01/06/2026
MGA KABARANGAY!
LISENSIYANG ABOT KAYA 💳
Date: JUNE 20-21, 2026
Time: Saturday & Sunday, 8:00 AM – 2:00 PM
Venue: PULUNG CACUTUD BARANGAY HALL
• Student Permit (kasama na: Seminar, Theoretical Driving Course)
• Non-Pro at Pro Application
• Add Code
• Renewal
REQUIREMENTS for Student Permit:
• PSA/NSO Birth Certificate
• 1 Valid Government ID
With appearance
Huwag nang palampasin ang pagkakataon para makakuha ng lisensya.
30/05/2026
🩸 GIVE BLOOD, SAVE LIVES 🩸
Every drop counts. Every donor matters.
Be a hero and help save lives by donating blood. Your simple act of kindness can give someone another chance at life and bring hope to patients in need.
📅 Date: June 26, 2026⏰ Time: 8:00 AM – 5:00 PM📍 Venue: CHU VI – Pulung Cacutud PUSO Center
Join us in making a difference in our community. Together, we can save lives, share hope, and inspire others through the gift of blood donation.
❤️ SAVE LIVES❤️ SHARE HOPE❤️ GIVE BLOOD
We look forward to seeing you there!
30/05/2026
🏘️ HAUSLAND MEETING WITH DISTRICT 7 RIVERSIDE RESIDENTS 🏘️
Sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Francisco N. Cura at ng Sangguniang Barangay ng Pulung Cacutud, matagumpay na naisagawa ang isang mahalagang pagpupulong sa pagitan ng mga kinatawan ng Hausland Development Corporation at mga residente ng District 7 Riverside upang talakayin ang mga usapin at alalahaning kinakaharap ng komunidad.
Layunin ng pagpupulong na mabigyang-linaw ang kasalukuyang sitwasyon, mapakinggan ang mga hinaing at mungkahi ng mga residente, at maipaliwanag ng pamunuan ng Hausland ang mga hakbang at plano na kanilang isasagawa para sa kapakanan at seguridad ng mga apektadong pamilya sa lugar.
Dumalo sa pulong sina Engr. Albert Gomez, Ma’am Fatima Tanigco, Kagawad Jomel Capili, at Anthony Calinao, na aktibong nakinig at nakipag-ugnayan sa mga residente upang matugunan ang kanilang mga katanungan at concerns. Sa pamamagitan ng bukas at maayos na talakayan, nagkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na maipahayag ang kanilang saloobin at makapagbahagi ng mga mungkahi tungo sa pagkakaroon ng maayos at mapayapang resolusyon sa mga isyung kinakaharap ng komunidad.
Ang pagpupulong na ito ay isang patunay ng kahalagahan ng dayalogo, pagkakaisa, at kooperasyon sa pagitan ng mga residente, pribadong sektor, at lokal na pamahalaan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, mas magiging epektibo ang paghahanap ng mga solusyon para sa ikabubuti ng buong komunidad.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, nakibahagi, at naglaan ng oras upang maging bahagi ng mahalagang pagpupulong na ito. Ang inyong pakikilahok at pakikipagtulungan ay mahalagang susi sa pagbuo ng isang mas ligtas, maayos, at maunlad na Barangay Pulung Cacutud.
19/05/2026
Nagkaloob ng Rice and Fuel Cash Assistance Subsidy ang Sangguniang Barangay ng Barangay Pulung Cacutud para sa mga miyembro ng PCNTODA at PCACEPVNLTODA bilang patuloy na suporta at pagkilala sa kanilang mahalagang serbisyo sa komunidad. ❤️
Sa pangunguna ni Punong Barangay Francisco N. Cura, katuwang sina PCNTODA President Angelito Lee at PCACEPVNLTODA President Alvin Ayson, matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng tulong para sa ating mga tricycle drivers at operators na patuloy na nagsisilbi sa mamamayan sa kabila ng mga hamon sa kabuhayan at pagtaas ng presyo ng gasolina at mga pangunahing bilihin.
Nakiisa rin sa nasabing pamamahagi sina Kagawad Jomel Capili, Kagawad Angelito “Boy” Manansala, PIO Anthony Calinao, Barangay Treasurer Ronnie M. Ubas, mga barangay staff, at mga Barangay OJT Students na tumulong upang maging maayos at matagumpay ang distribusyon ng ayuda.
Ang programang ito ay simbolo ng pagkakaisa, malasakit, at tunay na serbisyong publiko para sa ating mga kabarangay. Patuloy pong magsisikap ang Barangay Pulung Cacutud na makapaghatid ng mga programang makatutulong sa iba’t ibang sektor ng ating komunidad.
Maraming salamat po sa ating mga TODA officers at miyembro sa inyong dedikasyon at walang sawang paglilingkod. Kayo po ay mahalagang bahagi ng maayos at ligtas na transportasyon sa ating barangay.
Mabuhay ang PCNTODA!
Mabuhay ang PCACEPVNLTODA!
Mabuhay ang Barangay Pulung Cacutud! 🇵🇭
14/05/2026
❤️❤️❤️
LET THE VOICE OF THE PEOPLE BE HEARD! 🇵🇭
The Philippine Leaders Award 2025 is now open for nominations!
This prestigious recognition honors CEOs, Entrepreneurs, and Public Servants whose stories of hope, inspiration, and contribution to the nation have created lasting impact in their communities and beyond.
If the negative feedback is found to be valid, credible, and with sufficient basis, the nominee will be automatically removed from the list of official nominees
Voting System (Engagement-Based)
👍 Like = 1 Vote
🔁 Share = 2 Votes
Celebrate those who lead with compassion, integrity, and vision — the men and women who prove that true leadership begins with service.
📝 Submit your nomination here: forms.gle/orfw4DJNZD2y4SuP8
🗓️ Deadline for Nomination: August 20, 2026
📍 Venue: Centennial Hall, The Manila Hotel
Let’s honor the stories that inspire and the leaders who bring hope to our nation.
https://forms.gle/orfw4DJNZD2y4SuP8
13/05/2026
Isang malaking karangalan para sa buong Barangay Pulung Cacutud ang pagkakapili kay Kap. Francisco N. Cura bilang nominado para sa 2026 Philippine Leaders Award for Outstanding Humanitarian and Leadership Service.
Patunay ito ng kanyang tapat na paglilingkod, malasakit sa komunidad, at walang sawang dedikasyon sa pagtulong at pagseserbisyo sa bawat mamamayan. Ang pagkilalang ito ay hindi lamang tagumpay ni Kap. Cura, kundi karangalan din ng buong Barangay Pulung Cacutud na kanyang patuloy na pinamumunuan nang may integridad, malasakit, at tunay na pagmamahal sa bayan.
Congratulations, Kap. Francisco N. Cura! Nawa’y patuloy kang maging inspirasyon sa lahat sa pamamagitan ng iyong makatao at mahusay na pamumuno. Tunay na ipinagmamalaki ka ng Barangay Pulung Cacutud!
12/05/2026
Isang matagumpay at makabuluhang araw para sa Barangay Pulung Cacutud!
Nais po naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa City Nutrition Evaluation Team (CNET) sa pagsasagawa ng MELPPI Pro (Barangay Level) Evaluation at sa pagbibigay ng gabay upang mas mapalakas pa ang ating mga programa para sa kalusugan at nutrisyon ng ating komunidad.
Lubos din po naming pinasasalamatan ang ating mga evaluators mula sa City Nutrition Office na sina Sir John Michael Mendoza at ang DILG Representative na si Ms. Coleen M. Salalila sa kanilang oras, suporta, at mahahalagang rekomendasyon para sa patuloy na pag-unlad ng ating barangay.
Sa pangunguna ng ating masipag na Punong Barangay, Hon. Francisco N. Cura, kasama sina:
• Kagawad May G. Castro – Committee on Health
• SK Chairman Justin Galang
• PIO Anthony Calinao
• Barangay Secretary Kathrina R. Gialon
• BNS Rosane Cunanan
• Ms. Jemima C. Mamangun
• Mr. Nino Arceo Eres – Principal
• RHU 6 Midwife Analiza Dungca
• Marina Guarino Pintero
at sa lahat ng bumubuo ng ating nutrition at health team, buong puso naming ibinabahagi ang ating nakuhang 90% score sa MELPPI Pro Evaluation!
Ang tagumpay na ito ay patunay ng pagkakaisa, dedikasyon, at malasakit ng bawat isa sa pagsusulong ng mas maayos na serbisyong pangkalusugan at pangnutrisyon para sa bawat pamilya sa ating barangay.
Hindi man perpekto, patuloy po tayong magsisikap upang mas mapaganda pa ang ating mga programa at serbisyo para sa kapakanan ng mamamayan. Sama-sama nating ipagpapatuloy ang adhikain para sa isang mas malusog, mas masigla, at mas maunlad na Barangay Pulung Cacutud.