02/06/2026
Bawat proyekto ay nagsisimula sa isang matibay na pundasyon. 🏗️
Ngayong araw (June 2), pinangunahan ni TIEZA - Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority COO Mark Lapid ang groundbreaking ng magiging tahanan ng DOT Region III sa San Fernando, Pampanga. Isang proyektong magsisilbing sentro ng mga programang magpapalakas sa turismo at magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mga komunidad sa Central Luzon. 💙
01/06/2026
Kabilang si Ang Supremo Senador Lito Lapid sa mga senador na nagtungo sa Senado ngayong araw (June 1, 2026) para sa nakatakdang unang sesyon sana para sa buwan ng Hunyo.
30/05/2026
Kaninag umaga (May 30), nagtungo si TIEZA - Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority COO Mark Lapid sa Patikul, Sulu para sa inauguration at turnover ceremony ng Tourist Rest Area (TRA), isang pasilidad na layuning magbigay ng mas maayos at komportableng karanasan para sa mga biyahero at bisita ng lalawigan. Mainit siyang sinalubong ng mga lokal na opisyal. 💙
26/05/2026
Nagbigay ng manipestasyon si Ang Supremo Senador Lito Lapid sa sesyon ng Senado ngayong araw (May 26) upang maipahayag ang kanyang paninindigan at pananaw kaugnay ng mga usaping tinatalakay sa plenaryo. Katuwang nito ang kanyang panawagan para sa pagkakaisa at ang sama-samang pagsisikap na mapanatili at maibalik ang dignidad ng Senado bilang institusyong naglilingkod sa bayan.
18/05/2026
Patuloy na binubuksan ng TIEZA - Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority ang mas maraming oportunidad para sa grassroots sports development sa pamamagitan ng programang “Fairway to the Future.” Kabilang dito ang Club Intramuros Golf Course at Zamboanga Golf Club bilang mga training venues para sa susunod na henerasyon ng golf athletes.
Ayon kay TIEZA COO Mark Lapid, magkatuwang ang ahensya nila at Department of Tourism sa pagsusulong ng sports tourism. Hangarin din nila ang patuloy ding pagpapaganda at pagpapaunlad sa mga pasilidad ng mga golf course na ito. ⛳
18/05/2026
Narito ang ilang kuha mula sa 64th Senate Session ngayong araw (May 18) kasama si Ang Supremo Senador Lito Lapid . Patuloy ang Senado sa pagtrabaho at pagtutok sa mga responsibilidad na naayon sa ikabubuti ng ating mga kababayan.💙
18/05/2026
Matapos ang site inspection ng Museo de Nuestra Señora de Peñafrancia sa Naga City, nagtungo din si TIEZA - Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority COO Mark Lapid sa Pasacao, Camarines Sur upang makiisa sa closing ceremony ng BPC Media Amigos Cup basketball tournament at ng Daruanak Summer Festival 2026 kasama ang mga lokal na opisyal.
Sa parehong programa, kinilala rin si Kuya Mark bilang adopted son ng Pasacao bilang pasasalamat sa kanyang patuloy na suporta sa bayan. Kasabay nito, ibinahagi rin ang mga planong proyektong magpapalakas pa sa turismo at makapagbibigay ng dagdag na oportunidad para sa komunidad. 💙
16/05/2026
Kaninang umaga (May 16), nagtungo si TIEZA - Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority COO Mark Lapid sa Naga City para sa site inspection ng Museo de Nuestra Señora de Peñafrancia. Kasama niya ang mga lokal na opisyal sa pamumuno ni Naga City Mayor Leni Robredo sa pagbisita sa kasalukuyang konstruksyon ng proyekto. 💙
13/05/2026
Sa gitna ng mga pagbabago, patuloy nating gagampanan ang tungkulin nang may malasakit, paggalang, at hangaring makapaglingkod nang tapat para sa bayan. 💙
10/05/2026
Happy Mother’s Day! 💐
Sa bawat tahanan, ang ating mga ina ang ilan sa mga unang nagpapakita sa atin ng tunay na diwa ng paglilingkod. Sa kanilang walang sawang pagmamahal, sakripisyo, at pag-aaruga, araw-araw nilang inuuna ang kapakanan ng kanilang pamilya nang may malasakit at dedikasyon.
Ngayong araw, nagbibigay-pugay tayo sa mga nanay na maituturing na mga araw-araw na bayani ng ating buhay. Isa itong paalala na hindi lamang ngayong araw sila dapat parangalan, kundi sa bawat pagkakataon ay maipakita natin ang respeto at pagpapahalaga sa kanilang malaking ambag sa pamilya, komunidad, at sa paghubog ng mas mabuting lipunan. 💙