Don King Peregrino

Don King Peregrino

Share

Loving husband, father of two wonderful boys, and a family man at heart.

Advocate of positivity, sharing thoughts, experiences, and ideas that inspire growth, happiness, and meaningful connections

09/05/2026

Antukin with Servinias Band!

Maraming salamat sa band na nakasama kong magperform. Kahit limited ang time natin, sobrang solid pa rin ng energy at experience. Thank you sa support, teamwork, at good vibes sa stage!🀘

09/05/2026

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at nagbahagi ng kanilang oras at puso para maging matagumpay ang ating Fund Raising Concert β€” ang kauna-unahang Philippine Eagles Concert! πŸ¦…πŸŽΆ

Hindi lang ito isang gabi ng musika at kasiyahan, kundi isang gabi ng pagkakaisa, pagkakaibigan, at malasakit para sa mas malaking layunin. Sa bawat palakpak, awit, at suporta ninyo, pinatunayan nating lahat ang tunay na kahulugan ng:

β€œONE VOICE, ONE HEART, ONE MISSION AT A TIME.”

Sa bawat isang tumulong β€” sponsors, performers, organizers lalo na sa team ni Kuya Gov Lovelon Najera, at sa lahat ng dumalo β€” mula sa puso namin, maraming maraming salamat.. Ito ay simula pa lamang ng mas marami pang proyektong magbibigay inspirasyon at pag-asa sa ating komunidad.

Mabuhay ang samahan. Mabuhay ang Agila! πŸ¦…πŸ’™

08/05/2026

It is truly my pleasure and privilege na maging part ng First Ever The Fraternal Order of Philippine Eagles Concert for a Cause. πŸ¦…πŸŽΆ

Hindi lang ito basta concert β€” isa itong gabi ng pagkakaisa, serbisyo, at pagtutulungan para sa mas makabuluhang adhikain. Nakaka-proud maging bahagi ng isang event na gumagamit ng musika para makapagbigay inspirasyon at makatulong sa komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi nito. Excited na ako para sa isang gabing puno ng saya, musika, at magandang layunin ngayong May 8, 6:00 PM!

See you all there! πŸ’™




Photos from Coast Guard District North Western Luzon's post 02/05/2026
Photos from Pindangan  East News Update's post 25/04/2026

Hindi lahat ng fiesta kailangang magarbo.

Sa Brgy. Pindangan East, mas pinili ang maghatid ng tulong kaysa gumastos sa handaan. Tahimik man, pero ramdam ng bawat pamilyang nabigyan.
Ito ang tunay na diwa ng pistaβ€”malasakit sa kapwa.

Saludo ako sa inyo. Happy Fiesta!❀️

Photos from Don King Peregrino's post 23/04/2026

π‡πšπ©π©π² π…π’πžπ¬π­πš 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐊𝐒𝐬𝐒𝐀𝐒𝐬! Hawak niyo ang Beat πŸŽ‰

Nakakatuwang makita ang ganitong kasaya at kasiglang komunidadβ€”sabay-sabay sumasayaw, nagkakaisa, at tunay na nag-eenjoy sa bawat sandali. πŸ’ƒπŸ•Ί
Ganito kaganda kapag sama-sama ang mga taoβ€”may saya, may respeto, at may malasakit sa isa’t isa.

Salamat sa lahat ng patuloy na nagpapasaya at nagpapatibay sa ating barangay.
Viva Kisikis! 🎊

Photos from Don King Peregrino's post 16/04/2026

Hindi pa rin ako makapaniwala na nakasabay ko sa entablado ang BINI! ✨🎀

Maraming salamat sa pagkakataon na makapag-perform kasama kayoβ€”isang napaka unforgettable na experience. Sobrang solid ng energy, talento, at connection ninyo sa crowd!

Sa lahat ng nanood at sumuporta, maraming maraming salamat! Simula pa lang itoβ€”mas marami pang performances at masasayang moments ang darating.

CHAR!

Photos from Don King Peregrino's post 12/04/2026

Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng nanalo sa katatapos lamang na patimpalak ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Primicias, Bautista β€” *Tawag ng Tanghalan Season 2*! 🎀✨

Talagang kahanga-hanga ang ipinakitang talento ng ating mga kabataang mang-aawit, pati na rin ang maayos at matagumpay na pag-oorganisa ng buong programa.

Isang espesyal na pagbati sa masipag nating SK Chairman ButzCesar Cabansag na hindi lamang naging lider ng kabataan, kundi nagsilbi ring mahusay na host ng event β€” tunay na ehemplo ng dedikasyon at serbisyo!

Pagpupugay rin sa buong SK Members, sa Brgy. Council, at sa Sangguniang Bayan para sa kanilang buong pusong suporta. Maraming salamat din sa kanilang Ina ng Bayan, Mayor Rosemarie G. Gacutan sa patuloy na pagtangkilik sa mga programang nagbibigay inspirasyon sa ating kabataan.

Patuloy nating suportahan ang mga ganitong gawain na humuhubog sa talento at pagkakaisa ng ating komunidad. ❀️

11/04/2026

Kudos sa Brgy. San Pedro Apartado, Alcala! Ibang level ang preparation niyoπŸ‘πŸ»πŸ«‘

Photos from Sangguniang Kabataan Ng Primicias's post 10/04/2026

Maraming salamat sa tiwala at pag-imbita bilang hurado ng Tawag ng Tanghalan Sangguniang Kabataan ng Primicias Season 2, sa pangunguna ni SK Chairman ButzCesar CabansagπŸ‘

Isang karangalan ang maging bahagi ng isang aktibidad na nagpapakita ng galing, talento, at pagkakaisa ng kabataan. Nakakatuwang makita ang dedikasyon ng ating mga SK sa pag-organisa ng mga ganitong programa na tunay na nagbibigay inspirasyon sa komunidad.

Mabuhay ang kabataang Primicias! Patuloy kayong maging ilaw at pag-asa ng ating bayan. πŸ’™πŸ‡΅πŸ‡­

08/04/2026

Sa panahon ngayon, hindi madali ang buhay…
Mataas ang bilihin. Mababa o kulang ang kinikita.
May mga negosyong nalulugi.
May mga magsasakang hirap ibenta ang ani.
May mga tricycle driver na halos wala nang maiuwi dahil sa mahal ng gasolina.

Pero sa gitna ng lahat ng ito… tandaan natin:
β€œπ„π―πžπ«π²π­π‘π’π§π  𝐰𝐨𝐫𝐀𝐬 𝐭𝐨𝐠𝐞𝐭𝐑𝐞𝐫 𝐟𝐨𝐫 𝐠𝐨𝐨𝐝.”

Hindi man natin ngayon maintindihan,
hindi man malinaw kung bakit ganito ang nangyayariβ€”
darating ang araw, mapagkokonekta rin lahat.
May dahilan. May plano ang Panginoon.

Baka ngayon pagsubok,
pero bukasβ€”ito pala ang magtutulak sa atin para mas maging matatag, mas maging handa sa mas malaking biyaya.

Kaya kapit lang.
Bangon lang. Laban lang sa buhay.

Sa gitna ng hirap,
hanapin pa rin natin ang mga biyayaβ€”
yung pamilya na kasama natin,
yung pagkain na kahit simple ay naihahain,
yung lakas na ibinibigay araw-araw.

Hindi tayo pinapabayaan.
Hindi pa tapos ang kwento mo.

𝐏𝐚𝐝𝐚𝐲𝐨𝐧. πƒπšπ«πšπ­π’π§π  𝐝𝐒𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐚𝐭𝐒𝐧. πŸ’ͺ✨

Want your business to be the top-listed Government Service in Alcala?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Alcala
Alcala
2425