27/03/2026
Pagbati po sa mga graduates ng DepEd Tayo Marahan ES-Cavite Province S.Y. 2025-2026.
Congratulations! Malayu na ang narating nyo pero malayu pa ang tatahakin. Ipagpatuloy niyo lamang ang nasimulan upang makamit ang mga pangarap nyo. Mabuhay kayu!
Jan Nicole Dimapilis Legaspi
02/08/2025
Pagbati ng maligayang kaarawan sa aming butihing punong barangay!
Mabuhay ka hanggang sa gusto mo!🎉
24/07/2025
halos anim na araw ng umuulan. Kung maari pong manatili nalamang sa bahay ay manatili nalang po tayu.
Ingat po ang lahat. Inom ng vitamin C pang palakas ng resistensya. :)
15/07/2025
Isang matagumpay na araw para sa ating Libreng School Supplies program!
Sa tulong ng ating mga masisipag na katuwang sa pagpapatupad ng programa at sa mainit na pagtanggap ng komunidad, naging makabuluhan at puno ng ngiti ang pamamahagi ng mga gamit sa eskwela para sa mga bata.
Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng aming mga sponsors at katuwang na sumuporta sa programang ito, lalo na kina:
• Konsi Abelardo "ABE" Cuadra Cordenete
• Principal at mga g**o ng DepEd Tayo Marahan ES-Cavite Province
• Parents & Teachers Association ng Marahan Elementary School
• Mga magulang at estudyante
• Sangguniang Barangay ng Marahan Uno
• Senior Citizens ng Marahan Uno
Dahil sa inyong bukas-palad na suporta, mas marami tayong batang natulungan na makapagsimula ng kanilang pag-aaral nang may pag-asa at determinasyon.
Salamat po sa pagtitiwala at sa pagiging kabahagi ng adbokasiyang ito para sa edukasyon at kinabukasan ng kabataan.
Mabuhay po kayo! 💙📚✏️
04/07/2025
🎒 Inaanyayahan po namin kayo!
Sa darating na Hulyo 6, 2025 (Linggo), magkakaroon po ng pamamahagi ng libreng school supplies para sa mga piling mag-aaral ng Marahan Elementary School.
Ito po ay handog ni Kagawad Jan Nicole “Nikko” Legaspi, sa pakikipagtulungan ni Kagawad Abe Cordenete at ng mga katuwang na organisasyon.
Tara na at sama-sama nating suportahan ang paghahanda ng ating kabataan para sa kanilang pag-aaral!
📍 Marahan Elementary School
🕘 9:00 AM
Hatid ay saya, gamit para sa eskwela! ✨
27/03/2025
Congratulations Gandang Juanang Alfonseña 2025, Ira Bariso 👏🏻👏🏻👏🏻
👸🏼Gandang Juanang Alfonseña 2025 Title Holder
Special Awards:
🎤 Best in Talent
📸 Most Photogenic
💃 Best in Production Number
We are proud of you! Hindi ka babae lang, kundi BABAE KA! Mabuhay ang mga kababaihan ng Alfonso!! 💪
16/03/2025
Maraming salamat,Jesse Care Pest Management Services -Tagaytay, sa pagsasagawa ng thermal fogging at misting dito sa Marahan Elementary School upang mapuksa ang lamok, ipis, langaw, at langgam. 🐜🪰🪳
Malaking tulong ito sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating paaralan at kalusugan ng ating mga mag-aaral!
11/03/2025
1st Day: Enhancement Seminar / Workshop of Barangay Legislation