601st Infantry Unifier Brigade

601st Infantry Unifier Brigade

Share

Official page of the 601st Infantry (Unifier) Brigade,6th Infantry Division, Philippine Army

Photos from 601st Infantry Unifier Brigade's post 05/05/2026

"๐”๐ง๐ข๐Ÿ๐ข๐ž๐ซ ๐ƒ๐ซ๐ž๐š๐ฆ ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ž๐ซ: ๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐๐š๐ญ๐œ๐ก ๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐„๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐“๐จ๐ฎ๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฌ๐š ๐Ÿ”๐ˆ๐ƒ"

Mayo 5, 2026-Matagumpay na isinagawa ang Unifier Dream Builder: 1st Batch Youth Educational Tour 2026, na mayroon temang "Empowering Youth Towards a Peaceful Future" na nilahukan ng limampung (50) kabataan mula sa Barangay Kamasi, Ampatuan, Maguindanao del Sur bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kapayapaan, edukasyon, at kamalayang sibiko ng West Philippines Sea sa hanay ng kabataan.

Bumisita ang mga kalahok sa 6th Infantry Division (6ID) Peace Museum at sa 6th Division Training School, kung saan kanilang nasaksihan ang mahahalagang kasaysayan, adbokasiya, kamalayan sa West Philippines Sea, at mga programa ng militar hinggil sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon. Nagkaroon din ng static display at obstacle demonstration na ipinakita ng mga kasundaluhan ng Division Training School (DTS), na lalong nagbigay ng kaalaman at karanasan sa mga kabataan tungkol sa kahandaan at kakayahan ng sandatahang lakas.

Kasunod nito, nagsagawa rin ng Orientation on Emergency Response ang Bangsamoro READi upang mabigyan ang mga kabataan ng sapat na kaalaman at kahandaan sa pagtugon sa mga sakuna at iba pang emergency na sitwasyon, sa pangunguna ni Dir. Muhammad Farzieh B. Abutazil, Head ng Bangsamoro READi.

Ang nasabing aktibidad ay inisyatiba ng Unifier Troops sa pamumuno ni BGen. Edgar L. Catu, Commander ng 601st Brigade, kung saan ang bawat kasapi nito ay boluntaryong nag-ambag ng kanilang suporta at kontribusyon upang makatulong sa mga kabataang kalahok sa nasabing lakbay-aral. Naging katuwang sa matagumpay na aktibidad ang Fahanie Cares na pinangungunahan ni MP Atty. Fahanie Uy-Oyod; Bangsamoro READi; TCKK Inc. sa pamumuno ni Ms. Cathlea Diocolano; at Nonviolent Peaceforce sa pangunguna ni Mr. Nasrudin Asi, Field Coordinator.

Samantala, sina Maj. Saber G. Balogan, CMO Officer ng 601st Brigade, at Maj. Jaafar Abdul, Commanding Officer ng CMO Company, ang nagsilbing pangunahing tagapagpadaloy mula sa pagpaplano at paghahanda hanggang sa aktwal na pagsasagawa ng programa.

Bilang bahagi ng suporta ng ibaโ€™t ibang partner stakeholders, naipamahagi sa mga kalahok ang limampung (50) school bags na may kasamang school supplies at tsinelas mula sa Fahanie Cares, TCKK Inc., at Bangsamoro READi na nag provide ng libreng sakay, habang ang Nonviolent Peaceforce ay nag-sponsor ng Jollibee meals para sa tanghalian ng mga kalahok.

Ayon kay BGen. Catu, ang inspirasyon ng programa ay nagmula sa isang simpleng karanasan habang siya ay tumatakbo sa kalsada, kung saan may ilang kabataan na sumabay sa kanya at nagsabing nais nilang maging sundalo. Mula rito ay nabuo ang ideya na magkaroon ng isang youth educational tour upang mabigyan sila ng pagkakataong makita at maranasan ang 6ID Peace Museum, obstacle demonstration, at military static display, pati na rin ang simpleng kasiyahan na madala sila sa Jollibee. โ€œLayunin ng aktibidad na ito na bigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na matuklasan ang kanilang mga pangarap. Nakita ko ang labis na saya ng mga bata at ang kanilang pagiging bukas at hindi na takot na lumapit sa mga sundalo kahit na wala silang katabi o kasamang magulangโ€”hindi katulad noon na ang ating kasundaluhan ay ginagawang panakot,โ€ pahayag ni BGen. Catu.

Nagbigay din ng mensahe si MGen. Jose Vladimir R. Cagara, Commander ng Joint Task Force Central at 6ID, na ang youth sector ay kabilang sa mga pinaka-vulnerable sa recruitment ng mga teroristang grupo kayaโ€™t mahalagang sila ay maprotektahan sa pamamagitan ng mga sustainable at inklusibong programa. โ€œKailangan nating tiyakin na may tuloy-tuloy na programa para sa kabataan upang hindi sila mapabayaan at hindi mahikayat ng maling impluwensya. Kayaโ€™t pinupuri ko ang mahusay na inisyatiba ng 601st Brigade sa pamumuno ni BGen. Catu, katuwang ang mga stakeholders at mga ahensiya ng pamahalaan na patuloy na sumusuporta sa ating mga kasundaluhan para sa matagumpay na peacebuilding activities,โ€ ani MGen. Cagara.




6th Infantry "Kampilan" Division, Philippine Army
Kampilan Dpao
90th Infantry Bigkis Lahi Battalion
Lakan Battalion
38th Infantry We Clear Battalion
Reliable Battalion

Photos from 601st Infantry Unifier Brigade's post 05/05/2026

"๐‹๐ข๐ฆ๐š๐ง๐  (5) ๐ƒ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐Š๐š๐ฌ๐š๐ฉ๐ข ๐ง๐  ๐•๐ข๐จ๐ฅ๐ž๐ง๐ญ ๐„๐ฑ๐ญ๐ซ๐ž๐ฆ๐ข๐ฌ๐ญ๐ฌ, ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฅ๐ข๐ค-๐‹๐จ๐จ๐› ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐š๐ง"

Mayo 4, 2026, limang (5) indibidwal na dating kasapi ng Violent Extremists ang boluntaryong sumuko sa pamahalaan, kasama ang kanilang mga armas, sa pamamagitan ng 1st Mechanized Battalion sa pamumuno ni Lt. Col. William G. Sabado.

Ang mga sumukong indibidwal ay pormal na iprinisinta kay BGen Edgar L. Catu, Commander ng 601st Brigade, na isinagawa sa Himpilan ng 1st Mechanized Battalion sa Brgy. Midtimbang, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur.

Kabilang sa mga sumuko ay sina Datu Ali S. Samat, Morad S. Datu Ali, Guialudin Samsudin Salipada, Tohami Katu Maguid, at Diya Bakang Dagadas.

Ang mga kagamitang pandigma na isinuko ay Isang (1) Rifle, Cal .30 Garand, Isang (1) Sniper Rifle, Cal .50 Barrett, Dalawang (2) Submachine Gun, 9mm U*i, at Isang (1) Gr***de Launcher M79

Kabilang sa mga dumalo sa aktibidad ay sina Hon. Mohalidin P. Kasim, SB Member ng Talayan; Ms. Lornalyn Midtimbang, MSSD, MDS-DRR Focal Person, Ms. Sittie Janine M. Gamao, MPOS- BARMM; Mr. Mohammad Khadaffi C. Daud, Social Welfare Officer II, SWADTโ€“Cotabato City PAFCPIC Cotabato Branch.

Ang mga sumuko ay nakatanggap ng paunang tulong pangkabuhayan na kinabibilangan ng: 25 sako ng bigas, 20 kahon ng de-latang pagkain, 20 kahon ng ibaโ€™t ibang relief items, at Cash assistance mula sa lokal na pamahalaan ng Talayan

Ayon sa isang kasamahan ng mga nagbalik loob sa pamahalaan, mahirap ang kanilang naging kalagayan habang sila ay nasa loob pa ng armadong grupo. Ayon sa kanya, palagi silang nagtatago at nabubuhay sa takot na anumang oras ay maaaring mapahamak dahil sa maling landas na kanilang tinahak.

Dagdag pa ng isa sa sumukong violent extremists, โ€œHindi madali ang buhay sa loob ng kilusan. Wala kaming katiyakan, laging nagtatago, at natatakot sa bawat galaw. Ngayon, nagpapasalamat kami sa pagkakataong ibinigay sa amin ng pamahalaan at sa tulong ng kasundaluhan. Pinili namin magbagong buhay para sa aming pamilya at para sa mas maayos na kinabukasan.โ€

Ayon sa mensahe ni BGen Edgar L. Catu, Commander ng 601st Brigade, ang pagbabalik-loob sa pamahalaan at pagsuko ng mga armas ay patunay ng magandang hangarin upang talikuran ang maling ipinaglalaban at handang magbagong buhay kasama ang pamilya. Hinikayat din niya ang iba pang nalalabing miyembro ng armadong grupo na sundan ang kanilang halimbawa at samantalahin ang mga programang iniaalok ng gobyerno para sa kanilang pagbabagong buhay.

Nagbigay din ng mensahe si MGen Jose Valdimir R. Cagara, Commander ng JTF Central at 6ID. Ayon sa heneral, ang patuloy na pagsuko ng mga dating kasapi ng extremist groups ay patunay ng epektibong koordinasyon ng militar, pulisya, at lokal na pamahalaan. Tiniyak niya na ang 6ID ay mananatiling nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagbibigay ng suporta sa mga nais magbagong buhay tungo sa isang mapayapa at maunlad na pamayanan. Pinuri at pinasalamatan ng heneral ang iba't ibang stakeholders, ahensiya at pamahalaang lokal ng talayan sa patuloy na suporta tungo sa kapayapaan at kaunlaran.




6th Infantry "Kampilan" Division, Philippine Army
Kampilan Dpao
90th Infantry Bigkis Lahi Battalion
Lakan Battalion
38th Infantry We Clear Battalion
Reliable Battalion

30/04/2026

Toboso LGU Acts Against Insurgency, Declares CPP-NPA-NDF Persona Non Grata

The Local Government Unit (LGU) of Toboso, Negros Occidental has formally declared the Communist Party of the Philippines New Peopleโ€™s Army National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) as persona non grata within its jurisdiction. This decision was made through Resolution No. 077, Series of 2026, during the 32nd Regular Session held on April 28.

In the resolution, the LGU emphasized that the CPP-NPA-NDF, collectively referred to by government authorities as Communist Terrorist Groups (CTGs), have long been associated with acts of violence and armed insurgency across the country. Their presence and activities, the resolution noted, have led to widespread disruption causing the loss of lives, destruction of property, and hindering local development initiatives.

By declaring these groups unwelcome in Toboso, the municipality seeks to safeguard peace, security, and progress for its residents. Copies of the resolution will be furnished to the Office of the President, the Department of the Interior and Local Government, the Provincial Government of Negros Occidental, the Armed Forces of the Philippines, the Philippine National Police, and other concerned agencies for appropriate action and coordination.

#๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฆ๐—ฎ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป
#๐˜€๐˜‚๐—ฝ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—ผ๐—ฝ๐˜€
#๐˜€๐—ฝ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ต๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€
#๐—ฆ๐˜๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ด๐˜๐—ต๐—œ๐—ป๐—จ๐—ป๐—ถ๐˜๐˜†
#๐—ฆ๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—ฟ๐—”๐—ฟ๐—บ๐˜†๐—ฆ๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—ฟ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ฟ๐˜†
#๐—ฝ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—บ๐˜†๐˜€๐—ฝ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ต๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€
๐‘ญ๐’๐’“ ๐’Ž๐’๐’“๐’† ๐’–๐’‘๐’…๐’‚๐’•๐’†๐’”, ๐’‘๐’‰๐’๐’•๐’๐’” ๐’‚๐’๐’… ๐’—๐’Š๐’…๐’†๐’๐’” ๐’๐’Š๐’Œ๐’†, ๐’”๐’‰๐’‚๐’“๐’† ๐’‚๐’๐’… ๐‘ญ๐‘ถ๐‘ณ๐‘ณ๐‘ถ๐‘พ ๐’๐’–๐’“ ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’†!

Photos from 601st Infantry Unifier Brigade's post 27/04/2026

"๐—ฆ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐—ด (๐Ÿญ๐Ÿฌ) ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—จ๐—ฟ๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—น ๐—ฎ๐˜ ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด (๐Ÿญ) ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐—ด, ๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ธ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ฟ"

Matagumpay na naisagawa ang boluntaryong pagsuko ng sampung (10) ibaโ€™t ibang uri ng high-powered fi****ms at isang (1) fragmentary hand gr***de sa hanay ng 1st Mechanized Infantry Battalion ngayon ika-27 ng Abril 2026.

Batay sa ulat, ang nasabing mga kagamitang pandigma ay isinuko ng mga indibidwal mula sa iba't ibang mga barangay sa bayan ng Talitay na pinangunahan ni Mayor Sedik Ameril. Ang mga armas ay tinanggap ni Lt. Col. William Sabado, Commanding Officer ng 1Mech Battalion, at pormal na ipinrisinta kay BGen. Edgar L. Catu, Commander ng 601st Brigade, sa isinagawang turnover ceremony sa Headquarters ng 1st Mechanized Infantry Battalion sa Brgy. Midtimbang, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur.

Dumalo rin sa aktibidad sina Hon. Musa S. Ameril, Municipal Vice Mayor; mga Punong Barangay sa pangunguna ni Hon. Datu Ayatullah J. Mapandala, ABC President; at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan.

Kabilang sa mga isinukong armas ay ang sumusunod: Isang (1) Rifle, 5.56mm M16A1 na may kalakip na isang (1) 40mm M203; Isang (1) Rifle, 5.56mm M16A1; Isang (1) Cal. 30 M1 Garand Rifle; Dalawang (2) Rocket Propelled Gr***de; Isang (1) Submachine Gun, 9mm U*i na may isang magazine; Isang (1) Rifle, 7.62mm; Isang (1) Cal. .50 Barrett Sniper Rifle; Isang (1) MAC-10, 9mm U*i; at Isang (1) Hand Gr***de, Fragmentary Delay M69.

Ayon kay BGen. Edgar L. Catu, โ€œAng tagumpay na ito ay hindi lamang sa hanay ng kasundaluhan kundi higit sa lahat sa mamamayan na matagal nang naapektuhan ng kaguluhan. Dahil sa sama-samang pagkilos at pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at mamamayan ay makakamit ang tunay at pangmatagalang kapayapaan. Ang isang iligal na baril na makukuha natin ay katumbas ng higit pa sa isang buhay na nailigtas dahil mapipigilan nito ang posibleng paggawa ng krimen sa lugar. Inaasahan ko ang patuloy na kooperasyon ng kumunidad sa pagpapanatili ng kaayusan at kaunlaran sa lugar.

Samantala, ipinahayag naman ni MGen. Jose Valdimir R. Cagara, Commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry Division, ang kanyang pagpuri sa matagumpay na pagsuko ng mga matataas na kalibre ng armas bilang patunay sa matatag at matibay na ugnayan, koordinasyon at kolaborasyon ng kasundaluhan, kapulisan, at lokal na pamahalaan, katuwang ang mamamayan na patuloy na sumusuporta sa Balik-Baril Program at iba pang programa ng pamahalaan. Hinihikayat ko ang iba pang indibidwal na isuko ang kanilang mga baril upang hindi magamit sa karahasan."




6th Infantry "Kampilan" Division, Philippine Army
Kampilan Dpao
90th Infantry Bigkis Lahi Battalion
Lakan Battalion
38th Infantry We Clear Battalion
Reliable Battalion

27/04/2026

The 6th Infantry (Kampilan) Division, Philippine Army, joins the nationwide commemoration of the Battle of Mactan this April 27, honoring the bravery of Lapu-Lapu, the first recorded Filipino defender of our sovereignty.

As we mark its 505th anniversary, we draw strength from his legacy. Just as Lapu-Lapu stood against foreign aggression, todayโ€™s Armed Forces remain determined to protect our nation, including our sovereignty in the West Philippine Sea.

A tribute to our past, a call to unity, and a commitment to defend what is rightfully ours.





Photos from 601st Infantry Unifier Brigade's post 25/04/2026

"๐ˆ๐ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐Ž๐ฎ๐ญ๐ซ๐ž๐š๐œ๐ก ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ, ๐’๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐‡๐š๐ง๐๐จ๐  ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐š๐ฌ๐ฎ๐ง๐๐š๐ฅ๐ฎ๐ก๐š๐ง, ๐Š๐š๐ญ๐ฎ๐ฐ๐š๐ง๐  ๐š๐ง๐  ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐‹๐ข๐ฐ๐š๐ง๐š๐  ๐ง๐  ๐–๐š๐ญ๐ญ๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐‹๐จ๐ฏ๐ž ๐š๐ญ ๐†๐ข๐ฏ๐ž ๐‡๐ž๐š๐ซ๐ญ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ ๐ฎ๐ข๐ง๐๐š๐ง๐š๐จ ๐๐ž๐ฅ ๐’๐ฎ๐ซ"

Sitio Feris, Brgy. Kabengi, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur โ€” Matagumpay na isinagawa ngayong Sabado, ika-25 ng Mayo 2026, ang isang Indigenous Peoples (IP) Community Outreach Program na may temang โ€œSerbisyong Handog ng mga Kasundaluhanโ€, na naglalayong maghatid ng tulong at pag-asa sa mga katutubong komunidad ng Teduray sa nasabing lugar.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng 90th Infantry Battalion sa pamumuno ni LTC Loqui O. Marco, bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng yunit na palakasin ang ugnayan sa mga komunidad at suportahan ang kapakanan ng mga katutubong mamamayan.

Isinagawa ang programa sa pakikipagtulungan sa Project Liwanag ng Watts of Love Philippines na pinamumunuan ni Father Romero Cabrera, Head of Operations, gayundin ang Give Heart program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur.
Personal na dumalo sa aktibidad si General Catu bilang pagpapakita ng kanyang buong suporta at pakikiisa sa layunin ng programa para sa kapakanan ng mga katutubong komunidad.

Kabilang sa mga natanggap na tulong ng mga katutubong Teduray mula sa Sitio Feris at Sitio Bagong ang mga sumusunod: Sako-sakong bigas, Mga tsinelas at sapatos, Libreng ukay-ukay, Feeding activity para sa mga bata, Individual mini solar lights sa ilalim ng Project Liwanag, at mga laruan para sa mga batang Teduray.

Dumalo at nagpakita ng suporta sa nasabing aktibidad ang mga sumusunod na opisyal at kinatawan:
Col. Jearie Boy Faminial, Deputy Brigade Commander, 601st Infantry Brigade
Maj Saber Balogan, CMO Officer, 601st Infantry Brigade
Maj Jaafar Abdul, Commanding Officer, 1CMO Company
Hon. Bai Nadia Abdulkarim, Barangay Chairperson, Brgy. Kabengi, Datu Saudi Ampatuan
Hon. Saudi Guiapal, Barangay Chairperson, Maitumaig, Datu Unsay
PSMS Ali Sanipan, PNP Representative, Datu Unsay Municipal Police Station.

Ayon kay BGen. Edgar L. Catu, โ€œAng temang โ€˜Serbisyong Handog ng mga Kasundaluhanโ€™ ay isang taos-pusong hangarin na maglingkod hindi lamang bilang tagapagtanggol ng bayan kundi bilang katuwang sa pag-unlad ng ating mga komunidad. Patuloy ang kasundaluhan at kapulisan na maging katuwang ng pamahalaan at iba pang stakeholders upang maihatid ang mga serbisyong tunay na makabuluhan sa ating mga katutubong kapatid.โ€

Samantala, nagpahayag ng kanyang pagsuporta si MGen. Jose Valdimir R. Cagara, Commander ng JTF Central at 6ID โ€œAng IP Community Outreach Program ay simbolo ng sama-samang pagkilos ng ibaโ€™t ibang sektor para sa iisang layuninโ€”ang maglingkod sa bayan at mamamayan. Sa pamamagitan ng whole of nation approach, pinagtitibay natin ang diwa ng malasakit, pagkakaisa, at pagbibigay-liwanag sa mas maraming komunidad.โ€

Samantala, taos-pusong nagpapasalamat ang mga katutubong tiduray sa lokal na pqmahalaan ng lalawigan ng Maguindanao del Sur, sa mga kasundaluhan, kapulisan, at Non-Government Oganization ng Project Liwanag sa ilalim ng Watts of Love at indibidwal na naglaan ng oras, serbisyo, at tulong para sa kanilang komunidad.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan at mga katuwang na organisasyon na maabot ang mga liblib na lugar at matiyak na walang maiiwan sa pag-unlad.




6th Infantry "Kampilan" Division, Philippine Army
Kampilan Dpao
90th Infantry Bigkis Lahi Battalion

Photos from 601st Infantry Unifier Brigade's post 22/04/2026

"๐๐š๐ซ๐ข๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ข๐ง๐จ๐ฌ๐ญ ๐ฌ๐š ๐’๐จ๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐ฆ๐ž๐๐ข๐š, ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ค๐จ ๐ฌ๐š 38๐ˆ๐"

Isang loose firearm ang boluntaryong isinuko sa 38th Infantry (We Clear) Battalion (38IB) matapos kumalat sa social media ang isang video kung saan makikitang ang may-ari, habang sakay ng kanyang sasakyan, ay dumaan sa isang detachment ng militar habang may hawak na baril. Ang naturang insidente ay nag-udyok ng agarang koordinasyon ng mga kinauukulan na nagresulta sa mapayapang pagsuko ng armas.

Ang turnover ay isinagawa sa tulong ng Local Government Unit (LGU) ng Datu Salibo, Maguindanao del Sur sa pamumuno ni Municipal Mayor Hon. Ali K. Omar noong Abril 21, 2026. Kabilang sa mga isinuko ang isang (1) Cal. 5.56mm NATO, dalawang (2) long magazines, 46 na bala ng 5.56mm, at isang (1) Tasco ProPoint red dot sight.

Pinuri at pinasalamatan ni LTC ERWIN E FELONGCO INF (GSC) PA, Commanding Officer ng 38IB, ang lokal na pamahalaan ng Datu Salibo sa kanilang maagap na aksyon at patuloy na pakikiisa sa kampanya laban sa loose fi****ms.

Samantala, nagpahayag din ng kanyang pagkilala si BGEN EDGAR L CATU, Commander ng 601st Brigade, sa ipinakitang kahusayan at koordinasyon ng mga kasundaluhan, lokal na pamahalaan at mamamayan. Ayon sa heneral, โ€œAng matagumpay na pagsuko ng armas na ito ay patunay ng epektibong ugnayan ng ating kasundaluhan, lokal na pamahalaan, at komunidad. Ipinapakita nito na sa pamamagitan ng pagtutulungan, mas napapalakas natin ang ating kampanya laban sa loose fi****ms at mas napapanatili ang kapayapaan sa ating mga lugar.โ€

Dagdag pa rito, nagpahayag din ng mensahe si MGEN. JOSE VLADIMIR R. CAGARA, Commander ng JTF Central at 6ID: โ€œ Pinupuri ko ang matatag na ugnayan at patuloy na pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at mamamayan para sa boluntaryong pagsuko ng iligal na armas bilang patunay ng pagsuporta sa pagsulong ng kapayapaan. Patuloy nating palalakasin ang ating ugnayan sa komunidad upang matiyak ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa buong rehiyon.โ€

Patuloy na nananawagan ang kasundaluhan sa publiko na makiisa sa kampanya laban sa loose fi****ms at gamitin nang responsable ang social media bilang katuwang sa pagpapanatili ng seguridad sa komunidad.




6th Infantry "Kampilan" Division, Philippine Army
Kampilan Dpao
38th Infantry We Clear Battalion

Photos from 601st Infantry Unifier Brigade's post 17/04/2026

"๐‹๐š๐›๐ข๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ฅ๐จ (13) ๐๐š๐ง๐  ๐•๐ข๐จ๐ฅ๐ž๐ง๐ญ ๐„๐ฑ๐ญ๐ซ๐ž๐ฆ๐ข๐ฌ๐ญ๐ฌ, ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฅ๐ข๐ค-๐‹๐จ๐จ๐› ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐š๐ง"

Ngayon ika-16 ng Abril 2026, alas-9:00 ng umaga, labintatlo (13) pang Violent Extremists ang boluntaryong sumuko sa tropa ng pamahalaan, dala ang kanilang mga matataas na armas, bilang patunay ng kanilang sinserong layunin tungo sa mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang mga pamilya.

Ang mga sumukong indibidwal ay pormal na iniharap kay Brigadier General Edgar L. Catu, Commander ng 601st Infantry Brigade, na ginanap sa Headquarters ng 38th Infantry Battalion sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Erwin E. Felongco, Commanding Officer ng 38IB.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina PCPT Yasher T. Hadjirulla, Chief of Police ng South Upi Municipal Police Station; mga kinatawan mula sa ibaโ€™t ibang lokal na pamahalaan ng Shariff Saydona Mustapha, Datu Saudi Ampatuan, Mamasapano, at Shariff Aguak; gayundin ang mga kinatawan mula sa MSSD-BARMM, MPOS-BARMM, at MILG-BARMM.

Ayon sa ulat, ang mga sumukong indibidwal ay nagpasyang talikuran ang armadong pakikibaka at piliing mamuhay nang mapayapa. Agad silang nabigyan ng paunang tulong mula sa mga lokal na pamahalaan at mga ahensya ng BARMM, at inaasahang maisasailalim sa mga programang pangkabuhayan at reintegrasyon, kabilang ang TUGON Program ng MILG-BARMM.

Kabilang sa mga armas na isinuko ng dating kasapi ng violent extremists ay dalawang (2) 81mm mortar, dalawang (2) 60mm mortar, isang (1) M79, isang (1) RPG, isang (1) 7.62mm sniper rifle, tatlong (3) 9mm U*i na may kasamang tatlong (3) magazine at isang (1) hand gr***de.

Ayon sa pahayag ni BGen. Edgar L. Catu, โ€œAng patuloy na pagdami at magkakasunod na pagbalik loob sa pamahalaan ay patunay na epektibo ang ating whole-of-nation approach na naging katuwang ang lokal na pamahalaan sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan. Tinitiyak namin na ang mga nagbalik-loob ay mabibigyan ng sapat na suporta upang makapagsimula muli at maging produktibong miyembro ng lipunan.โ€

Pahayag ni MGen Jose Vladimir R. Cagara, Commander ng JTF Central at 6ID: โ€œPinupuri natin ang dedikasyon at walang sawang pagsisikap ng tropa ng 601st Infantry Brigade at 38th Infantry Battalion, katuwang ang ibaโ€™t ibang lokal na pamahalaan sa ilalim ng lalawigan ng Maguindanao del Sur, sa pagkamit ng makabuluhang tagumpay na ito. Ang boluntaryong pagsuko ng mga dating violent extremists ay malinaw na bunga ng ating nagkakaisang adhikain para sa kapayapaan at kaunlaran.
Patuloy ang aming panawagan sa mga natitira pang naliligaw ng landas na piliin ang tama at mapayapang pamumuhay. Nananatiling bukas ang pamahalaan upang tanggapin at tulungan ang sinumang nagnanais magbagong-buhay."




6th Infantry "Kampilan" Division, Philippine Army
Kampilan Dpao
38th Infantry We Clear Battalion

10/04/2026
06/04/2026

601๐ฌ๐ญ ๐๐ซ๐ข๐ ๐š๐๐ž ๐œ๐จ๐ฆ๐ฆ๐ž๐ฆ๐จ๐ซ๐š๐ญ๐ž๐ฌ ๐ญ๐ก๐ž ๐’๐ž๐ฏ๐ž๐ง ๐‹๐š๐ฌ๐ญ ๐–๐จ๐ซ๐๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐‰๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฌ ๐‚๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ.



Photos from Bandera News TV-Cotabato/ Radyo Bandera Cotabato's post 05/04/2026
Want your business to be the top-listed Government Service in Ampatuan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


601st Brigade, Brgy Kamasi, Maguindanao
Ampatuan
9609