10/04/2025
FYI!!!
ANUNSYO PUBLIKO!
Simula po April 07, 2025 hanggang May, 02, 2025 ay magkakaroon po tayo ng 4-day compressed work week sa mga opisina ng ating Pamahalaang Bayan. Sa bagong schedule po , ang mga opisina ay bukas mula 7AM hanggang 6PM, Lunes hanggang Huwebes.
Paalala po na may ilang opisina na mananatili sa regular na schedule: MSWDO, MHO, MDRRMO, ATMO, at Market.
Mangyaring po na tignan ang larawan para sa karagdagang detalye! Maraming Salamat po!
Tuloy-tuloy po ang ating sa Bayan ng
18/02/2025
"Paradahan" Alfonso Livestock Auction Market
Muling nagbubukas tuwing Lunes ika lima ng umaga hanggang alas dose ng tanghali matatagpuan sa Luksuhin, Ibaba, Alfonso, Cavite.
18/02/2025
"Paradahan" Alfonso, Livestock Auction Market
Muling nagbubukas tuwing Lunes, 5:00 am- 12:00 noon.
Luksuhin Ibaba, Alfonso, Cavite
20/08/2024
Nagsawa ng Benchmarking Activity on Fruits and Vegetables Processing ang Office of the Provincial Agriculturist ng Laguna, kasama ang kinatawan ng Office of Provincial Agriculturist ng Cavite sa Delfas Food Products Inc.
Layunin ng aktibidad na mapaunlad ang processing and product development sa kanilang lugar.
14/08/2024
📢‼️ Maging alerto! ‼️
Kung may hindi pangkaraniwan o hindi normal na obserbasyon sa inyong mga alagang baboy na maaaring magpahiwatig ng sintomas ng ASF, o iba pang sakit ng baboy tulad ng:
✅ lagnat
✅ pamumula o kulay berde sa balat
✅ pagdurugo
✅ pagsuka
✅ aborsyon sa inahin
✅ hindi pagkain
✅ pamamayat
✅ ubo at sipon
✅ hindi makatayo o makalakad
ay ipagbigay alam agad sa inyong lokal na Veterinary o Agriculture Office.
Paglaganap ng ASF ay pigilin, AGARANG PAG-UULAT ay ugaliin! 🐷🐖
08/08/2024
Sa pakikipagtulungan ng DA Region IV-A, Philippine Coconut Authority, at ng Municipal Agriculture office ng Alfonso. Nagsagawa ng Pagsasanay sa Coffee and Cacao Production Rehabilitation/Rejuvination Technology under Coconut Farmers and Industry Trust Fund (CFITF).
Naglalayon ang pagsasanay na mgbigay ng kaalaman ang mga mgsasaka sa importansiya ng coffee at cacao rehabilitation and rejuvination para mapataas ang produksiyon, at ngbigay din ng kaalaman tungkol sa mga pangkaraniwang peste at sakit at kung paano maiiwasan ang mga ito para mgbigay ng mataas na ani at kalidad mula sa mga matatandang puno sa wastong pangangalaga.
Nagkaroon ng 25 farmer/participants sa Cacao Rehabilitation/Rejuvination na ginanap sa Valeoras Farm, sa Barangay Pajo. at 44 na farmer/participants sa Coffee Rehabilitaion/Rejuvination na ginanap sa Sanghiyang Hall, Alfonso, Cavite. Naganap ang pagsasanay noong ika anim at ikapito ng Agosto 2024.
02/08/2024
One Agricultural Extension Worker and two farmer leader attended the Basic Cultural Management Practices of National Urban and Peri-Urban Agriculture Program (NUPAP) of Department of Agriculture.
02/08/2024
Nagsagawa ang Tanggapan ng Pambayang Pagsasaka katuwang ang CvSU Brite Center ng Pagsasanay Sa Introduction to Stingless Beekeeping nitong July 30, 2024. Ito ay dinaluhan ng mga mgsasaka at Agricultural Extension Workers.
Layunin ng pagsasanay na mabigyan ng kaalaman ang ating mga mgsasaka sa kahalagahan ng pag- aalaga ng stingless bees at mapagkunan ng dagdag kita sa kanilang mga taniman.
Tinalakay din sa pagsasanay ang mga health benefits na makukuha sa mga produkto ng bubuyog. Bilang parte ng Nutrition Month Celebration.
04/06/2024
Maraming Salamat Sen. Kiko sa pagtulong sa magsasakang Alfonsenyo!!!!