Baliwag City - Freedom Wall

Baliwag City  - Freedom Wall

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Baliwag City - Freedom Wall, Social service, 1733 Año, Baliuag.

"Malayang Tinig, Malayang Damdamin - Sa Baliwag City, Bawat Boses ay Mahalaga!"
Walang Papanigan, Patas, Ihayag ang sa Loobin na may Katarungan at Serbisyong Totoo...

09/06/2026

Good Job Snappy Salute PNP 🫡👮🇵🇭

𝗠𝗮𝗵𝗶𝗴𝗶𝘁 𝗣𝟰𝟵𝟬,𝟬𝟬𝟬 𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗻𝗴 𝗱𝗿𝗼𝗴𝗮, 𝗻𝗮𝘀𝗮𝗯𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗴 𝗣𝗡𝗣 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗮𝗵𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻; 𝟮 𝘁𝗶𝗸𝗹𝗼

Dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang naaresto ng mga operatiba ng Baliwag City Police Station sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa noong Mayo 23, 2026 sa lungsod ng Baliwag.

Sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Pagala, nadakip ang suspek na kinilalang alyas “Dave,” 21 taong gulang. Nakumpiska mula sa kaniya ang ilang sachet ng hinihinalang high-grade ma*****na o “kush,” isang v**e device na may hinihinalang ma*****na liquid, mga cartridge na pinaniniwalaang may lamang ma*****na, buy-bust money, at isang motorsiklo na walang plaka.

Tinatayang nasa humigit-kumulang 80 gramo ng ilegal na droga na may standard drug price na Php 120,000.00 ang nasamsam sa operasyon.

Samantala, sa isinagawang checkpoint operation sa DRT Highway, Brgy. Pinagbarilan, naaresto naman ang suspek na kinilalang alyas “Romy,” 47 taong gulang, matapos umanong tangkaing umiwas sa checkpoint at manlaban sa mga awtoridad.

Sa isinagawang lawful search, narekober mula sa kaniya ang isang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng tinatayang 55 gramo at may tinatayang halaga na Php 374,000.00.

Ayon sa pulisya, kapwa dinala ang mga suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) para sa kaukulang laboratory examination at drug testing. Inihahanda na rin ang pagsasampa ng mga kaukulang kaso laban sa mga naarestong suspek.

Ang nasabing operasyon ay matagumpay na naisagawa sa ilalim ng pamumuno ni Baliwag City Acting Chief of Police, PLTCOL Eisbon Llamasares, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa ilegal na droga at kriminalidad sa lungsod.

Samantala, muling pinaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na makiisa sa kampanya laban sa ilegal na droga at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa kanilang lugar.

08/06/2026

FROM THE INBOX 📥




Photos from Baliwag City  - Freedom Wall's post 08/06/2026

FROM THE INBOX 📥

Dito po sana mabigyan ng pansin palagi po traffic pag mayaman at may connection sa taas walang tire lock. Pero pag mahirap bumili lng gamot tire lock agad

May nahagip na pong bata dito dahil sa double parking pero wala nman action

08/06/2026

FROM THE INBOX 📥

P**i shout-out naman po driver nito. SA PINAGKAISAHAN STREET STA BARBARA

Photos from Baliwag City  - Freedom Wall's post 08/06/2026

FROM THE INBOX 📥

Please po sana ma solusyonan napo iting sa Barangay Tiaong. Rivera Tiongson street ginawa napo 1 way parking kung may kasalubong po na 4wheels din ay pahirapan. Lalo napo sa gabi mad marami pa po ang nag papark dyan. Sana naman po sa kapitan ng tiaong sitahin at ipagbawal na po ang mga nag papark sa kalsada. Sobrang abala po. Salamat po.

08/06/2026

FROM THE INBOX 📥

Pa anonymous po. Yung tubig po ng baliwag water district hindi ko alam if affected ba lahat pero sa subdivision namin sobrang lala ng serbisyo nila.

1. Napakabaho as in amoy TAE nakailang report na kami sakanila since 2025 ang ginagawa nilang action mag flushing pero wala namang nangyayari nag sasayang lang tubig.
2. Pag naimbak yung tubig mag lulutangan lahat ng oil. Grabe ito yung talagang nakaka alarm dahil pinapanligo pinapang hugas ng pinagkainan tapos oily pala?

Mahal ang tubig nila sa totoo lang pero ang serbisyo ay bulok wala pa ding solusyon na nangyari simula 2025. Pag bukas ng gripo nangangamoy tae sa buong bahay.

Firstpork homes ang subdivision na sinasabi ko.

08/06/2026

FROM THE INBOX 📥

08/06/2026

FROM THE INBOX 📥

Labanan ng mga sepsep! Vs Marites!

Photos from Baliwag City  - Freedom Wall's post 08/06/2026

FROM THE INBOX 📥

on Going po ang pag sasagawa ng paglilinis sating mga irrigation canal po salamat po



08/06/2026

FROM THE INBOX 📥

Want your business to be the top-listed Government Service in Baliuag?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Address

1733 Año
Baliuag
3006