Aguilar Ansakkët Festival

Aguilar Ansakkët Festival

Share

Official page for the Aguilar Ansakket Festival

16/03/2022
13/03/2022

Tatlong dekada ng pag-seserbisyo publiko. Isang termino bilang alkade ng Aguilar.

Sa ika-15 ng Marso, sabay-sabay nating tunghayan ang Ulat sa Bayan ni Mayor Roldan "Boyet" C. Sagles, gaganapin sa Aguilar Evacuation and Multi-Purpose Center at mapapanood live sa Aguilar Public Relations and Affairs.

Photos from Aguilar Ansakkët Festival's post 08/11/2021
01/11/2021

"Because Aguilar and Aguilareños deserve nothing but to be Rendered with the Best Care and Service."

AGUILAR, Pangasinan - Sa simple at makabuluhang paraan, ipinadiwang ang huling araw ng pagdiriwang ng Ansakket Festival sa Aguilar Children's/People's Park noong biyernes, ika-29 ng Oktubre. Tampok sa huling araw ng Ansakkët Festival ang pag-gawad sa mga nakilahok at nanalo sa Ansakkët Festival Logo-Making Contest at Ansakkët Mobile Photography Contest, CSC Awarding sa mga kawani ng Lokal na Pamahalaan na may mahigpit dalawampung (20) taong serbisyo sa Aguilar at ang pag ilaw sa makulay na Christmas Tree at Plaza ng bayan.

Sa pagtatapos ng pagdiriwang sa taong ito, muling ipinabatid ng alkalde ng bayan ang kanyang pasasalamat sa lahat ng sumuporta, tumulong at nakibahagi sa pagsasakatuparan ng Food Pack Giving Program ng LGU-Aguilar. Mula sa pag apruba sa budget, pag-sangayon at suporta ng lahat ng department heads, hanggang sa pagtulong sa repacking at distribution ng mga empleyado. Ang nasabing programa ang nagsilbing "highlight" ng pagdiriwang sa taong ito. Sa pamamagitan ng naturang Food Pack Giving Program, layon ng Lokal na Pamahalaan na masalamin ang diwa ng Ansakket Festival at maisabuhay ang magagandang katangian ng ansakkët - may malagkit na samahan at matamis na pagkakaisa. Sa halip na gumastos sa magarbong pagdiriwang, minabuti ng Lokal na Pamahalaan na mamahagi ng food packs sa lahat ng pamilya sa bayan ng Aguilar.

Binasbasan ni Rev. Fr. Arriosto Mina ang Christmas Tree sa Plaza bago ito pailawan kasabay ng fireworks display.

Umaasa at pagsusumikapan ng Lokal na Pamahalaan na maipagdiwang ang Ansakkët Festival sa susunod na taon ng mas masaya at makulay - walang kaso ng COVID-19, malusog ang buong samabayan, mas masaganang ani at mas matayog na turismo at ekonomiya.

01/11/2021

Pangunahing bahagi ng pagdiriwang ng Ansakket Festival ngayong taon ang pamamahagi ng food packs sa lahat ng pamilya sa bayan ng Aguilar.

Personal na inakyat ng opisina ng alkalde at mga kawani ng Lokal na Pamahalaan, kasama ang mga opisyal mula sa Brgy. Laoag ang Sitio Mapita upang ipaabot ang munting pagmamahal ng Lokal na Pamahalaan sa mga kapatid natin sa Mapita.

Layon ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Roldan "Boyet" C. Sagles na lahat ng Aguilareño ay maabot ng munting pagmamahal lalo na ang mga nasa pinaka-liblib na lugar. Ipinagpatuloy ang pamamahagi sa walo pang barangay noong ika-28 ng Oktubre.

Tunay ngang buhay ang diwa ng kapistahan sa programang ito ng Lokal na Pamahalaan. Ipinagpaliban ang pagsasagawa ng magarbong selebrasyon kapalit ng kaligtasan ng lahat sa gitna ng pandemya at sa halip ay ginamit ang ibang bahagi ng pondo sa pagbili ng mga grocery items.

Buong pananalig at tiwala ng ating Lokal na Pamahalaan na tuloy-tuloy ang paghilom ng ating bayan mula sa COVID-19 para sa mas makulay at masayang pagdiriwang ng Ansakket Festival sa susunod na taon.

28/10/2021

All votes received after deadline will not be counted.

Photos from Aguilar Ansakkët Festival's post 28/10/2021

TIME CHECK! ITS 10:30 A.M YOU HAVE UNTIL 2:30 TO VOTE FOR THE MOBILE PHOTOGRAPHY AND LOGO MAKING CONTEST.

27/10/2021

ENTRY NO. 16

Happy harvesting begins with careful sowing and loving patience. Though life's in its meanest, yet, everyone deserves rewards of joy and grace.

Want your business to be the top-listed Government Service in Aguilar?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Ansakket Festival 2019

The only source of all official and exclusive updates, photos, and announcements of Ansakket Festival 2019

Location

Telephone

Website

Address


Aguilar
2415