04/06/2026
๐ข ๐๐๐ฌ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ซ ๐๐ข๐ญ๐ข๐๐ฌ ๐๐ง๐ข๐ญ๐ข๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ง๐ ๐จ๐ง๐จ! ๐จ
Tuloy-tuloy at mas hinigpitan pa ang ating SAFER CITIES INITIATIVE dito sa Angono! Kasalukuyan itong ipinatutupad at mas lalo pang palalakasin ng ating Lokal na Pamahalaan katuwang ang Angono PNP. Alinsunod ito sa utos ni Sec. Junvic Remulla para masig**ong ang bawat kalsada ay payapa at ang bawat pamilya ay ligtas sa disgrasya.
Para sa kaayusan ng lahat, heto ang mga dapat tandaan at sundin:
๐ซ Ipinagbabawal na ang pag-inom ng alak sa kalsada
๐ซ Ipinagbabawal ang pagala-galang ng mga kabataan sa dis-oras ng gabi
๐ซ Hindi pinapayagan ang paglabas sa pampublikong lugar nang walang sapat na kasuotan
๐ซ Ipinagbabawal ang paggamit ng videoke o malalakas na sound system lampas alas-10 ng gabi
Ang mga hakbang na ito ay para maiwasan ang krimen at mapanatili ang disiplina sa ating bayan. Sa tulong ng ating mga pulis at sa inyong pakikiisa, mas magiging maayos ang ating kapaligiran.
๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฒ ๐ญ๐๐ง๐จ๐ง๐ ๐จ ๐ซ๐๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐ฎ๐ค๐จ๐ฅ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฅ๐๐๐๐ ? ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ฐ๐๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ง๐ ๐ง๐ฎ๐ฆ๐๐ซ๐จ:
ANG1UNO RESCUE COMMAND CENTER (24/7):
(02) 8570 5822 | 09178454950
MDRRMO:
(02) 8451 1711 | 09162420833
ANGONO PNP:
09985985719 | 09772744521
ANGONO BFP:
09173263399
UNIFIED EMERGENCY HOTLINE:
911
๐ฌ Paalala sa lahat ng Angonoeรฑo: Ang kaligtasan ay responsibilidad ng bawat isa. Sumunod sa mga ordinansa, makiisa sa mga programa ng pamahalaan, at maging bahagi ng pagbabago tungo sa isang ligtas, maayos, at maunlad na bayan.
04/06/2026
๐ ๐ฟ๐๐พ ๐ฟ๐๐พ ๐ฟ๐๐พ, ๐๐ผ๐ ๐๐๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐? ๐ฉบ
Nahihirapan ba kayong lumabas o maglakad dahil sa inyong karamdaman? Huwag nang mag-alala dahil ang gobyerno na mismo ang lalapit sa inyong pintuan!
Sa atas ng ating Punong Bayan, Mayor Gerry Calderon, patuloy na inilalapit ng ๐๐จ๐-๐ญ๐จ-๐๐จ๐จ๐ซ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ang serbisyong medikal ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ค๐๐๐๐๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฒ ๐ฆ๐จ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐ฉ๐ซ๐จ๐๐ฅ๐๐ฆ๐ฌ ๐จ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐๐ซ๐ข๐๐๐๐ง ๐ง๐ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ญ๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐ค๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ฌ๐๐๐ฒ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ง๐ข๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก ๐๐๐ง๐ญ๐๐ซ ๐จ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก ๐๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ. Kung ang pasyente ay hindi makapunta sa center, ang ating medical team ang pupunta mismo sa inyong tahanan para magbigay ng libre at de-kalidad na kalingang medikal.
๐ ๐๐๐๐ฃ๐ค ๐๐๐-๐๐ฃ๐ง๐ค๐ก๐ก ๐จ๐ ๐๐ง๐ค๐๐ง๐๐ข๐?
Para sa mga qualified na pasyente, napakadali lang ng proseso. Piliin lamang ang isa sa mga sumusunod na paraan:
1. ๐๐๐ค๐ข๐ฉ๐๐ -๐ฎ๐ ๐ง๐๐ฒ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ซ: Magpasuyo sa isang kapamilya na mag-inquire sa Barangay Health Center na nakakasakop sa inyong lugar.
2. ๐๐๐ -๐ฆ๐๐ฌ๐ฌ๐๐ ๐ ๐ฌ๐ ๐
๐๐๐๐๐จ๐จ๐ค: Mag-send ng direktang mensahe sa opisyal na page ng Angono Public Information Office.
3. ๐๐๐ -๐๐ข๐ฅ๐ฅ ๐ฎ๐ฉ ๐๐ง๐ฅ๐ข๐ง๐: Direktang sagutan ang online enrollment form sa link na ito: https://forms.gle/5XfLcAaPyFEcRnA89 o kaya ay i-scan ang QR code na makikita sa ibaba.
โ๐๐ญ๐ข๐จ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ญ๐ช๐ฅ๐ข๐ฅ, ๐๐ข๐ต๐ช๐ฅ ๐ด๐ข ๐๐ข๐ธ๐ข๐ต ๐๐ฐ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ช๐ฅ๐ข๐ฅ.โ
Huwag nang patagalin o ipagpaliban ang inyong nararamdaman. Mag-enroll na ngayon para ang tulong ng mga doktor at nurse ay dumarating nang diretso sa inyong tahanan. Dahil sa Angono, ang kalusugan at kaligtasan ng bawat mamamayan ang ating prayoridad!
04/06/2026
[DAY 3] ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
ni Emmanuel Rafael
Idinaos ngayong araw, Hunyo 4, 2026, ang ikatlong araw ng Oryentasyon at Pagsasanay para sa mga benepisyaryo ng Risk Resiliency Program through Cash-for-Training and Work (RRP-CFTW) Project LAWA at BINHI.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IV-A.
Ang 200 na benipisyaryo mula sa apat na estratehikong barangay ng Angono, ang Mahabang Parang, Poblacion Ibaba, San Isidro, at San Roque ay nakiisa sa ikatlong araw ng programa.
Nagsimula ang programa sa mga aktibidad at laro tulad ng interactive reading story, larong "Bring Me" na may kakaibang twist, para mapraktis ang pagkakaisa, pagtutulungan ng mga benepisyaryo. Sinundan ng teaching session ng Urban Vegetable Gardening kasama si Michelle R Guevarra isang Aqua Culturist. Dito tinalakay n'ya ang mga ang mga pwedeng itanim at mga paraan kung paano ang tamang routine sa pag-aalaga ng mga tanim na gulay.
Mula naman sa Angono Tourism, nagbigay naman ng tips si Sir Adonis Antolines ng mga paraan kung paano ang Social Media Managing for Online Selling. Dito tinalakay n'ya ang gamit ng sosyal midya sa pagbenta ng mga produkto, kung ano ang pwedeng ibenta, at mga marketing strategies para maibenta nang maayos ang mga produkto.
Natapos ang ikatlong araw ng programa sa pag-aalala ng mga dapat gawin, safety protocols at ilang mga reminders para sa mga benipisyaryo.
๐ทโ๏ธ: Emmanuel Rafael, James Serote
04/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ (๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐)
Paalala mula sa Pamahalaang Bayan ng Angono na mahigpit na IPINAGBABAWAL ang pagsusunog o pagsisiga ng basura o ang open burning of solid waste alinsunod sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at ng Municipal Ordinance No. 08-561.
Ang pagsisiga ay nagdudulot rin ng problema sa baga (paghinga) o pagbaba ng kalusugan at maaaring pagmulan din ng pagkawala ng ari-arian o buhay sa biglaan paglaki ng sunog lalo na ngayong panahon ng tag-init.
May ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ญ๐ฎ๐ฆ๐๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฅ๐๐๐๐ sa nasabing ordinansa.
Kung kayo ay may nais ๐ข-๐ซ๐๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ay tumawag lamang sa numerong 0917-512-0575 o magsend ng mensahe sa Angono Public Information Office FB page o sa ating MENRO head na si Mr. Gilbert Merino sa kaniyang Facebook Messenger.
04/06/2026
๐ข ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐, ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐! ๐๏ธ
Idineklara ng Malacaรฑang, sa pamamagitan ng Proclamation No. 1287, na ang darating na Huwebes, ๐๐ฎ๐ง๐ ๐๐, ๐๐๐๐, ay isang ๐๐ฅ๐๐๐๐๐ก ๐๐ค๐ฃ-๐๐ค๐ง๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฟ๐๐ฎ ๐จ๐ ๐๐ช๐ค๐ฃ๐ ๐ก๐๐ก๐๐ฌ๐๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฏ๐๐ก. Ang anunsyong ito ay nilagdaan ni Acting Executive Secretary Ralph G. Recto, sa ilalim ng awtoridad ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Ang holiday na ito ay bilang pagkilala sa makasaysayang 125th Founding Anniversary ng Probinsya ng Rizal. Layunin ng proklamasyon na bigyan ang lahat ng mga Rizaleรฑo ng pagkakataon na makiisa, magsaya, at ipagdiwang ang milestone na ito kasama ang kanilang mga pamilya.
04/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐! ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐!
ni Niรฑa Benjamin
Naging matagumpay at makabuluhan ang naganap na Basic Microsoft Excel Training kahapon, June 3, 2026, sa Mayor's Conference Hall. Ang buong araw na aktibidad na ito ay inilunsad bilang bahagi ng paghahanda para sa ๐พ๐๐๐ก๐ ๐ฟ๐๐ซ๐๐ก๐ค๐ฅ๐ข๐๐ฃ๐ฉ ๐๐ค๐ง๐ ๐๐ง๐จ ๐๐๐๐ .
Dinaluhan ito ng 34 na Child Development Workers at Teachers (CDW/Ts) mula sa iba't-ibang barangay ng ating bayan na excited matuto ng mga bagong computer skills para sa kanilang pagtuturo at serbisyo.
Ang pangunahing layunin ng training ay matulungan ang ating mga g**o na mapabilis ang kanilang trabaho para mas marami silang oras sa pag-aalaga sa ating mga tsikitรญng. Katuwang ng MSWDO - Angono ang MICTO na siyang nagfacilitate ng nasabing seminar. Dahil ang ating mga CDW/Ts ay hindi lang nagtuturo kundi nag-aayos din ng mga papeles, malaking tulong ang kaalaman sa MS Excel upang mapadali ang kanilang record-keeping.
Sa pamamagitan nito, mas mabilis na ang pag-track ng attendance, progress reports, at inventory ng learning materials nang hindi manu-mano.
Bukod dito, mas madali na rin silang makakapag-generate ng accurate at organized reports na isinusumite sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at iba pang partner agencies, habang sabay na napapalakas ang kanilang digital skills para sa modernong administrative work.
Naniniwala ang ating Lokal na Pamahalaan na ang pagbibigay ng dagdag-kaalaman sa ating mga CDW/Ts ay isang magandang investment para sa kinabukasan ng bayan. Dahil kung mas bawas ang kanilang oras sa mabigat na paper works, mas marami silang panahon para magampanan ang kanilang best role, ang mag-aruga at magturo sa mga kabataan ng ating community.
Isang malaking pasasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta upang maging matagumpay ang training na ito!
04/06/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐
๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐!
Ang Angono Municipal Health Office โ Milk Hub ay nangangailangan ng donasyong BREASTMILK para sa mga ina-admit na premature at may sakit na mga sanggol.
Nananawagan ng tulong ang pamahalaan sa mga ina na kasalukuyang nagpapasuso at nagpoproduce ng mas maraming gatas kaysa sa kailangan ng iyong sanggol, maaari kayong maging eligible donor. Makakatanggap ng libreng nutrition kits ang bawat donor.
Ang klinika ng Angono MHO Milk Hub ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes ng 8:00am to 5:00pm.
Maraming salamat po!
04/06/2026
โผ๏ธ ๐ท๐น๐ถ๐ป๐ฌ๐ฒ๐บ๐๐ถ๐ต ๐บ๐จ ๐ฒ๐จ๐ฎ๐จ๐ป, ๐ท๐จ๐น๐จ ๐บ๐จ ๐ณ๐จ๐ฏ๐จ๐ป! โผ๏ธ
Huwag mag-panic kung may kagat o kalmot ng alaga, dahil may agarang solusyon tayo para sa pamilya! Para iwas-kaba kapag nakagat ng a*o o pusa, huwag nang patagalin pa. Sa tulong ng TUROK (2+1) program ng Pamahalaang Bayan at Mag-ama Magkasama, kumpleto ang ibibigay na anti-rabies shots para sa inyong kaligtasan.
๐ผ๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐: ๐ณ๐ฐ๐ฉ๐น๐ฌ sa ating Animal Bite Treatment Center (depende sa availability ng gamot)
๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐: ๐บ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐ ng a*o o pusang nakakagat o nakakalmot
๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐: ๐ณ๐ฐ๐ฉ๐น๐ฌ ๐๐๐๐ sa ating Animal Bite Treatment Center (depende sa availability ng gamot)
Magpabakuna agad kung ikaw ay nakagat o nakalmot ng a*o o pusa. Paalala rin sa ating mga pet owners na maging responsable sa kanilang mga alagang fur babies. Pakisunod ang mga detalye sa ibaba:
๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐:
Lunes hanggang Biyernes ng 8:00AM-5:00PM
๐๏ธ ๐๐๐๐๐๐๐๐:
Animal Bite Treatment Center (sa loob ng municipal compound)
๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐:
Para sa mga matatanda (18 years old pataas):
- Valid ID na may address ng Angono.
- Barangay ID.
- Kung ang valid ID ay walang address ng Angono, magdala ng Barangay Certificate of Residency.
Para sa mga menor de edad (18 years old pababa)
- ID o Birth Certificate ng bata.
- Kasama ang Magulang
- Kung walang address ng Angono ang valid ID, maaaring kumuha ng barangay certificate of residency (Angono residents)
Kung Guardian ang Kasama
- Dapat ay 18 years old pataas ang guardian.
- AUTHORIZATION LETTER mula sa magulang na nakalagay ang mga ss:
> pangalan ng batang babakunahan
> pangalan ng legal guardian
> pangalan at pirma ng magulang na pumayag pasamahan ang anak na mabakunahan ng anti-rabies.
- Valid ID ng magulang at guardian (may address ng Angono o Certificate of Residency).
04/06/2026
๐ง๐ฎ๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐บ๐๐น๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ถ๐ต๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐๐๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐๐น๐ฎ๐ ๐ ๐ผ.. ๐๐๐ต๐ฎ๐ ๐๐ผ..
Ano: Dugong Alay Mo, Buhay Ko
Kailan: Hunyo 21, 2026 (araw ng Linggo) 7:00am-12:00pm
Saan: Bloomingdale Covered Court Brgy. San Pedro, Angono, Rizal
May mga ilang paalala bago magdonate ng dugo:
- Makakuha ng sapat na pahinga o pagtulog
- Walang alak ng anumang uri 24 oras bago ang donasyon ng dugo
- Walang gamot ng anumang uri 24 oras bago ang donasyon ng dugo
- Kumain bago ang donasyon ng dugo
- Uminom ng maraming tubig
- Bawal manigarilyo apat (4) na oras bago ang donasyon ng dugo
Maging isang bayani sa pamamagitan ng pag-alay dugo.
03/06/2026
[DAY 2] ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
ni Lhian Ramos
Bilang pagpapatuloy sa ikalawang taon ng pagpapatupad ng Risk Resiliency Program through Cash-for-Training and Work (RRP-CFTW) Project LAWA at BINHI, idinaos ngayong araw, Hunyo 3, 2026, ang ikalawang araw ng Oryentasyon at Pagsasanay para sa mga benepisyaryo. Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IV-A.
Nakiisa sa ikalawang araw ng programa ang 200 benepisyaryo na nagmula sa apat na estratehikong barangay ng Angonoโang Mahabang Parang, Poblacion Ibaba, San Isidro, at San Roque.
Sa pagbubukas ng programa sa umaga, matapos ang rehistrasyon at mga pambungad na seremonya, pormal na tinalakay ngayong ikalawang araw ang tatlong core values ng DSWD pati na rin ang pagkilala sa mga pangunahing programa nito tulad ng 4Ps, AICS, SLP, CLPS at iba pang mga programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mapapakinabangan ng mga benepisyaryo. Kasabay ng pagbabalik-tanaw sa mga naunang paksa, isinagawa rin ang Group Organization kung saan binuo at pinagbuklod ang mga kalahok upang masig**o ang maayos na koordinasyon at pagkakaisa sa mga susunod na bahagi ng proyekto.
Pagdating ng hapon, nakatuon naman ang talakayan sa paggabay sa pangkabuhayan at pamamahala. Naging highlight sa bahaging ito ang presentasyon ukol sa Production and Community-based Marketing Strategies na pinangunahan ng mga kinatawan mula sa Angono PESO Office, upang ituro ang mga tamang diskarte sa pagbebenta ng lokal na produkto. Sinundan ito ng pagsasanay sa Financial Management at Bookkeeping para sa wastong paghawak at paglilista ng pondo at kita.
๐ทโ๏ธ: Lhian Ramos & Niรฑa Benjamin