12/09/2026
๐๐ฃ๐๐ฅ๐ฅ๐ ๐ง๐ข๐จ๐ฅ๐๐ฆ๐ ๐ข๐๐๐๐๐, ๐ก๐๐๐๐๐ฆ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก ๐ง๐ข๐จ๐ฅ๐๐ฆ๐ ๐ ๐ข๐ก๐ง๐ ๐ง๐ฅ๐๐๐ ๐๐ก๐ ๐ง๐ฅ๐๐ฉ๐๐ ๐๐๐๐ฅ
Nakiisa ang Bayan ng Aparri, sa pangunguna ni Municipal Mayor Dominador Ambo Dayag kapuwang ang Aparri Tourism Office sa pagdiriwang ng Cagayan Tourism Month sa pamamagitan ng pakikilahok sa Cagayan Trade and Travel Fair, na isinagawa sa Robinsons Place, Tuguegarao City.
Pinangunahan ni 3rd District Board Member Engelbert Caronan, bilang kinatawan ni Governor Edgar โTatay Egayโ Aglipay, ang pagbubukas ng tatlong-araw na aktibidad. Dumalo rin sina DOLE Region 02 Regional Director Imelda Romanillos, DOLE Cagayan Provincial Director Laura Diciano, DTI Cagayan Provincial Director Atty. Maricris Galinggana, Provincial Tourism Officer EnP. Jenifer Junio-Baquiran, SB Member Dian Jaycerett Dayag na Committee Chair ng Tourism, Municipal Tourism Officer Marilou V. Cabauatan, mga kinatawan ng ibaโt ibang ahensiya at LGU, mga miyembro ng academe at media, tourism stakeholders, at iba pang panauhin.
Bago ang pormal na pagbubukas ng fair, isinagawa ang isang programa kung saan nagbigay ng mensahe si EnP. Junio-Baquiran, na nagpahayag ng pasasalamat sa patuloy na suporta at pakikiisa ng mga tourism stakeholders sa mga programa ng lalawigan.
Nagpaabot din ng mensahe ng suporta ang First Lady of Cagayan sa pamamagitan ng isang video message, kung saan binigyang-diin ang oportunidad na hatid ng programang โNo Family Left Behindโ ni Governor Aglipay para sa mga pamilyang Cagayano, kabilang ang mga oportunidad sa sektor ng turismo.
Samantala, hinimok ni Vice Governor Manuel Mamba ang mga tourism stakeholders na higit pang paigtingin ang promosyon ng Cagayan, lalo na sa international market.
Binigyang-diin naman ni Dir. Romanillos ang mahalagang ugnayan ng turismo at employment, at tiniyak ang suporta ng DOLE sa mga programang makatutulong sa mga Cagayano. Katuwang din dito ang DTI Cagayan sa pagsusulong ng mga lokal na produkto at negosyo.
Bahagi rin ng programa ang paglulunsad ng โCanciones Ibanagโ sa pangunguna ng Cagayan Museum and Historical Research Center, gayundin ang mga pagtatanghal ng University of Saint Louis Center for Culture and Arts, CSU Athena Performing Arts Bureau, at Romuald La Madrid, na nasa likod ng awiting โEndless Fun, Cagayan.โ
Sa pagbubukas ng Trade and Travel Fair, tampok sa mga booth ng ibaโt ibang LGU ang kani-kanilang mga lokal na produkto, tourist destinations, at natatanging kultura. Kabilang dito ang Aparri, na ipinakilala ni Municipal Tourism Officer Marilou V. Cabauatan sa pamamagitan ng isang tourism presentation.
Ibinida sa presentasyon ang ilan sa mga pangunahing destinasyon ng Aparri, kabilang ang Aparri Welcome Arc, Aparri River Cruise, Cagayan Ecclesiastical Museum, St. Peter Thelmo Parish Church, Port of Aparri at Punta Beach, Hotel Dian, isang DOT-accredited hotel sa bayan, Ammaleran Beach, at ang natatanging Fuga Island.
Tampok din ang Aramang Festival, na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Mayo, gayundin ang mga ipinagmamalaking produkto ng Aparri. Kabilang dito ang Aramang o soft-shelled shrimp, na mahuhuli lamang sa bukana ng Cagayan River, at mga produktong mula rito tulad ng Dried Aramang, Aramang Shrimp Paste, Aramang Bagoong, at Aramang Okoy. Tampok din sa presentasyon ang Miki Niladdit at iba pang seafood products.
Bilang bahagi ng tourism promotion, ipinatikim sa mga college students at iba pang dumalo ang Aramang Okoy, na naging isa sa mga tampok na lokal na produkto ng Aparri. Samantala, patuloy ding dinagsa ng mga bisita at mamimili ang Aparri Booth, na nagbigay-daan upang higit na makilala ang mga produkto, destinasyon, at potensyal ng bayan bilang isang tourism destination sa Cagayan.
Magpapatuloy ang Cagayan Trade and Travel Fair hanggang Setyembre 13, 2026 sa Robinsons Place, Tuguegarao City. Kabilang sa mga aktibidad ng Tourism Month Celebration ang Provincial Tourism Quiz Bee, Inter-School Tourism Skills Olympics, Business-to-Business Networking Sessions, at Job Fair.
Sa pamamagitan ng patuloy na pakikiisa sa mga gawaing pangturismo ng lalawigan, isinusulong ng LGU Aparri ang mas malawak na pagkilala sa ating mga destinasyon, produkto, kultura, at mga oportunidad na hatid ng turismo para sa mga Aparrian at sa buong Cagayan.