02/01/2025
Happy New Year 2025
OFFICIAL PAGE OF TEAM ROMMEL LIM
02/01/2025
Happy New Year 2025
28/09/2024
HAPPY 75th ALICIA ❤️❤️❤️
Maraming Salamat Po Sa pagbigay ng oras upang ako po ay Iyong iendorso sa aking pagtakbo bilang Mayor Sa Alicia, Isabela. Makakaasa po kayo na pagbubutihin ko at gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang mapaganda, maiayos at mapalago ang aking bayan. Thank you po SENATOR GRACE POE- LLMANZARES 💙💙💙
26/02/2022
Maraming Salamat po sa lahat ng aming nakasama noong nakaraang Sabado.
May extra challenge kami sa inyo. Ishare ang live natin mamaya at mag tag ng kaibigan na makakasamang manonood. Maari kayong magkaroon ng free lunch bukas (Sunday) sa kung sino ang ating mapipiling lucky sharer.
Kaya tumutok na mamayang 7PM at makijam sa ating mga naggagalingang singer ng ating Bayan.
25/02/2022
Hindi niyo po utang na loob sa kahit kanino man ang tulong na pinapaabot ng ating gobyerno. May nakalaan po na pondo ang lahat ng ayuda na naiaabot sa atin.
Nakakalungkot na ang para naman sa tao ay nagagamit para pabanguhin ulit ang kanilang mga pangalan upang mapagtakpan ang mga pagkukulang na serbisyo noong mga nakaraang taon.
Huwag po nating ipagpalit ang kakapirangot na naiaabot sa atin para na naman sa tatlong taong paghihirap ng Bayan natin.
Nawa'y maibalik ang respeto at tamang pag aaruga sa ating mga kababayan.
We deserve better Bayan ng Alicia.
23/02/2022
Kahapon ay nakasama natin si Mayor Isko at ang mga dati nating nakasama sa Team Grace Poe sa Marikina.
Nakakatuwa at nakakainspire marinig ang mga adhikain ng ating Mayor Isko. Pareho din kami ng adhikain para sa bayan ng Alicia,nakafocus din tayo sa Health at Livelihood
Simula ng nakaraang linggo ay nag ikot tayo sa ating mga kababayan at ipinakilala ang ating sarili. Napaka init po ng inyong pagtanggap, bagamat alam nating maraming humahadlang sa atin ay hindi kayo nagpatinag sa kanila.
Kayo po ang inspirasyon ko para ituloy ang laban na ito.Maraming salamat barangay Antonino, Aurora, Mabini,Victoria,Sta. Cruz,Rizaluna at M.H. Del Pilar.
Sa mga nakasama natjn sa Unitiy Walk at Peace Covenant nawa'y ipagpatuloy natin ang laban ng matiwasay at walang halong pamumulitika kundi serbisyong totoo lamang.
Bago naman subukan Team Lim Abuan.
Na anyayahan kaming makizumba kasama ang ating mga kapatid sa my by-pass kaninang umaga.
Mukhang kailangan ng practice.
16/02/2022
Maraming Salamat Po Sir Neil & Senator Grace Poe- Llamanzares Sa Suporta At Tiwala Na Binibigay Ninyo Sa Akin.💙💙💙