30/05/2026
πππππ πππππππ πππππππππ ππ ππππππ πππππππ!
Nakibahagi ang inyong lingkod sa masayang pagdiriwang ng Tapusan ng Kapisanan ng Bagong Samahan sa Barangay Dominador West, kung saan Hermana Mayor sina Gng. Jocelyn Gonzalvo at ang kanyang pamilya.
Bahagi ng pagdiriwang ang taunang masigla at makulay na exhibition ng mga musiko na nagsilbing tampok ng selebrasyon ng Tapusan.
Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap. Mabuhay ang Kapisanan ng Bagong Samahan at ang Barangay Dominador West!
10/05/2026
πππππ ππππππ'π πππ!
Bago tuluyang matapos ang araw na ito, hindi po namin hahayaang lumipas nang walang pagpupugay sa mga dakilang ilaw ng tahanan. π·
Sa lahat ng ina na walang sawang nagsasakripisyo, nagmamahal, at nagbibigay lakas sa kanilang pamilyaβkayo po ang tunay na inspirasyon ng bawat tahanan at komunidad. π
Mula po sa inyong lingkod, isang taos-pusong pagbati ng Maligayang Araw ng mga Ina sa lahat ng mommy, nanay, mama, inay, at sa lahat ng may pusong mapag-aruga. Nawaβy mapuno ng pagmamahal at pagpapahalaga ang inyong puso hindi lamang ngayong araw, kundi araw-araw.
Hindi man maaga ang pagbati, hinding-hindi naman mahuhuli ang pasasalamat para sa inyo! Happy Mother's Day po!
06/05/2026
πππππ π
πππππ, πππππππππ! ππππ πππππ ππ πππππ πππ ππππ!
Isang araw ng saya, tradisyon, at pananampalataya para sa bawat AlitagtagueΓ±o. Sama-sama nating ipagdiwang ang biyaya at pagkakaisa ng ating bayan.
Mula po sa inyong lingkod, maligayang kapistahan sa inyong lahat!
03/05/2026
πππππ ππππ ππ ππππππ?
Magandang Araw, Alitagtaguenos! Makikiuso at mood check muna tayo, anong sticker ka today?
Anuman ang mood mo, sana'y maging magaan at mapagpala ang iyong araw. π
28/04/2026
ππππππππππ ππππ ππ ππππ ππ πππππ πππ πππππππππ!
Bitbit ang ngiti, pag-asa at buong pusong paglilingkod, ating ibinaba ang mga wheelchair sa ilan sa ating mga kababayang lubos na nangangailangan.
Sa ating pakikipag-ugnayan sa opisina ng Senior Citizens Partylist, natugunan ang ating hiling na mga wheelchairs para sa ilan sa ating mga kababayan.
Ngayong araw, kasama sina Konsehal Archie Catapang, Konsehal Deck Salazar, Konsehal Paul Joshua Alcaraz, at Former SK President Carl Panaligan Sahagun, naihatid natin ang tulong na magbibigay ginhawa at pag-asa sa kanilang araw-araw na pamumuhay.
Kaunting tulong, kalinga at malasakit, para sa ikabubuti ng ating mga kababayan. Sa ngalan ng Marangal na Serbisyo, tuloy-tuloy po tayo.
27/04/2026
πππππππππ ππππ, πππππππππ!
Kamusta ang inyong umaga? Nawaβy maging produktibo at makabuluhan ang araw ng bawat isa. Sama-sama po tayong patuloy na umangat bilang isang komunidad.
Sa ngalan ng Marangal na Serbisyo, tuloy-tuloy po tayo!