07/10/2026
🌾 Hybrid Rice Model Farm Harvest Festival: Ani ng Pagtutulungan! 🌾
Nakikiisa ang National Food Authority (NFA) Agusan del Sur Branch kasama ang Department of Agriculture (DA)at LGU-Agusan del Norte sa pagpapatupad ng Hybrid Rice Program, na naglalayong suportahan ang ating mga magsasaka tungo sa mas produktibo at masaganang ani.
Isang mahalagang bahagi ng programa ang Model Farm Harvest Festival ng Diversified Agribusiness Farmers Agriculture Cooperative (DAFACO) Rice Cluster Cooperator sa Brgy. Bit-os, Butuan City, kung saan tampok ang bunga ng pagsisikap, makabagong pamamaraan sa pagsasaka, at pagtutulungan para sa mas mataas na produksyon ng palay.
🤝 DA at NFA, katuwang ng ating mga magsasaka sa bawat tanim, bawat ani, at bawat tagumpay!
🌾 Masaganang Ani, Mataas na Kita!
"Tiyang Ang Bigas, Panatag Ang Bukas"