Municipal Assessor's Office - Angat

Municipal Assessor's Office - Angat

Share

This is the Municipal Assessor's Office-Angat Official page.

Official Office Hours:

Monday to Friday- 8:00AM to 5:00PM



-TANGGAPAN NG TAGATAYANG PAMBAYAN-

MISSION

Makatugon sa hamon ng makabagong paglilingkod sa pamayanan bilang mga lingkod na mangangasiwa sa pagtatasa ng mga ari-ariang di matitinag. Mapataas ang antas ng pagbibigay ng serbisyo, koleksyon ng buwis at pamahalaan ng wasto ang pagtatasa sa mga ari-ariang di natitina

Photos from Municipal Assessor's Office - Angat's post 11/03/2026

⚠️ MAHALAGANG ANUNSYO MULA SA TANGGAPAN NG PAMBAYANG TAGATAYA ⚠️

Ipinababatid po sa lahat ng mamamayan ang nakatakdang pagbabago sa Schedule of Market Values (SMV) na magiging epektibo sa taong 2027.

Alinsunod ito sa Section 219 ng Local Government Code of 1991 at Section 15 ng Republic Act No. 12001 (Real Property Valuation and Assessment Reform Act) na naisabatas noong Hunyo 13, 2024, na may layuning BUMUO, MAGPATIBAY, AT MAGPATUPAD NG ISAHANG PAGHAHALAGA (Single Valuation) para sa lahat ng uri ng mga ari-ariang di natitinag sa buong bansa ang naturang pagbabago sa Schedule of Market Value.

Isinasaalang-alang din sa nasabing batas ang kapakanan ng mga taxpayer sa pamamagitan ng pagtatakda ng anim na porsyentong (6%) cap sa amilyar sa unang taon, upang maiwasan ang biglaang epekto ng pagbabago sa halaga ng mga ari-ariang di-natitinag.

Ito ay bahagi ng aming patuloy na pagsisikap na magkaroon ng patas at napapanahong pag-assess ng mga ari-arian sa Angat upang mapahusay ang lokal na serbisyo at kita.



07/03/2026

Ipinapaalam ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa publiko na simula Marso 9, 2026, ipatutupad sa mga tanggapan ng pamahalaan ang 4-day onsite work arrangement, alinsunod sa Memorandum Circular na inilabas ng Malacañang.

Layunin nitong makatulong sa pagharap sa epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at kuryente, batay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr..

Sa ilalim ng nasabing circular, maaaring magpatupad ang mga ahensya ng work-from-home setup at iba pang flexible work arrangements upang mapanatili ang maayos na paghahatid ng serbisyo habang tinutugunan ang kasalukuyang sitwasyong pang-ekonomiya.

Samantala, hindi saklaw ng nasabing setup ang mga tanggapan na nagbibigay ng mahahalagang serbisyo sa publiko, tulad ng mga nasa larangan ng kalusugan at emergency response, upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo para sa mamamayan.

Kaugnay nito, magdadagdag ng dalawang oras sa bawat araw ng trabaho ang mga tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Angat. Magbubukas ang ating Munisipyo mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi, Lunes hanggang Huwebes, upang patuloy na maibigay ang kinakailangang serbisyo sa publiko.

22/01/2026

Pabatid para sa lahat nang nagnanais bumisita sa aming opisina sa darating na January 26, 2026.

Upang mabigyang-daan ang gaganaping inagurasyon ng bagong Municipal Hall sa Brgy. San Roque, ipinaaalam po sa lahat na sa Lunes, ika-26 ng Enero 2026, ang mga tanggapan sa bagong munisipyo ay bukas lamang mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-12:00 ng tanghali.

Hinihikayat po namin ang lahat ng mamamayan na planuhin ang inyong mga transaksyon sa nasabing oras upang maiwasan ang abala. Ang maikling oras ng serbisyo ay pansamantala lamang upang masiguro ang maayos at matagumpay na pagdiriwang ng inagurasyon.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong pakikiisa at pang-unawa.

25/12/2025

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 111 na inilabas ng Malacañang, ipinatutupad ang suspensyon ng trabaho sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa mga sumusunod na petsa:

📅 Disyembre 29, 2025 (Lunes)
📅 Enero 2, 2026 (Biyernes)

Layunin ng hakbang na ito na mabigyan ng sapat na panahon ang mga kawani ng pamahalaan na makibahagi sa pagdiriwang ng Bagong Taon at makapaglakbay nang ligtas.

23/10/2025

Magandang araw po!

Malugod po naming pinagbibigay alam na simula po sa Ika 21 ng Oktubre 2024 hanggang sa Ika 31 ng Disyembre 2024.
Ang tanggapan ng Pambayang Ingat-yaman ng Angat (Treasurer's Office)
Ay maari nang tumanggap ng advance payment ng Amilyar (Real Property Tax) para sa taong 2025.

Magbayad po nang maaga upang magkaroon ng discount mula 10% - 15% at makaiwas sa multa at abala.

Dalhin lamang po ang inyong resibo na binayaran para sa nakaraang taon at Tax Declaration (OHA) mula sa Pambayang Tagatasa (Assesor's Office).
Magsadya lamang po sa aming tanggapan mula
8:00 am - 5:00 pm,Lunes hanggang Biyernes.
Maraming Salamat po!

Magandang araw po!

Malugod po naming pinagbibigay alam na simula po sa Ika 21 ng Oktubre 2024 hanggang sa Ika 31 ng Disyembre 2024.

Ang tanggapan ng Pambayang Ingat-yaman ng Angat (Treasurer's Office)
Ay maari nang tumanggap ng advance payment ng Amilyar (Real Property Tax) para sa taong 2025.

Magbayad po nang maaga upang magkaroon ng discount mula 10% - 15% at makaiwas sa multa at abala.

Dalhin lamang po ang inyong resibo na binayaran para sa nakaraang taon at Tax Declaration (OHA) mula sa Pambayang Tagatasa (Assesor's Office).

Magsadya lamang po sa aming tanggapan mula 8:00 am - 5:00 pm, Lunes hanggang Biyernes.

Maraming Salamat po!

21/01/2025

Batay sa Resolusyon Blg 2025-007 ng Sangguniang Bayan, EXTENDED po ang pagsasaayos ng BUSINESS/MAYOR’S PERMIT sa Bayan ng Angat.

Para sa mga may-ari ng iba’t ibang negosyo/establisimyento, maaari pa pong isagawa ang pagsasaayos ng inyong BUSINESS/MAYOR'S PERMIT hanggang Pebrero , 2025 , Lunes - Biyernes (maliban sa Enero 23), alas-5:00 ng hapon sa ating Business One Stop Shop (BOSS) sa loob ng ating Munisipyo. Wala pong multa o anumang dagdag na bayarin ang pagsasaayos na ito.

27/12/2024

Business One Stop Shop 2025
Municipal Conference Hall 3F Annex Building
(Municipal Hall) Poblacion, Angat, Bulacan

14/12/2024

Angat Assessor’s Office: Pinakamahusay sa Pagbabago!

Isang tagumpay ang naabot ng Angat Assessor’s Office bilang Most Improved Office mula sa Provincial Assessor’s Office ng Bulacan!

Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa ating walang humpay na pagsisikap na gawing mas mabilis, maayos, at maaasahan ang serbisyo para sa bawat Angatenyo. Ito rin ay patunay na ang pagbabago ay nagmumula sa masidhing dedikasyon at malasakit sa bayan.

Hindi ito tagumpay ng opisina lamang—ito ay para sa buong Angat na patuloy na sumusuporta at nagtitiwala. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pag-angat ng ating bayan!

Photos from BPLO Angat, Bulacan's post 13/08/2024
25/07/2024

𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘

In light of the severe weather conditions brought about by Typhoon Carina, we hope for the safety of our clients and personnel nationwide.

Please be advised that ALL affected Registries of Deeds in the following areas will be closed today, 25 July 2024:

1. National Capital Region

2. Ilocos Region - Region 1
- RD City of Batac, Ilocos Norte
- Province of Ilocos Sur
- Province of La Union
- Province of Pangasinan

3. Cagayan Valley - Region 2
- RD Basco, Batanes

4. Central Luzon - Region 3
- Province of Aurora
- Province of Bataan
- Province of Bulacan
- Province of Nueva Ecija
- Province of Pampanga
- Province of Tarlac
- Province of Zambales

5. Cordillera Administrative Region
- RD City of Baguio, Benguet
- RD La Trinidad, Benguet
- RD Bontoc, Mountain Province* (starting 1:00 PM until July 26, 2024)

6. Calabarzon - Region 4A
- Province of Batangas
- Province of Cavite
- Province of Laguna
- Province of Rizal
- Province of Quezon



09/07/2024

MULING PAALALA SA PUBLIKO!
Sa 𝘽𝙞𝙨𝙖 𝙣𝙜 𝙀𝙭𝙚𝙘𝙪𝙩𝙞𝙫𝙚 𝙊𝙧𝙙𝙚𝙧 𝙉𝙤. 153, 𝙨. 2002, “𝙄𝙣𝙨𝙩𝙞𝙩𝙪𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙩𝙝𝙚 𝙉𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝘿𝙧𝙞𝙫𝙚 𝙩𝙤 𝙎𝙪𝙥𝙥𝙧𝙚𝙨𝙨 𝙖𝙣𝙙 𝙀𝙧𝙖𝙙𝙞𝙘𝙖𝙩𝙚 𝙋𝙧𝙤𝙛𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝙎𝙦𝙪𝙖𝙩𝙩𝙚𝙧𝙨 𝙖𝙣𝙙 𝙎𝙦𝙪𝙖𝙩𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙎𝙮𝙣𝙙𝙞𝙘𝙖𝙩𝙚𝙨,” ang 𝗟𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 ay isa sa mga ahensyang nakaantabay sa 𝗽𝗮𝗴𝘁𝘂𝗹𝗶𝗴𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 “𝗦𝗾𝘂𝗮𝘁𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗦𝘆𝗻𝗱𝗶𝗰𝗮𝘁𝗲𝘀” 𝗻𝗮 𝗴𝘂𝗺𝗮𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗵𝘂𝘄𝗮𝗱 𝗼 𝗽𝗲𝗸𝗲 𝗻𝗮 𝘁𝗶𝘁𝘂𝗹𝗼.
𝗠𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗴𝗺𝗮𝘁𝘆𝗮𝗴. 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗴𝘂𝗿𝗮𝗱𝗼. 𝗦𝘂𝗿𝗶𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗶𝘁𝘂𝗹𝗼.
National Drive Against Professional Squatters and Squatting Syndicates

MULING PAALALA SA PUBLIKO!

Sa 𝘽𝙞𝙨𝙖 𝙣𝙜 𝙀𝙭𝙚𝙘𝙪𝙩𝙞𝙫𝙚 𝙊𝙧𝙙𝙚𝙧 𝙉𝙤. 153, 𝙨. 2002, “𝙄𝙣𝙨𝙩𝙞𝙩𝙪𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙩𝙝𝙚 𝙉𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝘿𝙧𝙞𝙫𝙚 𝙩𝙤 𝙎𝙪𝙥𝙥𝙧𝙚𝙨𝙨 𝙖𝙣𝙙 𝙀𝙧𝙖𝙙𝙞𝙘𝙖𝙩𝙚 𝙋𝙧𝙤𝙛𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝙎𝙦𝙪𝙖𝙩𝙩𝙚𝙧𝙨 𝙖𝙣𝙙 𝙎𝙦𝙪𝙖𝙩𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙎𝙮𝙣𝙙𝙞𝙘𝙖𝙩𝙚𝙨,” ang 𝗟𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 ay isa sa mga ahensyang nakaantabay sa 𝗽𝗮𝗴𝘁𝘂𝗹𝗶𝗴𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 “𝗦𝗾𝘂𝗮𝘁𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗦𝘆𝗻𝗱𝗶𝗰𝗮𝘁𝗲𝘀” 𝗻𝗮 𝗴𝘂𝗺𝗮𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗵𝘂𝘄𝗮𝗱 𝗼 𝗽𝗲𝗸𝗲 𝗻𝗮 𝘁𝗶𝘁𝘂𝗹𝗼.

𝗠𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗴𝗺𝗮𝘁𝘆𝗮𝗴. 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗴𝘂𝗿𝗮𝗱𝗼. 𝗦𝘂𝗿𝗶𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗶𝘁𝘂𝗹𝗼.

National Drive Against Professional Squatters and Squatting Syndicates

Want your business to be the top-listed Government Service in Angat?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


M. A Fernando Street
Angat
03012