04/08/2026
TINGNAN: ARAL Program Launching at Ribbon Cutting Ceremony | School Year 2026โ2027
Ngayong umaga, Agosto 4, 2026, matagumpay na isinagawa ng Carogcog Elementary School ang ARAL Program Launching para sa School Year 2026โ2027, na dinaluhan ng mga piling ARAL Learners mula Grade 1 hanggang Grade 6 kasama ang kanilang mga magulang.
Bilang bahagi rin ng programa, matagumpay na isinagawa ang Ribbon Cutting Ceremony ng mga Reading Nook ng bawat grade level, isang makabuluhang hakbang upang higit pang mapaunlad ang kultura ng pagbabasa at maitaguyod ang isang masaya at makabuluhang kapaligiran sa pagkatuto para sa bawat mag-aaral.
Lubos naming ikinararangal ang presensya nina Hon. Geneveive D. Duka, Committee on Education ng Barangay Carogcog, Mx. Marvin E. Echemane, External Tutor at Mx. Albert Banaynal, External Tutors na nagbigay ng kanilang buong suporta sa mga programang naglalayong palakasin ang literacy at pagkatuto ng ating mga mag-aaral.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa pamumuno ng aming School Head, Sir Jojit G. Caรฑada, at sa suporta ni Ms. Sylvia M. Dematera, Administrative Officer II, sa matagumpay na pagsasagawa ng dalawang makabuluhang aktibidad na ito.
Higit sa lahat, taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng mga g**o ng Carogcog Elementary School sa kanilang dedikasyon, pagtutulungan, at aktibong pakikibahagi upang maging maayos, makabuluhan, at matagumpay ang paglulunsad ng ARAL Program at ang pagbubukas ng mga Reading Nook.
Sa sama-samang pagkilos ng paaralan, mga magulang, barangay, at iba pang katuwang, patuloy nating isusulong ang dekalidad, inklusibo, at makabuluhang edukasyon para sa bawat batang Carogcog.