduating Educational Assistance (Pending) Ang form na ito ay para lang sa Non-Graduating Students na may Pending Application ng Educational Assistance under Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) Program by Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) in partnership with Serbisyong Tunay at Natural na pawang hindi p...

Photos from Agdangan STAN FB Page's post 31/05/2023

Mayo 31, 2023
Assistance to Individual in Crisis Situations (AICS)
Regular Payout
🧡🧡🧡
Ngayong araw nagsagawa muli ang ating tanggapan ng regular na 'Payout' kung saan nakapagpaabot ng tulong pinansyal ang ating tanggapan sa Dalawampu't isa (21) na mamayan ng Agdangan upang tugunan ang kanilang pangangailangang 'Medical at Burial Assistance'. Ito ay sa ilalim ng programang 'Assistance to Individual in Crisis' (AICS) ng ating Pamahalaang Panlalawigan katuwang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at ang Serbisyong Tunay at Natural ng ating Ina ng lalawin na si Gobernadora 'Doktora Helen' Tan 🧡🧡🧡.


Photos from Agdangan STAN FB Page's post 19/05/2023

Mayo 18, 2023
Educational Assistance
🧡🧡🧡
Inilapit natin sa Pamahalaang Panlalawigan ang pangangailangang pinansyal para sa edukasyon ng mga estudyanteng Agdanganin. Apatnapu't siyam (49) ang kabuang bilang na payang mga 'graduating students' o magulang o kaanak nila ang nabigyan natin ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang 'Assistance to Individual in Crisis' (AICS) ng ating Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at ang Serbisyong Tunay at Natural ng ating Ina ng lalawigan na si Gobernadora 'Doktora Helen' Tan 🧡🧡🧡.
Hangad namin ang inyong magandang kinabukasan. 'Advance Congratulations and Happy Graduation' sa inyong lahat. Nawa ay matupad nyo ang inyong mga pangarap.



Photos from Agdangan STAN FB Page's post 17/05/2023

Mayo 16, 2023
🧡🧡🧡
Nakakatuwa ang mga Senior Citizens na nagtungo sa ating tanggapan na nagbabakasakaling makita nila sa ating opisina ang ating Ina ng Lalawigan na si Gov. 'Doktora Helan' Tan at Ama ng Ikatlong Distrito na si Cong. Reynante U. Arrogancia. Kamakailan lang ay sunod-sunod ang mga ibinababang proyekto at programa ng Serbisyong Tunay at Natural at Responsableng Aruga katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan at Pamahalaang Nasyonal kaya natutuwa at nagagalak sina Gng. Maxima Gonzales, Luz Encina, at Remedios Agripa na hindi sila nagkamali sa kanilang iniluklok na mga lingkod bayan. Nais sana nila na personal na batiin at pasalamatan ang ating mga masisipag at may tunay na malasakit at aruga na mga lingkod bayan. Pawang mga Senior Citizens at medyo hirap na maglakad ang ating mga Ginang ngunit nagtiyaga sila na pumunta sa ating tanggapan. Bagama't bigo na personal na makadaupang palad hindi naman sila bigo na maramdaman ang pasasalamat din ng ating mga lingkod bayan. Binigyan natin sila ng Foodpacks maging pangpamasahe pauwi. Sama-sama po tayo sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng kalagayan ng ating lalawigan.





14/04/2023

PABATID:

SURGICAL CARAVAN
Quezon Medical Center (QMC) - Department of Surgery

Clearance Until April 18, 2023

Want your business to be the top-listed Government Service in Agdangan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Quezon Province
Agdangan
4304