18/09/2026
Mahalagang malaman ng ating mga kabataan kung saan at paano ginagamit ang budget ng Sangguniang Kabataan, lalo na kung paano ito napupunta sa mga programang nakalaan para sa kanilang kapakanan, pangangailangan, at pag-unlad.
Ngayong taon, nakapagbigay ng ulat ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Bagumbayan tungkol sa mga programang naisagawa at mga naging gawain ng bawat committee. Sa pangunguna ni SK Chairperson Ava Victoria, kasama sina SK Kagawad Arlene Suarez, SK Kagawad Basty Santos, SK Kagawad Jeff Padilla, SK Kagawad Ace Punzalan, SK Kagawad Edward Aguila, SK Kagawad RD Decano, SK Treasurer Silvestre Solibel, at SK Secretary Chatlyn David, naibahagi ang mga programang naisakatuparan para sa ating mga kabataan at komunidad.
Ipinakita rin kung paano ginagamit ang resources ng SK para sa iba’t ibang programa tulad ng sports, education, skills training, leadership development, health and wellness, at iba pang aktibidad na nagbibigay ng oportunidad, kaalaman, at suporta sa kabataan.
Ang ulat na ito ay bahagi ng aming commitment sa transparency, accountability, at responsableng paglilingkod. Nais naming maging mas bukas at malinaw sa ating mga kabataan kung paano ginagamit ang pondo at kung paano ito nagiging konkretong programa at serbisyo para sa kanila.
Maraming salamat sa lahat ng kabataang patuloy na nakikilahok, sumusuporta, at nagbibigay ng oras sa mga programa ng Sangguniang Kabataan. Ang inyong aktibong pakikibahagi ang nagbibigay-inspirasyon sa amin na patuloy na gumawa ng mga programang makabuluhan at kapaki-pakinabang.
Maraming salamat sa City Government of Taguig, sa pamumuno ni Mayor Lani Cayetano, na patuloy na nagbibigay ng walang-sawang suporta at magagandang oportunidad para sa mga kabataang Taguigeño.
Salamat din sa Sangguniang Barangay ng Bagumbayan, sa pangunguna ni Kapitana Jane Santos at ng buong Barangay Council, sa patuloy na suporta, pakikipagtulungan, at pag-alalay sa mga programa ng SK.
Patuloy naming sisiguraduhin na ang bawat programa ay may malinaw na layunin, may tunay na pakinabang, at tumutugon sa pangangailangan ng kabataan.
Programang pangkabataan, laging para sa kabataan.🩷
2/2