01/11/2023
Sa ngalan ng Team Amang at JUSTeam, taos puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng sumoporta at sumama sa amin sa hamon ng kagustuhang maglingkod. Napakalaking bagay po ng inyong tiwala upang kami ay magpatuloy kaya't hinding hindi po namin ito kalilimutan. Asahan po ninyo na kami ay mananatiling nagkakaisa at patuloy na maghahangad ng ikabubuti ng lahat.
Muli, daghang salamat po!
🤍🩵💙
28/10/2023
Magandang araw mga ka-Barangay!
Tara at makiisa! Ipakita po natin ang ating buong pagsuporta sa Team Amang at Team Justine. Magsama sama po tayo mamayang hapon (2PM) sa gaganaping grand rally na sisimulan sa boundary ng Marungko-Sulucan (half court). Susundan po ito ng caucus na gaganapin sa ating barangay covered court. See you ka-Barangay!🩵💙
29/08/2023
: One Dream
Haharap sa hamon ng paglilingkod ng may integridad, sa ngalan ng kabataan mananatiling tapat! ✊🏻
Hindi madaling ialay ang sarili para sa kapakanan ng iba ngunit buong tapang at walang pagdadalawang isip na naghain ng kanilang kandidatura ang JUSTeam dala ang pangarap na maging boses ng kabataan. Boses na matatag, malakas at may paninindigan. Boses na may malasakit at kabutihan at boses na magtataguyod ng karapatan!
Nasa atin pa rin ang kasagutan,
Tayo pa rin ang pag-asa, Kabataan
Tanging dahilan, Lagi't lagi para sa Bayan! 🇵🇭💙
29/08/2023
x : SCHOOL MATERIALS DISTRIBUTION
Mabuhay Barangay Marungko!
Ngayong araw ay naisagawa ang bayanihan ng Team Amang at ng JUSTeam sa pamamagitan ng pagbibigay ng ikalawang batch ng school materials para sa Kinder sa pag-agapay ng g**o na si Ma'am Juvie Morales at ng punong-g**o na si Ma'am Maria Robina Bonita Pascual.
Maraming salamat, Barangay Marungko! 🩵🤝
28/08/2023
: Serbisyo Kalusugan "Almusal Tayo!"
Mabuhay ka-Barangay!
Isang programa na naman ang naisakatuparan ng JUSTeam sa tulong ng Team Amang. Kaninang umaga ay pinagsalu-saluhan namin ng mga taga-Tugatog at Go-Crusher ang masarap at masustansyang almusal na handog ng JUSTeam at Team Amang. Literal na maganda ang umaga sapagkat kita ang saya sa mukha ng ating mga ka-Barangay. 🩵
28/08/2023
: SPORTS KABABATA 🏀🏐
Mabuhay Kabataan ng Marungko!
Matagumpay na naisagawa ang programang Sports Kababata sa pagtutulungan ng JUSTeam at Team Amang noong nakaraang Agosto 26 hanggang 27, 2023. Muli na namang nalinang, naipamalas, at naipakita ang gilas ng ating ka-Barangay!
Salamat po sa inyong walang sawang pag suporta. Hanggang sa susunod na pagpapakitang-gilas! 🩵
27/08/2023
: Forda Win
📌 UPDATE
Mabuhay Kabataan at Ka-Barangay!
Kanina ay naipamigay na ang mga premyo ng nagwagi sa ating fb live games "JUSTeam Forda Win" 🥳
Maraming Salamat po sa inyong pagtangkilik sa aming programa, hanggang sa susunod po muling kasiyahan! 🩵🤗
27/08/2023
FIRST GAME MAG READY NA PO 😊
26/08/2023
: SPORTS KABABATA
Mabuhay mga Kabataan ng Marungko!
Narito na po ang schedule ng mga laro bukas para sa Men's Volleyball at Basketball. Pagkatapos ng lahat ng laro ay magkakaroon po tayo ng awarding para sa mga kampeon ng bawat laro.
Siguraduhing nakaantabay sa ating page para sa mga susunod pang anunsyo. Maraming Salamat po! 💙
📌 GAME STARTS AT 12 NN