Leonardo “Narding” De Leon

Leonardo “Narding” De Leon

Share

This is the Official Page of
Former Municipal Mayor of Angat Bulacan
Hon. Leonardo "Narding" De Leon

14/05/2025

Pagbati sa Ating mga Kasama! ❤️💚🎉🥳🎊

Isang taos-pusong pagbati ng tagumpay kina Konsehal Allen "Patay" Cruz at Konsehal Bino Cruz sa kanilang matagumpay na pagkapanalo sa halalan! Kami ay taus-pusong nagpapasalamat sa inyong buong pusong pagtitiwala at walang sawang pakikiisa sa ating samahan. ❤️🎉

Naniniwala kami na sa inyong pagbabalik sa pamahalaan, kayo ay magiging matatag na tinig ng mas nakararami—tagapagtanggol ng kapakanan ng bawat mamamayang Angateño. ❤️

Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal sa inyong paglilingkod. Makakaasa kayong kami ay buong pusong nakasuporta at may tiwalang inyong maisasakatuparan ang inyong tungkulin ng may dangal, malasakit, at dedikasyon para sa ikabubuti ng Bayan ng Angat. 🙏🏻

Mabuhay kayo, at mabuhay ang Bayan ng Angat! ❤️💚

Photos from Leonardo “Narding” De Leon's post 10/05/2025

Leonardo Rivera De Leon: Limang Dekada ng Tapat at Makabayang Paglilingkod

Isang buhay na inialay para sa bayan. Sa loob ng limang dekada, ipinamalas ni Leonardo Rivera De Leon ang tapat, wagas, at makabayang paglilingkod para sa kanyang minamahal na Bayan.

Ang kanyang pamana ay mananatiling gabay at inspirasyon sa bawat Angateño at Pilipino.

Basahin ang Kasaysayan ni Tata Narding.



10/05/2025

Bago man tayo, ang mahalaga’y naging totoo tayo sa bawat titig, sa bawat salitang binitiwan, at sa tibok ng pusong sabayang tumitibok para sa isang pangarap. ❤️

Nakalakip sa atin ang tiwala at pagmamahal ng mga pusong naniwala, at sa dulo ng lahat ng ito, mananatili tayong magkasama, nananalig na sa gitna ng unos at liwanag, magtatagumpay tayo. ❤️

Dahil sa’yong mga mata, batid kong kaya nating abutin ang mithiin — ang maglingkod at magmahal, para sa kanila, at higit sa lahat, para sa isa’t isa. ❤️

Para sa pamahalaang bukas para sa lahat, lalo't lalo na sa mga mahihirap. Sama-sama nating ilaban ang lideratong may tunay na malasakit sa mamamayang Angateño. 🙏🏻❤️💚

Itiman natin ang numero Dos, Iboto para Mayor! ✍🏻
⚫ 2. De Leon, Narding (NUP)





Photos from Leonardo “Narding” De Leon's post 09/05/2025

Ang ating mithiin para sa isang pamahalaang may malasakit at tunay na pagmamahal sa bawat Angateño ay patuloy na nagiging posible—salamat sa tiwala ng ating mga kababayan at sa mga taong kasama natin sa landas ng tapat na paglilingkod.

Kaya naman, huwag nating kalimutan ang mahalagang papel ng ating mga Konsehal—mga katuwang natin sa pagbabalangkas ng mga patakarang makatao at makabuluhan para sa ikauunlad ng ating bayan.

⚫ 8. Dela Cruz, Marsmagic (NUP)
⚫ 9. Garcia, Resty (NUP)
⚫ 10. Gregorio, Eddie (NUP)
⚫ 11. Lopez, Jelo (NUP)





Photos from Leonardo “Narding” De Leon's post 09/05/2025

Ang ating mithiin para sa isang pamahalaang may malasakit at tunay na pagmamahal sa bawat Angateño ay patuloy na nagiging posible—salamat sa tiwala ng ating mga kababayan at sa mga taong kasama natin sa landas ng tapat na paglilingkod.

Kaya naman, huwag nating kalimutan ang mahalagang papel ng ating mga Konsehal—mga katuwang natin sa pagbabalangkas ng mga patakarang makatao at makabuluhan para sa ikauunlad ng ating bayan.

⚫1. Andres, B**g (NUP)
⚫ 3. Cruz, Bino (NUP)
⚫ 5. Cruz, Jemjem (NUP)
⚫ 6. Cruz, Patay (NUP)





08/05/2025

Ang Team De Leon ay patuloy na maghahatid ng serbisyong tapat, may malasakit, at tunay na para sa mamamayang Angateño. Sama-sama nating isinusulong ang pangarap para sa isang maganda, maayos, at maunlad na Bayan.

Kaya naman sa darating na halalan — walang iwanan. Sama-sama tayong maipanalo ang labang ito at uusad tungo sa mas maliwanag na bukas!





01/05/2025

Nasa dugong De Leon ang pagiging tapat at totoo sa mamamayang Angateño. Ito ang naging sandigan ni Tata Narding sa kanyang liderato—isang pamahalaang bukas, makatao, at malapit sa puso ng bawat Angateño. ❤️💚

Baon ni Engr. De Leon ang aral at diwa ng kanyang amain sa kanyang sariling paglalakbay sa paglilingkod. Kaya’t makakaasa ang mamamayang Angateño sa isang pamahalaang pinangungunahan ng taong may tunay na pangarap para sa bayan—pamumunong malalapitan, may malinaw na plano, at pusong may malasakit. 🙏🏻😊

Kaya naman sa Mayo Dose, iboto!
2️⃣ Mayor Narding De Leon





28/04/2025

"Walang imposible sa taong naniniwala." – Bob Ong

Walang imposible sa labang ito—lalong higit kung kasama natin ang mga taong naniniwala sa ating kakayahan at sa iniwang pagmamahal ni Tatang para sa taumbayan.

Ano man ang ibato sa atin, kabutihan at pagmamahal ang itutugon natin.

Habang papalapit ang araw ng halalan, nawa'y samahan tayo ng Panginoon sa laban para sa bayan. Nawa'y gabayan Niya tayo sa tunay nating layunin: ang maglingkod ng tapat, buong puso, at may malasakit.

Serbisyong may puso, para sa tao.

Iboto para Mayor:
#2 De Leon, Narding





27/04/2025

Isang Pamahalaang Bukas para sa Lahat ❤️💚

Isang pamahalaang bukas para sa mahihirap — ito ang isa sa pinakamahalagang pamana ni Tata Narding na patuloy nating isasabuhay at itataguyod. Isang uri ng pamamahala at liderato na walang pinipiling estado sa buhay; mahirap man o mayaman, kalaban man o kakampi sa pulitika, lahat ay may pantay na karapatan at pagkakataon. ❤️💚

Ang Pamahalaang Bayan ng Angat ay magiging bukas ang pinto sa bawat mamamayang Angateno. Hindi lamang bilang tagapaglingkod, kundi bilang kaagapay at kabalikat sa pag-unlad. Isang uri ng pamamahala na ang sentro ng bawat aksyon at desisyon ay ang taos-pusong pagmamahal sa mamamayan — pagmamahal na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay, katarungan, at tunay na serbisyo publiko. ❤️💚





Want your business to be the top-listed Government Service in Angat?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Angat