Sangguniang Kabataan ng Barangay Pinugay

Sangguniang Kabataan ng Barangay Pinugay Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Kabataan ng Barangay Pinugay, Government Organization, Baras.

Sangguniang Kabataan ng Barangay Pinugay
Baras, Rizal | Official Youth Council

Welcome to the official page of the Sangguniang Kabataan ng Barangay Pinugay — the recognized youth council representing and serving the Kabataang Pinugayeños. Sangguniang Kabataan ng Barangay Pinugay
Baras, Rizal | Official Youth Council

Welcome to the official page of the Sangguniang Kabataan ng Barangay Pinugay — the recognized youth council representing and serving the young people of our community. We are dedicated to empowering Pinugayeño youth through programs and initiatives focused on leadership development, education, sports, cultural awareness, and civic involvement. Stay connected with us for updates on:

Youth-centered projects and activities

Community programs and events

Sports tournaments and competitions

Volunteer and environmental efforts

Announcements, registration details, and opportunities

Together, we build a stronger and more active youth community in Barangay Pinugay.

Mabuhay ang kabataang Pinugay!
07/10/2026

Mabuhay ang kabataang Pinugay!

 : EDUAKSY8N – SCHOOL SUPPLIES DISTRIBUTION YEAR 8Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026, isinagawa ng ...
07/10/2026

: EDUAKSY8N – SCHOOL SUPPLIES DISTRIBUTION YEAR 8

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026, isinagawa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Pinugay ang EDUAKSY8N – School Supplies Distribution Year 8 noong Setyembre 18, 2026.

Namahagi ang SK Pinugay ng mga school supplies sa iba't ibang elementary at high school sa Barangay Pinugay bilang suporta sa mga mag-aaral at bahagi ng patuloy na pagbibigay-halaga sa edukasyon at kabataan.

Kabilang sa mga ipinamahaging school supplies ang tote bags, string bags, notebooks, at ballpens para sa mga mag-aaral.

Naging bahagi ng pamamahagi ang mga sumusunod na paaralan:

Baras Heroesville 2 Elementary School
Baras-Pinugay Elementary School
Baras-Pinugay Integrated High School – SHS
Baras-Pinugay Integrated High School – JHS
Baras-Pinugay Phase 2 National High School
Baras-Pinugay Phase 2 Elementary School
Painaan Elementary School
Pinugay Elementary School
San Roque Elementary School & BPIHS – Annex

Sa loob ng walong taon, patuloy na isinasagawa ang EDUAKSY8N bilang isa sa mga programa ng SK Pinugay na naglalayong makatulong sa mga mag-aaral at mapalakas ang suporta ng kabataan sa edukasyon.

Para sa edukasyon. Para sa kabataan. Para sa Kinabukasang Pinugay.

 : Gawad Kabataang Barasenio 2026Pagbati sa ating mga Kabataang Pinugay na naging bahagi ng Gawad Kabataang Barasenio 20...
06/10/2026

: Gawad Kabataang Barasenio 2026

Pagbati sa ating mga Kabataang Pinugay na naging bahagi ng Gawad Kabataang Barasenio 2026 na ginanap noong Agosto 29, 2026 sa Baras Municipal Gymnasium, bilang bahagi ng pagdiriwang ng !

Pagbati sa ating mga kabataang pinarangalan sa Parangal ng Karunungan at Gawad Yaman ng Bayan bilang pagkilala sa kanilang mga natatanging tagumpay, sipag, at ambag bilang kabataan.

Isang espesyal na pagbati rin sa Coloring Book Hub Community Youth Organization ng Barangay Pinugay sa pagkamit ng 2nd Runner-Up sa Gawad Samahang Pangkabataan!

Ang pagkilalang ito ay patunay ng sipag, dedikasyon, at sama-samang pagkilos ng ating mga kabataan at youth organizations. Tunay na karangalan para sa Barangay Pinugay na makita ang ating mga kabataan at organisasyon na aktibong nakikilahok at naglilingkod sa komunidad.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang mga pagkilalang ito sa mas marami pang Kabataang Pinugayeño na patuloy na mangarap, magsikap, makilahok, at gamitin ang kanilang talento at kakayahan para sa kapwa at sa komunidad.

Maraming salamat sa Pamahalaang Bayan ng Baras, katuwang ang Baras Municipal Youth Development Council (BMYDC) at Baras SK Federation, sa patuloy na paglikha ng mga programang nagbibigay-pagkilala at pagpapahalaga sa mga kabataang Barasenio at sa mga organisasyong nagsisilbi para sa kabataan.

Gayundin, taos-pusong pasasalamat sa Pamahalaang Barangay ng Pinugay sa pagkakaloob ng libreng transportasyon para sa mga Kabataang Pinugayeño na dumalo at nakiisa sa programa. Malaking tulong ito upang mas marami sa ating kabataan ang magkaroon ng pagkakataong maging bahagi ng mga ganitong makabuluhang gawain.

Patuloy nating ipagdiwang ang bawat tagumpay ng ating mga kabataan. Dahil ang bawat karangalan ay hindi lamang tagumpay ng isang indibidwal o organisasyon, kundi karangalan ng buong Barangay Pinugay.

Mabuhay ang Kabataang Pinugay! Mabuhay ang Kabataang Barasenio!!

 : 1st Baras Youth Convention & Youth JamMasayang dumalo, nakiisa, at naging aktibo ang Kabataang Pinugay sa kauna-unaha...
06/10/2026

: 1st Baras Youth Convention & Youth Jam

Masayang dumalo, nakiisa, at naging aktibo ang Kabataang Pinugay sa kauna-unahang Baras Youth Convention & Youth Jam noong Agosto 21, 2026!

Kasama ang iba't ibang kabataan mula sa mga paaralan at community youth organizations sa buong Baras, naging bahagi ang Kabataang Pinugay ng isang makabuluhang pagtitipon na nagbigay-daan upang mapag-usapan ang iba't ibang kwento, karanasan, pananaw, at higit sa lahat, ang iisa nating layunin bilang mga kabataang kaagapay sa kaunlaran.

Aktibong nakinig at nakilahok ang mga kabataan sa iba't ibang talks at talakayan, kung saan nakakuha ng bagong kaalaman, inspirasyon, at mga pananaw na maaari nating dalhin sa ating mga paaralan, organisasyon, at komunidad.

Matapos ang mga makabuluhang talakayan, nakisaya rin ang Kabataang Pinugay kasama ang iba pang kabataan sa Baras Youth Jam. Naging pagkakataon ito upang makapag-bonding, makakilala ng mga bagong kaibigan, at sama-samang ipagdiwang ang pagiging kabataan.

Isang araw ng pagkatuto, pakikipagkaibigan, pakikiisa, at pagkakaisa para sa kabataan ng Baras!

Ang 1st Baras Youth Convention & Youth Jam ay isang programa ng Pamahalaang Bayan ng Baras, katuwang ang Baras Municipal Youth Development Council (BMYDC) at Baras SK Federation.

Maraming salamat din po sa Pamahalaang Barangay ng Pinugay sa pagkakaloob ng libreng transportasyon para sa mga Kabataang Pinugayeño na dumalo at nakiisa sa programa. Malaking tulong po ito upang mas maraming kabataan ang magkaroon ng pagkakataong makadalo at maging bahagi ng ganitong makabuluhang gawain.

Nawa’y hindi magsawa ang Kabataang Pinugay na dumalo, makiisa, at maging aktibo sa mga ganitong programa. Patuloy tayong makilahok, matuto, makipagkaibigan, at maging bahagi ng mga gawaing nagbibigay ng makabuluhang karanasan para sa ating kabataan.

Kabataang Pinugay, patuloy na makiisa at maging kaagapay sa kaunlaran!

23/09/2026
Congratulations, College Graduates and Latin Honors Awardees! 🌟Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng College Graduates a...
22/09/2026

Congratulations, College Graduates and Latin Honors Awardees! 🌟

Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng College Graduates at Latin Honors Awardees ng Batch 2026! Ang inyong tagumpay ay bunga ng walang sawang pagsisikap, dedikasyon, at pagpupursige sa pag-abot ng inyong mga pangarap. Kayo ay tunay na inspirasyon at patunay na ang sipag at tiyaga ay may magandang bunga.

Nawa'y maging simula ito ng mas marami pang oportunidad at tagumpay sa inyong napiling landas. Patuloy ninyong dalhin ang dangal ng inyong pamilya, paaralan, at ng ating mahal na Barangay Pinugay.

📢 College Graduates at Latin Honors Awardees, nais ba ninyong ma-feature sa Kabataang Pinugay Banghusay: Youth Excellence Recognition?

📝 Fill out the form here:
https://forms.gle/VsZpbrr8nLAZEcqn9

Sama-sama nating ipagdiwang ang bawat tagumpay ng Kabataang Pinugay!

22/09/2026

ABISO, MGA KABARANGAY!

Ang Sitio Cinco Covered Court ay kasalukuyang under renovation at pansamantalang hindi magagamit.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

22/09/2026
Congratulations Graduates and Board Exam Passers! Hinihikayat namin kayong mag-submit ng inyong accomplishment gamit ang...
22/09/2026

Congratulations Graduates and Board Exam Passers!

Hinihikayat namin kayong mag-submit ng inyong accomplishment gamit ang form na ito. Ang bawat detalye ay mahalaga para sa mas tumpak na pagkilala sa inyo at sa inyong kontribusyon sa Barangay Pinugay.

Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng Kabataang Pinugay Banghusay! I-click lamang ang link at kumpletuhin ang form upang maipagdiwang at maibahagi ang inyong kwento ng tagumpay. Sama-sama nating ipakita ang galing at dedikasyon ng Kabataang Pinugay!

Form: https://forms.gle/VsZpbrr8nLAZEcqn9

Maraming Salamat po! Taas Noo, Kabataang Pinugayeño!
21/09/2026

Maraming Salamat po! Taas Noo, Kabataang Pinugayeño!

Address

Baras

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Barangay Pinugay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share