Apo Barang Tagapagligtas

Apo Barang Tagapagligtas

Share

Rescue & Fire Brigade
Barangay Sta. Barbara Baliwag City, Bulacan
EMERGENCY HOTLINE : (0908 818 0418)

Photos from Apo Barang Tagapagligtas's post 19/07/2025

TIGNAN:

JULY 20, 2025
Dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng , kaagad umangat ang level ng tubig sa ilog Angat kaya't ang Baliwag City Disaster Risk Reduction and Management Office at sa tulong ng ating kapitan Kap. Wendell Centeno ay agad nagpatupad ng Pre-Emptive Evacuation at Forced Evacuation sa mga apektadong bahagi ng ating barangay upang masig**o ang kaligtasan ng ating mga residente.

Ang mga lumikas nating mga kabarangay ay pansamantala munang pinatuloy sa itaas ng ating barangay hall.

IN CASE OF EMERGENCY:

APO BARANG TAGAPLIGTAS HOTLINE: 0908-818-0418
BALIWAG CITY HOTLINES: 0917-505-7827 / 0939-999-7827

03/07/2025

WALANG PASOK

SUSPENDIDO ang FACE-TO-FACE CLASSES sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Baliwag, ngayong araw, July 3, Huwebes, simula alas-12 ng tanghali dahil sa epekto ng habagat at low pressure area.

Samantala, ipapatupad ang ONLINE CLASS o DISTANCE LEARNING MODALITY sa lahat ng paaralan upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante.

Patuloy na nagpapaalala ang Pamahalaang Lungsod sa mga Baliwagenyo na manatiling maging alerto sa lagay ng panahon.

π—£π—”π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”: Para sa OFFICIAL ANNOUNCEMENTS and UPDATES, tumutok lang sa BALIWAG CITY PIO, MOMMY SONIA ESTRELLA, at FERDIE ESTRELLA Official page.

Keep safe, Baliwagenyos!

Photos from Apo Barang Tagapagligtas's post 03/07/2025

July 02, 2025

TIGNAN: Tinugunan ng ating butihing kapitan na si Kap. Wendell Centeno ang isang kahilingan ng isa nating kabarangay na may malubhang karamdaman para makauwi mula San Guillermo, Isabela patungong Brgy Sta. Barbara Baliwag City, Bulacan upang mapuntahan nya ang kanyang nanay na namaalam kamakailan lang.

Photos from Apo Barang Tagapagligtas's post 27/06/2025

June 27,2025

TIGNAN: Sumailalim ang buong pamunuan ng Apo Barang Tagapagligtas at iba pang mga volunteers mula sa ibat ibang samahan sa ating barangay sa dalawang araw na Basic Life Support/Standard First Aid Training and Ambulance Management mula June 25 hanggang June 26 at ito ay ginanap sa session hall ng barangay hall at senior park, pinangunahan ito ng mga admins and training officers mula sa Baliwag City Disaster Risk Reduction and Management Office. Taos pusong pasasalamat sa ating butihing kapitan, Kap. Wendell Centeno na nangasiwa para maisagawa ang nasabing training upang mas mahasa pa at madagdagan pa ang mga kaalaman ng ating mga responders at driver para sa mas mabilis at ligtas na pagresponde sa kahit anong uri ng sakuna.

24/06/2025

❗️MAHALAGANG ABISO ❗️

Sa Direktiba ng ating Kapitan, Kap. Wendell M. Centeno, ay pansamantala munang hindi magagamit mula June 25 & 26, 2025 ang ating Ambulansya sa emergency o ano mang uri ng serbisyong medical ng kadahilanang ang buong pamunuan ng Apo Barang Tagapagligtas ay dadalo sa dalawang araw na Standard First Aid/Basic Life Support Training.

Maaari kayong tumawag sa mga numero ng Baliwag PACC o Baliwag Hotline na nakalagay sa ibaba para sa ano mang emergency o serbisyong medical

0917-505-7827
0939-999-7827

Photos from Apo Barang Tagapagligtas's post 20/06/2025

June 20, 2025

TIGNAN: Tinugunan ng ating butihing kapitan Kap. Wendell Centeno ang isang panawagan ng isang concern citizen na matulungan na mapatingin ang isang matanda na naninirahan sa Brgy. Sta. Barbara na kinilalang si Carmelita Dayrit, siya ay napabalitang nagdulas sa kaniyang bahay at nag sanhi ito ng kanyang bukol sa ulo, napag alaman din na siya ay walang kasama sa bahay at kamag anak na kasama kaya't hirap ipatingin ang kalagayan ng nasabing pasyente.

Taos pusong pasasalamat sa mga tumulong upang mapatignan ang pasyente lalong lalo na sa ating City Mayor, Mayor. Ferdie Estrella na agaran ding tumugon sa panawagan ng isang concern citizen

Photos from Apo Barang Tagapagligtas's post 19/06/2025

June 19, 2025

TIGNAN: Naglagay ng karatula na naglalaman ng kung ano ang mga dapat gawin at malaman sa oras ng kalamidad sa ating Barangay Hall ang Baliwag City Disaster Risk Reduction and Management Office, upang mag bigay kaalaman ito sa ating mga kabarangay paano ang kanilang dapat gawin sa oras ng kalamidad.

Photos from Apo Barang Tagapagligtas's post 19/06/2025

June 19, 2025

TIGNAN: Nakiisa ang Apo Barang Tagapagligtas at ang mga studyante at mga g**o mula sa Sta. Barbara Elementary School katuwang ang Baliwag City Disaster Risk Reduction and Management Office sa ginanap na First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill upang mas maging handa at mas maging maalam kung ano ba ang mga dapat gawin sa oras na tumama at makaranas ng hindi inaasahang malakas na lindol. Taos puso din po kaming nagpapasalamat sa aming Kapitan, Kap. Wendell Centeno at sa mga namamahala sa Sta. Barbara Elementary School bilang pakikiisa sa nasabing drill

15/06/2025

Mula po sa Apo Barang Tagapagligtas, isang pagbati ng HAPPY FATHER'S DAY sa lahat ng mga tatay na kinakaya ang lahat para sakanilang mga pamilya lalo na sa aming ama ng barangay Kap. Wendell Centeno saludo po kaming lahat sa mga pagsisikap at sakripisyo nyo sa lahat

Want your business to be the top-listed Government Service in Baliuag?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address

JP. Rizal Street Brgy. Sta. Barbara
Baliuag
3006