04/06/2026
Dahil sa dumadaming mga insidente ng nakakamatay na rabies mula sa mga ibat ibang uri ng kagat at kalmot ng ating mga alagang hayop. Minabuti ng Sanggunian na humanap ng solusyon para mabigyan ng lunas ang mga nakakagat o nakakalmot nito. Kayaβt tinatag ng Barangay Dela Paz ang Animal Bite Clinic. Sa pakikipagtulungan sa RNR Animal Bite Center hatid sa mga residente ng Barangay Dela Paz ang libreng bakuna laban sa kagat ng a*o, pusa at iba pang fur babies na may rabies.
Bukas ang ating Animal Bite Clinic na matatagpuan sa Barangay Hall Main (Lukay) mula Lunes hanggang Sabado, sa hudyat ng alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.
Panawagan ni Kapitan Jeff Naval Fernan, magparehistro sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa full package ng libreng pagsusuri, gamutan hanggang sa pagtuturok ng bakuna kontra rabies.
Isa ring paalala na alagaan ng tama ang ating mga alagang fur babies at siguraduhin din na bakunado sila ng anti-rabies para sa kanilang kaligtasan at kaligtasan ng komunidad.
03/06/2026
Bilang paghahanda sa pagpa*ok ng bagong batch ng mga enrollees ng ππ‘π’π₯π πππ―ππ₯π¨π©π¦ππ§π πππ§πππ«π¬, nagsagawa kamakailan ng πππ«ππ§π ππ«π’ππ§ππππ’π¨π§ para sa mga magulang at guardians ng mga batang sasabak sa unang hakbang tungo sa magandang kinabukasan.
Sa kabuuan, nasa 400 magulang at guardians ang dumalo sa orientation na ginanap noong Mayo 28 sa Barangal Hall (Main at Annex).
Sa tulong ni Ma'am Angelita Castillo, Social Worker Officer 4, ipinaliwanag ang mahalagang papel na ginagampanan ng magulang at guardians ng mga batang enrollees sa day care centers.
Sa isang mensahe, lubos na pinasalamatan ni Kapitan Jeff Naval Fernan at ng buong Sanggunian ang tiyaga, husay at sakripisyo ng mga magulang na ang tanging hangad ay tiyakin ang matibay na pundasyon sa edukasyon ng mga tinaguriang pag-asa ng kinabukasan.
03/06/2026
Bago pa man magbukas ng klase, isinasagawa ang taunang Brigada Eskwela program na naglalayon ihanda ang silid-aralan para sa mga estudyante.
Paglilinis, pagkukumpuni at pagpapaganda para sa maaliwalas na pagtahak sa magandang kinabukasan ng mga kabataan.
Sa hudyat ng Department of Education, isinagawa ang Brigada Eskwela sa mga sumusunod na paaralan:
πBagong Nayon IV Elementary School
πAntipolo National High School
πDela Paz Elementary School
πDela Paz National High School
Sa panig ng pamahalaang barangay, nagbahagi ng mga kagamitan sa paglilinis tulad ng mga walis at pintura para magamit sa programa.
Sa isang mensahe, lubos na pinasalamatan ni Kapitan Jeff Naval Fernan at ng buong Sanggunian, ang mga lumahok sa ating Balik-Eskwela --- mga g**o, kawani ng paaralan, gayundin ang mga magulang ng mga estudyante.
02/06/2026
Kalakip ng tag-ulan ang ibaβt ibang karamdaman tulad ng lagnat, ubo, sipon, at trangka*o. Nandyan din ang pangamba sa leptospirosis na mula sa ihi ng daga sa tubig-baha at dengue na dulot ng kagat ng pesteng lamok.
Kaya naman ang Barangay Dela Paz, regular na umiikot sa ibaβt ibang sitio para tiyakin ang kaligtasan at kalusugan ng mga residente sa bisa ng ibaβt ibang programa.
Sa usapin ng dengue, patuloy ang pag-ikot ng mga kawani ng Barangay General Services Office para sa fogging operations na naglalayong puksain ang mga lugar na pinamumugaran ng lamok.
Sa ngayon, tapos na po tayo sa Dela Paz Elementary School, Dela Paz National High School, Shepherd Angels Christian School of Antipolo, Pinagmisahan at Flores Residence (Sitio Banico). Nakahanay na rin ang iba pang sitio na sakop ng barangay.
Gayunpaman, higit na kailangan ang pakikiisa ng ating mga mamamayan. Paano? Sa pamamagitan ng wastong pagtatapon ng basura (segregation), pagpapanatili ng kalinisan at pag-iwas sa pagtatambak ng anumang pwedeng maging imbakan ng tubig ulan na nagsisilbing pangitlugan ng mga lamok.
Ang dengue walang panama kung ang pamahalaan at mga mamamayan at kikilos bilang isa.
02/06/2026
πππ πππππ ππ πππππππ, ππππππ! β¨π
This Pride Month, it's your time to shine, serve, and slay the stage!
Are you ready to showcase your beauty, confidence, intelligence, and authenticity? The search for the next Queen of ALON - Dela Paz begins now!
πQUALIFICATIONS:
- Must be a bona fide resident of Brgy. Dela Paz, Antipolo City, or must have a parent, guardian, or relative residing in Brgy. Dela Paz.
- Open to all Transpinay and Transwomen.
- Must be 17 years old and above on or before the date of the pageant.
- Must possess good moral character.
- Must be willing to attend official pageant activities.
- Must comply with all rules and regulations set by the organizers.
π CATEGORIES / SEGMENT
- Production (Shirt)
- Advocacy (White Dress)
- Swimsuit (Black)
- Evening Gown (Silver/Blue)
π IMPORTANT DATES:
Start of Registration: June 2, 2026
Deadline of Registration: June 14, 2026
Coronation Night: June 27, 2026
FOR INQUIRIES AND REGISTRATION:
Regustration form:
https://docs.google.com/forms/d/1jeRkSuvbbKia4R8BWXMGF6mUDQ_FcG0NEd8Z7U47A7k/viewform?usp=sf_link
Contact Person: Arwind Abriel San Agustin
page: ALON β Youth Organization
Email: [email protected]
Please note: Submission of requirements and payment of the registration fee do not automatically guarantee acceptance. All applicants shall undergo approval based on the qualifications and guidelines set by the organizers.
This is more than a pageantβit's a celebration of pride, empowerment, visibility, and the incredible women who continue to inspire our community.
The spotlight is waiting. The stage is yours.
In collaboration with Transpinay of Antipolo Org
πππ€π’π€π’π§π’π . πππ π€ππ€ππ’π¬π. ππ¦πππ€π¬π²π¨π§!
30/05/2026
Maligayang Kaarawan sa ating Barangay Secretary Elyssa Mae A. Rivera!
Pagbati mula kay:
Kap. John Felix βJeffβ Naval Fernan, mga Kagawad at mamamayan ng Barangay Dela Paz.
29/05/2026
1st Batch ng DOLE TUPAD Eco-Warriors!
90 residente ng Barangay Dela Paz ang binigyan ng pansamantalang pagkakakitaan sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment.
Mga sapa sa ating barangay ang kanilang lulusungin para tanggalin ang mga basurang bumabara sa daluyan ng tubig. Ang resulta β baha.
Sa loob ng mga nakalipas na taon, prayoridad ng Barangay Dela Paz ang kalinisan at pagpapahalaga sa kalikasan β isang adbokasiyang patuloy nating isinusulong sa ikagaganda ng ating pamayanan.
Layunin ng TUPAD magbigay agapay sa mga nawalan ng hanapbuhay, underemployed, o sea*onal workers sa paraan ng pagbibigay halaga sa kalinisan at kalikasan.
Alinsunod sa alituntunin ng TUPAD, 10 araw ang magiging trabaho ng 1st batch ng TUPAD beneficiaries.
Muli, isang taos-pusong pasasalamat sa inisyatibo ni House Deputy Speaker Ronnie Puno.
29/05/2026
Sa nakalipas na taon, nagsilbing pangalawang tahanan ng mga batang edad 0 hanggang 5-taong gulang ang daycare kung saan nila unang natutunan ang alpabeto, numero, kulay, at maging ang pagsulat sa masayang paglalaro.
Higit pa sa kaalaman, silaβy namulat sa kalinisan, kabutihang asal at iba pa bilang paghahanda sa susunod na yugto ng pag-aaral. Matapos ang isang taon, ganap na silang nagsipagtapos sa ating mga Child Development Centers.
Sa hudyat ni Kapitan Jeff Naval Fernan at ng buong Sangguniang, ni-refund natin sa 535 bibong tsikiting ang binayad na registration fee noong nakalipas na taon.
Hangad natin makapag-ambag man lang sa susunod na antas ng kanilang edukasyon β ang kindergarten.
Congratulations sa ating mga daycare graduates, gayundin sa kanilang mga magulang na patuloy nagsisikap para sa kanilang edukasyon.
29/05/2026
Kasalukuyang walang kuryente sa ilang bahagi ng ating barangay bunsod ng pumutok na poste sa kahabaan ng Gen. Luna Street.
Naipagbigay alam na ang insidente sa Meralco at patuloy tayong nagfofollow-up upang agad na magdispatsa ng ground personnel para ayusin ang linya at maibalik ang supply.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang Barangay Main Hall (Lukay), gayundin ang mga kabahayan at negosyo sa Gen. Luna at F. Asuncion Streets.
Tumutok sa ating FB page para sa update.