15/09/2026
🎓 BUKAS NA ANG APPLICATION PARA SA OWWA SCHOLARSHIP PROGRAMS!
Kabayan, pangarap mo bang makapagtapos ng kolehiyo? O may anak o qualified dependent kang naghahanda para sa college?
Bilang bahagi ng aming suporta sa edukasyon ng mga OFW at kanilang pamilya, tumatanggap na ang OWWA ng applications para sa aming scholarship programs:
🎓 Education for Development Scholarship Program (EDSP) – Category 1 & 2
🎓 OFW Dependents Scholarship Program (ODSP) – Category 1 & 2
🎓 Congressional Migrant Workers Scholarship Program (CMWSP)
📌 MAHALAGANG PAALALA
Nais naming maging malinaw ang proseso para sa lahat:
• Ang OWWA scholarship ay para sa qualified active OWWA members at kanilang qualified dependents, alinsunod sa requirements ng bawat programa.
• Ang pagiging active OWWA member ay hindi nangangahulugang awtomatikong scholarship grant.
• May takdang bilang ng scholarship slots bawat taon, kaya ang applications ay dumadaan sa validation, screening at selection process.
• Para sa mga programang may qualifying examination o ranking requirement, kailangan itong makumpleto bilang bahagi ng selection process.
• Ang bawat scholarship program ay may sariling eligibility requirements, kaya mahalagang tingnan muna kung aling programa ang akma sa aplikante.
📲 Alamin kung qualified ka at ihanda ang iyong requirements.
I-scan ang QR code o bisitahin ang official OWWA link para makita ang kumpletong qualifications, requirements, application procedure at deadlines.
Layunin ng OWWA na gawing malinaw, patas at accessible ang scholarship application process para mas maraming OFW families ang magkaroon ng pagkakataong maabot ang kanilang pangarap sa edukasyon.
Sa bawat pangarap ng OFW at kanilang pamilya, may Alagang OWWA na handang umalalay. 💙