06/08/2026
π’ PAALALA | BAGONG GABAY NG DEPED SA PAGSUSPINDE NG MGA KLASE
Para sa kaalaman ng lahat, naglabas ang Department of Education (DepEd) ng DepEd Order No. 014, s. 2026 β Guidelines on Learning Continuity in Emergencies, na nagtatakda ng panibagong gabay sa pagsuspinde ng mga klase kapag may bagyo o matinding pag-ulan.
π KAPAG MAY TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL
π’ Signal No. 1
π§ Suspendido ang face-to-face classes para sa Kindergarten.
π‘ Signal No. 2
π« Suspendido ang face-to-face classes mula Kindergarten hanggang Grade 10.
π΄ Signal Nos. 3, 4, at 5
β
Suspendido ang lahat ng face-to-face classes, kabilang ang Alternative Learning System (ALS).
β
Suspendido rin ang trabaho sa lahat ng antas.
π§οΈ KAPAG MAY HEAVY RAINFALL WARNING
π‘ Yellow Rainfall Warning
β’ Maaaring magsuspinde ng klase ang Local Chief Executive (LCE) o iba pang kaugnay na pambansang ahensiya, batay sa aktuwal na sitwasyon.
π Orange Rainfall Warning
β
Suspendido ang lahat ng face-to-face classes, kabilang ang ALS.
β
Suspendido rin ang trabaho sa lahat ng antas.
π΄ Red Rainfall Warning
β
Suspendido ang lahat ng face-to-face classes, kabilang ang ALS.
β
Suspendido rin ang trabaho sa lahat ng antas.
π MAHALAGANG PAALALA
Anuman ang umiiral na Tropical Cyclone Wind Signal o Rainfall Warning, maaari pa ring magdeklara ang Local Government Unit (LGU) ng suspensiyon ng klase kung kinakailangan, batay sa aktuwal na lagay ng panahon at kaligtasan ng kanilang nasasakupan.
π Batay sa DepEd Order No. 014, s. 2026 β Guidelines on Learning Continuity in Emergencies.
π Maging alerto, manatiling ligtas, at laging sundin ang mga opisyal na anunsiyo ng DepEd, LGU, at PAGASA.