10/02/2026
Lubos na nagpapasalamat ang Comod-om Elementary School sa Distrito ng Alcantara sa Department of Information and Communications Technology (DICT), sa butihing Sds Roger Capa katuwang ang aming PSDS Jose Ombao Garcia sa matagumpay na pagpapatupad ng Free Wi-Fi for All Program sa aming paaralan. Ang programang ito ay malaking tulong sa pagpapabuti ng access sa impormasyon at sa pagpapaigting ng makabagong pamamaraan ng pagtuturo at pagkatuto.
Sa pamamagitan ng libreng koneksyon sa internet, higit na napadali ang paggamit ng mga digital learning resources, online platforms, at komunikasyon sa loob ng paaralan, na lubos na nakatutulong sa mga mag-aaral, g**o, at kawani.
Muli, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa DICT sa patuloy nitong suporta sa sektor ng edukasyon at sa adhikain nitong maihatid ang inklusibo at de-kalidad na serbisyong digital para sa lahat.
04/06/2025
📣 📣 📣 Para Po sa kaalaman ng mga Parents ng incoming KINDERGARTEn pupils ng COMOD-OM ELEMENTARY SCHOOL 📣📣📣
Cut-off Age para sa Kindergarten ayon sa DepEd Order No. 015, s. 2025
🧩 Panimula: Ano ang DepEd Order No. 015, s. 2025?
Bilang tugon sa mga magulang, g**o, at punong g**o na may mga tanong ukol sa tamang edad ng mga papasok sa Kindergarten, inilabas ng Department of Education ang bagong patakaran na nagbibigay linaw at tuntunin sa dalawang provision upang mas mapadali ang pagpasok ng mga bata sa paaralan na may birthday mula Nobyembre 1 hanggang Disyembre 31.
✅ 1. Ano ang bagong cut-off age para sa Kindergarten?
Ang bata ay dapat limang (5) taong gulang sa o bago ang Oktubre 31 ng school year upang matanggap sa Kindergarten.
🗓️ 2. Paano kung ang birthday ng bata ay mula Nobyembre 1 hanggang Disyembre 31?
Maaaring tanggapin kung masatisfy ang alinman sa dalawang provision sa ibaba:
🧾 3. Ano ang Provision 1?
📌 Nakatapos ang bata ng isang (1) school year ng Early Childhood Care and Development (ECCD) program mula sa:
Pampubliko o pribadong Child Development Centers (CDCs)
Learning Centers na may permit o recognition
📄 Kailangang ipasa:
Certificate of Completion o Certificate of Attendance mula sa naturang center.
📋 4. Ano ang Provision 2?
📌 Ang bata ay kailangang sumailalim sa Philippine Early Childhood Development (ECD) Checklist assessment na isasagawa ng paaralan.
📅 Kailan ito isinasagawa?
Sa enrollment period hanggang sa unang linggo ng klase
👩🏫 Sino ang mag-a-assess?
Kindergarten teacher ng paaralan
📂 Para saan ang checklist?
Upang matiyak na handa ang bata para sa Kindergarten
Ang resulta ng assessment ay magiging batayan sa pagtanggap
Ang checklist ay isasama sa opisyal na record ng bata
❌ 5. Puwede bang tanggapin ang bata kahit walang ECCD certificate at hindi na-assess?
Hindi. Kailangang masatisfy ang kahit isa sa dalawang provision kung ang birthday ng bata ay mula Nobyembre 1 hanggang Disyembre 31.
🎯 6. Ano ang layunin ng bagong patakarang ito?
Masig**o ang kahandaan ng bata sa Kindergarten
Panatilihin ang kalidad ng early childhood education
Magkaroon ng mas makatarungan at inklusibong polisiya
Source: DepEd Order 15, 2025
CTTO
31/05/2025
📣 PAALALA PO PARA SA MGA BRIGADA ESKWELA VOLUNTEERS 📣
Ito na po ang schedule ng ating brigada eskwela 2025!
Ang inyong oras at pagtulong ay mahalagang ambag sa paghahanda ng ligtas at maayos na paaralan para sa ating mag-aaral.
Sama-sama nating gawing matagumpay ang Brigada Eskwela 2025!
29/05/2025
ANNOUNCEMENT: BRIGADA ESKWELA & ENROLLMENT SCHEDULE
Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase para sa S.Y. 2025 - 2026, kami po ay taos-pusong nag-aanyaya sa buong komunidad na makiisa sa ating taunang Brigada Eskwela at opisyal na iskedyul ng enrollment.
Ang pagkakaisa at bayanihan ng bawat isa - mga magulang, g**o, mag-aaral at mga katuwang sa pamayanan - ay mahalaga upang mapanatiling ligtas, maayos, at handa ang ating paaralan para sa lahat ng mag-aaral.
Sama-sama po nating paghandaan ang bagong taong pampaaralan!
29/07/2024
Maligayang pagbabalik mag-aaral ng Comod-om Elementary School!
27/07/2024
Dalawang araw na lang at simula na ulit ng pasukan! Oras na para ihanda ang mga gamit pampasok at ibalik ang sigla sa bagong kaalaman sa paaralan. Gawin nating the best ang school year na ito!
26/07/2024
ACKNOWLEDGEMENT!
The implementation of BRIGADA ESKWELA 2024 in COMOD-OM ELEMENTARY SCHOOL will not be possible without the help of the following:
Parents, Donors, PTCA Officials, Barangay & SK Officials, 4Ps Members, BHWs, private individuals who contributed thier resources to our school.
Brigada Eskuwela activities may not be as successful as it is today without offering your skills, sharing your time or providing your in-kind assistance in making our school ready and safe in the opening of classes.
Again, we wish to convey our sincerest gratitude to our community partners, leaders and volunteers for your continuing service and love to Comod-om Elementary School . Truly, the spirit of BAYANIHAN is alive in our school..
TO GOD BE ALL THE GLORY!
30/06/2024
ANNOUNCEMENT!
Brigada & Enrollment Updates for SY 2024-2025
15/03/2024
Congratulations sa Patnugutan ng Ang Komodyans:
1. Precious Ayesha Galang - Champion in News Writing (Filipino Category)
Coach: Ulysis M. Galang
2. Abegail G. Galario - Third, Copy Reading and Headline Writing
Coach: Cerry Jane D. Martinez
3. Rajah Jean T. Galang - Champion Sports Writing Filipino Category
Coach: Maricel V. Guyo
To God be all the glory!
08/03/2024
Congrats, Precious Ayesha Collado and Ciara Faye G. Manreza, for being Grade 7 SSC qualifiers.