29/10/2026
𝐌𝐀𝐇𝐈𝐆𝐈𝐓 𝟏,𝟗𝟎𝟎 𝐍𝐀 𝐑𝐄𝐒𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐄 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐂𝐎𝐎𝐑 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐍𝐒𝐘𝐀𝐋 𝐒𝐀 𝐓𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐍𝐈 𝐂𝐎𝐍𝐆. 𝐋𝐀𝐍𝐈 𝐌. 𝐑𝐄𝐕𝐈𝐋𝐋𝐀
Sa tulong ni Cong. Lani M. Revilla, natanggap na ng mga Bacooreño ang tulong pinansyal na kanilang inilapit sa tanggapan ng Ina ng Lungsod. Ito ang Burial, Medical, Financial, at Educational Assistance na tulong ni Cong. Lani sa mga Bacooreñong nangangailangan.
Espesyal ang mga estudyante sa kolehiyo dahil natanggap na nila ang 5,000 na Educational Assistance sa tulong ni Cong. Lani M. Revilla na galing sa tulong ng DSWD.
Patuloy ang pag tanggap ni Cong. Lani M. Revilla ng mga Bacooreñong nangangailangan ng tulong pag dating sa pinansyal. (Mag punta lamang sa 3rd Floor ng Bacoor Government Center).