02/06/2026
Tayo po ay dumalo sa Brigada Eskwela 2026 at Don Aurelio Evangelista Memorial Elementary School. Maraming salamat po sa pag-imbit na pinamununuan ni maam Aurora C. Navida Principal l.
Official page of Engr. John "Kuya" Celeste. Municipal Mayor of Agno, Pangasinan
02/06/2026
Tayo po ay dumalo sa Brigada Eskwela 2026 at Don Aurelio Evangelista Memorial Elementary School. Maraming salamat po sa pag-imbit na pinamununuan ni maam Aurora C. Navida Principal l.
01/06/2026
Congrats, Mr. and Mrs. Caracas!
Nawa’y maging masaya, matatag, at puno ng pagmamahalan ang inyong pagsasama.
30/05/2026
Ating napanayam, kasama si Congressman Art F. Celeste, ang FishCoRe (Philippine Fisheries and Coastal Resiliency) Project Team kaugnay ng ating panukalang pagpapatayo ng Fishport sa bayan ng Agno.
Isang mahalagang hakbang ito upang mapalakas ang sektor ng pangisdaan, madagdagan ang kabuhayan ng ating mga mangingisda, at higit pang mapaunlad ang lokal na ekonomiya ng ating bayan.
Patuloy tayong naghahanap ng mga oportunidad at programang magbibigay ng pangmatagalang benepisyo sa bawat Agnoans.
30/05/2026
Sama-sama sa pagkakaisa, tuloy-tuloy sa serbisyong may puso para sa mamamayan.
Nagkaka-isa ang Unang Distrito ng Pangasinan para sa tuloy-tuloy na serbisyo at kaunlaran!
Kasama natin sina Board Member Apple Bacay, Board Member Nong Fontellera, at ang ating mga butihing alkalde sa iisang layunin. Mas maayos at mas progresibong kinabukasan para sa bawat kababayan natin dito sa distrito. 🫶🏻
27/05/2026
Nakikiramay po kami sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Nanay Paciencia P. Caballero. Nawa’y bigyan ng lakas at kapayapaan ang naiwang pamilya. Muli taos-pusong pakikiramay sa pamilya Pecson at Caballero.
22/05/2026
Thank you for your courtesy visit, Police Major Noeralyn R. Tamayo, the new OIC of Agno Police Station. Welcome po sa Municipality of Agno.
21/05/2026
Congratulations sa inyong dalawa, Trixy & Arjay! 💍
Nawa’y mapuno ng pagmamahalan, saya at walang hanggang pag-unawa ang pagsasama niyo. Wishing you both a happy and blessed married life.🩵
19/05/2026
Sa bawat ngiti, tawanan, at pagmamahalan, nabuo ang isang kwentong nauwi sa masayang kasalan. Congratulations, Mr. and Mrs. Rivera! Nawa’y manatiling matatag at puno ng saya ang inyong pagsasama habambuhay.
17/05/2026
Happy Fiesta, Barangay Magsaysay! 🎉
Isang mainit at taos-pusong pagbati sa buong Barangay Magsaysay sa pangunguna ni Punong Barangay Ofelia N. Nonga. Nawa’y patuloy na maging masagana, mapayapa, at nagkakaisa ang inyong komunidad.
Lubos akong nagpapasalamat sa inyong paanyaya bilang crowning guest sa makulay na pagdiriwang na ito. Pagbati sa mga nanalo na pinamumunuan ni Queen Stephanie-l.
Mabuhay ang Barangay Magsaysay at pagpalain pa ang inyong pista!
15/05/2026
Congratulations Mr. Isagani Notorio at Ms. Jenny Lyn Cruz!
Nawa’y gabayan kayo ng pagmamahal at pag-unawa sa pagbuo ng inyong buhay mag-asawa. 🩵