Malayang Bayan ng Arayat

Malayang Bayan ng Arayat

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Malayang Bayan ng Arayat, Political organisation, Arayat.

05/06/2026

Malugod na binabati ng ating mahal na Mayor Jeffrey M. Luriz ang buong delegasyon ng Bayan ng Arayat sa pagkakamit ng Zumba 4th Place sa pagdiriwang ng Child Development Workers Week 2026 sa hanay ng 21 munisipalidad ng lalawigan.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng inyong dedikasyon, malasakit, at walang sawang paglilingkod para sa kapakanan at maayos na pag-unlad ng ating mga kabataan. Kayo ay tunay na inspirasyon at patunay ng inyong pagmamahal sa serbisyong pampubliko.

Mula sa pamahalaang bayan ng Arayat, taos-pusong pasasalamat at pagbati sa lahat ng Child Development Workers, mga opisyal, at mga katuwang na naging bahagi ng tagumpay na ito.

Patuloy nating itaguyod ang de-kalidad na serbisyo para sa bawat batang Arayateño.

Mabuhay ang Child Development Workers ng Arayat! Mabuhay ang Bayan ng Arayat!

Photos from Malayang Bayan ng Arayat 's post 05/06/2026

Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot sa lahat ng ating mga kababayan at mga kabalen sa Los Angeles, Las Vegas, San Diego, at San Francisco higit kay Mr. Rene Medina sa pangunguna at pag organized ng Meet and greet sa ating mahal na Mayor Jeffrey Luriz na buong pusong naglaan ng oras at nagbigay ng mainit na pagtanggap kina Mayor Jeffrey Luriz at First Lady Ann Sigua Luriz sa kanilang pagbisita.

Ang inyong pagmamahal, suporta, at pakikiisa ay nagsisilbing inspirasyon upang lalo pang pag-ibayuhin ang mga programa at serbisyong inilaan para sa ating bayan. Sa bawat pagkakataong makadaupang-palad ang ating mga kababayan sa ibang bansa, nabubuksan ang mas maraming oportunidad upang mapag-usapan at mapalawak ang mga proyekto, programa, at inisyatibong makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng ating komunidad.

Sa mga isinagawang pagpupulong at pakikipag-ugnayan, naging mahalagang bahagi ang pagbabahagi ng mga ideya at mungkahi na maaaring makatulong sa pagpapalakas ng ekonomiya, pagpapabuti ng mga serbisyong pampubliko, at paglikha ng mga programang magbibigay ng mas magandang kinabukasan para sa bawat mamamayan. Ang pagkakaisa at pakikipagtulungan ng ating mga kababayang nasa ibang bansa ay patunay na saan mang panig ng mundo tayo naroroon, nananatili ang ating malasakit at pagmamahal para sa ating bayan.

Lubos din naming pinahahalagahan ang oras, pagod, at pagsisikap ng bawat isa na naging bahagi ng matagumpay na pagbisitang ito. Ang inyong mainit na pagtanggap ay hindi lamang nagpatibay sa ugnayan ng pamahalaang bayan at ng ating mga kababayan sa ibayong dagat, kundi nagbigay rin ng inspirasyon upang higit pang magsikap sa paghahatid ng tapat, mahusay, at makabuluhang serbisyo publiko.

Muli, maraming maraming salamat sa lahat ng ating mga kabalen sa Los Angeles, Las Vegas, San Diego, at San Francisco. Nawa’y magpatuloy ang ating pagkakaisa, pagtutulungan, at suporta sa mga adhikaing naglalayong maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat mamamayan at maisulong ang mas maunlad, mas matatag, at mas progresibong kinabukasan para sa ating bayan.

Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagkilos para sa pag-unlad at tagumpay ng ating minamahal na bayan.

Photos from DSWD Field Office 3 - Central Luzon's post 04/06/2026

DSWD FO 3 nag-abot ng tulong at aksyon patungkol sa insidente sa Arayat, Pampanga

Isang nakakabahalang pangyayari ang naganap sa Brgy. Paralaya, Arayat, Pampanga kung saan isang bata ang malubhang nasugatan ng kalaro nito sa isang abandodanong lote.

Upang matiyak ang kapakanan ng nasugatang bata at ng batang kalaro nito ay mabilis na umaksyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 3 - Central Luzon katuwang ang MSWDO ng Arayat, Pampanga.

Nagpaabot ang DSWD FO 3 sa pamilya ng biktima ng Php 10,000 sa ilalim ng Cash Relief Assistance ng programang AICS, upang maibsan ang gastusin sa gamot at atensyong medikal na kinakailangan ng bata. Sumailalim din ito sa psychological evaluation upang masusing masuri ang kalagayang mental ng bata at siguraduhin ang tuluyang paghilom nito mula sa pangyayaring kanyang naranasan.

Sa kabilang banda, ang batang kalaro ng nasugatang bata ay tinugunan din at binigyan ng pansin ng DSWD FO 3. Aktibong nakikipagtulungan ang ahensya sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Arayat upang maipaabot ang tamang interbensyon at hakbang sa kasalukuyang ginagawang assessment sa bata.

Naniniwala ang DSWD FO 3 na ang bawat bata ay mahalaga at nararapat na magkaroon ng pagkakataong makabangon at muling makapaglaro nang may kapayapaan. Patuloy at handang magbigay ng gabay at supporta ang ahensya sa mga pamilya upang masigurado ang isang ligtas at mapayapang na kinabukasan dahil .

Photos from Malayang Bayan ng Arayat 's post 04/06/2026

Sa pangunguna ng ating mahal na Mayor Jeffrey M. Luriz, buong pusong nagpapasalamat ang 30 barangay ng Bayan ng Arayat sa ating mahal na Gobernador Lilia “Nanay” Pineda at Bise Gobernador Dennis Pineda para sa ipinagkaloob na mga bagong Barangay Patrol Vehicles na magsisilbing mahalagang katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at mabilis na paghahatid ng serbisyo sa bawat Barangay.

Dinaluhan ang turnover at pasasalamat ng mga Punong Barangay ng Arayat, kasama si Vice Mayor Monching Changcoco at Municipal Administrator Larry Trinidad, bilang pagpapakita ng pagkakaisa ng lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng mas maayos at episyenteng serbisyo publiko.

Malaking tulong ang mga bagong patrol vehicles upang higit pang mapalakas ang kakayahan ng mga barangay sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayan, lalo na sa usapin ng seguridad, disaster response, at iba pang serbisyong pangkomunidad.

Muli, taos-pusong pasasalamat kina Governor Nanay Lilia Pineda at Vice Governor Delta Pineda sa kanilang walang sawang suporta at malasakit sa Bayan ng Arayat at sa mga mamamayan nito.

Sama-sama tungo sa mas ligtas, mas maunlad, at mas progresibong Arayat!

Photos from Malayang Bayan ng Arayat 's post 03/06/2026

Sa patuloy na pagsusulong ng mga programang makatutulong sa pagpapabuti ng kabuhayan ng ating mga mamamayan, matagumpay na isinagawa ang Livelihood Orientation para sa iba't ibang barangay sa ating bayan sa pangunguna ng ating masipag at mapagmalasakit na Mayor, Jeffrey M. Luriz, sa pakikipagtulungan ng PESO Arayat at Department of Labor and Employment (DOLE).

Layunin ng gawaing ito na mabigyan ng sapat na kaalaman at oportunidad ang ating mga kababayan hinggil sa mga programang pangkabuhayan na maaaring makatulong sa kanilang pag-unlad at pagkakaroon ng mas matatag na pinagkakakitaan. Isa itong mahalagang hakbang upang mabigyan ng mas maraming pagkakataon ang bawat pamilya na mapaunlad ang kanilang kabuhayan at makamit ang mas magandang kinabukasan.

Sa kinatawan ng ating mahal na Mayor Jeffrey M. Luriz, ipinaabot ni Admin Larry Trinidad ang taos-pusong mensahe ng suporta at malasakit ng ating lokal na pamahalaan. Kanyang binigyang-diin na hindi titigil si Mayor Luriz sa paghahanap ng mga programa, proyekto, at oportunidad na makapagbibigay ng karagdagang kabuhayan at makatutulong sa pag-angat ng antas ng pamumuhay ng bawat mamamayan.

Patunay ang programang ito ng patuloy na dedikasyon ng ating pamahalaang lokal na maghatid ng serbisyong may malasakit at konkretong solusyon para sa pangangailangan ng ating mga kababayan. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pakikipagtulungan ng bawat sektor, mas marami pang oportunidad ang mabubuksan para sa ating komunidad tungo sa mas maunlad, mas produktibo, at mas masaganang bayan.

Maraming salamat sa PESO Arayat, DOLE, mga opisyal ng barangay, at sa lahat ng mga dumalo at nakiisa sa programang ito. Sama-sama nating itaguyod ang mga programang nagbibigay ng pag-asa at oportunidad para sa bawat pamilyang Pilipino.







02/06/2026

Pampanga is set to observe a four-day long weekend from June 12 to June 15, 2026.

June 12 (Friday) marks the celebration of Philippine Independence Day, a regular national holiday commemorating the country's declaration of independence in 1898.

The weekend follows on June 13 and 14 (Saturday and Sunday), while June 15 (Monday) is observed in remembrance of the 1991 Mount Pinatubo eruption, one of the most significant natural events in the history of Central Luzon.

This period provides an opportunity for reflection on our nation's freedom and resilience, while also honoring the communities affected by the Mount Pinatubo tragedy and recognizing the strength and recovery of the Kapampangan people through the years.

Wishing everyone a meaningful, safe, and productive long weekend.

Photos from Malayang Bayan ng Arayat 's post 02/06/2026

June 2, 2026 | TUPAD Monitoring during Brigada Eskwela 2026

📍 Baliti Elementary School
📍 Arenas Elementary School

Sa pangunguna at patuloy na direktiba ng ating mahal na Mayor Jeffrey Luriz, tuloy-tuloy ang mga programang naglalayong ihanda ang ating mga paaralan para sa ligtas at maayos na pagbubukas ng klase.

Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga TUPAD beneficiaries sa Brigada Eskwela 2026, naisasagawa ang paglilinis at pagsasaayos ng mga paaralan upang masiguro ang isang maaliwalas at ligtas na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.

Patunay ito ng malasakit ng ating Punong Bayan sa edukasyon at kapakanan ng bawat batang Arayateño. Maraming salamat, Mayor Jeffrey Luriz, sa inyong patuloy na suporta at pagkalinga sa ating mga paaralan at Bayan.

Serbisyong may malasakit, aksyong may resulta para sa kabataan at kinabukasan ng Arayat.



02/06/2026

Lubos pong nagpapasalamat ang buong Barangay Health Workers (BHW) ng Barangay Batasan sa ating mahal na Mayor Jeffrey Luriz sa pagkakaloob ng ng mga bagong uniporme. Ang inyong patuloy na suporta at malasakit sa mga frontliners ng komunidad ay malaking inspirasyon upang mas pagbutihin pa namin ang aming paglilingkod sa ating mga kababayan.

Maraming salamat po, Mayor Jeffrey Luriz, sa inyong dedikasyon at pagmamahal sa mamamayan ng Arayat. Nawa’y patuloy po kayong pagpalain at gabayan sa inyong paglilingkod.




Want your business to be the top-listed Government Service in Arayat?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Arayat
2012