09/06/2026
Bataan EduChild
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bataan EduChild, Government Organization, Balanga.
09/06/2026
14/04/2026
ππ¨π π¨π¦π§ππππ‘ πππ¦ππ π ππ‘π π ππ πππ¬ πππ₯π πͺπ’π₯πππ₯π¦
Dahil tampok ngayong taon sa ating Bisita Bayan ang EduChild Program, tayo po ay nakipagkumustahan sa 32 Day Care Workers sa bayan ng Orani. Naging isang magandang pagkakataon po ito upang ating mapakinggan ang kanilang mga karanasan gayundin ang mga best practices na kanilang ipinatutupad sa kani-kanilang mga day care centers upang higit pang maging episyente at mapatatag ang ating responsible parenting program.
17/03/2026
Sa ginanap na Iskolar ng Bataan General Assembly and Orientation, ibinahagi ang EduChild Program Overview bilang isang mahalagang inisyatiba na naglalayong palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga magulang at kabataan sa responsableng pagpapalaki ng bata. Binibigyang-diin ng EduChild ang kahalagahan ng positibong pag-aaruga, wastong paggabay, at matibay na ugnayan sa loob ng pamilya upang matiyak ang maayos na pag-unlad ng mga bataβpisikal, emosyonal, at sosyal. Sa pamamagitan ng programang ito, mas napapalalim ang kamalayan ng bawat pamilyang BataeΓ±o sa kanilang mahalagang papel sa paghubog ng mga kabataang magiging responsable, may malasakit, at handang mag-ambag sa pag-unlad ng komunidad at ng buong lalawigan ng Bataan
16/02/2026
Sa bawat pagbisita, may bagong kaalaman at inspirasyon. Sa ating Bisita-Bayan sa Bagac noong February 9, 2026, nakipagpulong si Jose Enrique S. Garcia III at Ron Michael Alexis del Rosario sa mga Child Development Workers upang pag-usapan ang mga best practices at mga hamon sa pagpapatupad ng EduChild Parenting Programβsama-samang kumikilos para sa mas maunlad na kinabukasan ng bawat batang BataeΓ±o.
Sa pamamagitan ng bukas na talakayan at palitan ng karanasan, higit na napagtibay ang ating layunin na palakasin ang suporta sa mga magulang at pamilya, bilang pundasyon ng maayos na paghubog sa kabataan. Patuloy ang ating pagtutulungan upang matiyak na ang bawat programa ay epektibo, inklusibo, at tunay na nakatutugon sa pangangailangan ng komunidad.
10/02/2026
Maraming Salamat po Municipality of Bagac, Bataan
02/02/2026
BISITA BAYAN: EDUCHILD PARENTING PROGRAM SA HERMOSA! πβ¨
βMatagumpay na naisagawa ang facilitation ng EduChild Module 9 sa Little Baguio Child Development Center sa Brgy. Palihan, Hermosa. Sa pangunguna ni DCW Medene Manalansan, muling pinatibay ang kaalaman ng ating mga magulang sa wastong pagpapalaki ng anak.
βKasabay nito, isang Sertipiko ng Pagkilala ang iginawad kay Governor Jose Enrique S. Garcia III bilang pasasalamat sa kanyang walang sawang suporta at dedikasyon sa pagpapatupad ng EduChild Parenting Program sa ating lalawigan.
βMaraming salamat kina Mayor Anne Lorraine Adorable-Inton, MSWDO Chasmalin Francisco, at sa lahat ng mga magulang na nakiisa! π€β€οΈ
β
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
2100
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
