Alaminos, Laguna LGU

Alaminos, Laguna LGU

Share

Patuloy po tayong mag hahatid ng Serbisyong May Pagmamahal

Photos from Mayor Eric "Bolado" Reyes Lopez's post 11/05/2026
Photos from Alaminos, Laguna LGU's post 11/05/2026

May 7, 2026 AICS Payout

Patuloy na ipinagkakaloob sa ating mga kababayan ang tulong pinansyal at assistance para sa kanilang iba’t ibang pangangailangan sa pamamagitan ng programang AICS, sa tulong at suporta nina Mayor Eric "Bolado" Reyes Lopez, Vice Mayor Vic Mitra, buong Sangguniang Bayan, at Municipal Administrator Ma’am Gladys Thompson.

Patunay ito ng patuloy na malasakit at serbisyong tapat para sa bawat mamamayan ng ating bayan.




11/05/2026

📢ABISO SA PUBLIKO!
Ang Libreng Legal Assistance ay gaganapin sa MAY 21, 2026 araw ng Huwebes, mula 9:00 AM hanggang 12:00 PM, sa Conference Hall ng Lokal na Pamahalaan ng Alaminos Laguna
Kung kayo ay may mga katanungang legal o nangangailangan ng payo ukol sa inyong mga karapatan, bukas po ang tanggapan upang kayo ay matulungan.
🗓 Martes
⏰ 9:00 AM – 12:00 PM
📍 Municipal Conference Hall
Ang serbisyong ito ay handog upang mas mapalapit ang tulong at katarungan sa ating mamamayan.

Photos from Alaminos, Laguna LGU's post 11/05/2026

Sama-samang nakiisa ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Alaminos, Laguna sa Lingguhang Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas sa pangunguna ng Municipal Accounting Office.

Kasabay nito ay ginawaran ng pagkilala ang mga empleyadong matagumpay na nakapasa sa Civil Service Examination bilang pagkilala sa kanilang sipag, dedikasyon, at kahusayan sa paglilingkod publiko.

Mabuhay ang mga lingkod-bayan ng Alaminos! 👏✨



11/05/2026
08/05/2026

Isang taos-pusong pagbati ng Happy 89th Birthday, Former Mayor Samuel Bueser. 🎉 Maraming salamat po sa inyong pag-iimbita sa amin sa pagdiriwang ng inyong kaarawan. Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng malakas na pangangatawan, mahabang buhay, at maraming biyaya kasama ang inyong pamilya at mga mahal sa buhay.

Maraming salamat po sa inyong naging serbisyo at ambag sa ating bayan.❤️

08/05/2026

“Mula sa Pamahalaang Lokal ng Alaminos, Laguna, Taus-pusong pagbati ng maligayang kaarawan sa langit kay dating Punong Bayan, Eladio "DOC" M. Magampon. Ang inyong paglilingkod, kabutihan, at pagmamahal sa bayan ay mananatiling inspirasyon sa bawat Alaminense. Patuloy kayong inaalala at ipinagdarasal.”

Photos from PESO Alaminos Laguna's post 07/05/2026
Photos from Alaminos, Laguna LGU's post 06/05/2026

Matagumpay na naisakatuparan ang payout para sa ating mga Municipal Scholars! 🎓❤️🫰
Sa pangunguna ng MSWDO Alaminos, patuloy nating pinapatunayan ang malasakit sa edukasyon at kinabukasan ng ating kabataan. Maraming salamat sa walang humpay na suporta ng ating Ama ng Bayan, Mayor Eric "Bolado" Reyes Lopez, Vice Mayor Vic Mitra, buong Sangguniang Bayan, at sa ating Acting Municipal Administrator na si Ma’am Gladys Thompson.
Sama-sama nating itaguyod ang pangarap ng bawat kabataang Alaminense! ✨📚 🫰❤️





04/05/2026



Want your business to be the top-listed Government Service in Alaminos?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Pandino Street
Alaminos
4001