Barangay Silahis, Orani, Bataan

Contact the organization

Barangay Silahis, Orani, Bataan Barangay Silahis in Orani, Bataan

BARANGAY SILAHIS TRICK OR TREAT (YEAR 6)Maraming-maraming salamat po sa lahat ng  nagbigay at nagbahagi ng treats para s...
30/10/2026

BARANGAY SILAHIS TRICK OR TREAT (YEAR 6)

Maraming-maraming salamat po sa lahat ng nagbigay at nagbahagi ng treats para sa ating mga Batang Silahis!

Barangay Silahis Weekly Clean-Up October 24, 2026Maraming Salamat po sa lahat ng nakiisa!        Barangay Silahis Weekly...
25/10/2026

Barangay Silahis Weekly Clean-Up
October 24, 2026

Maraming Salamat po sa lahat ng nakiisa!





Barangay Silahis Weekly Clean-Up

ORANI DENTAL BUS, NARITO NA!Magandang araw po, mga kabarangay!Handog ng Pamahalaang Bayan ng Orani, magkakaroon ng libre...
20/10/2026

ORANI DENTAL BUS, NARITO NA!

Magandang araw po, mga kabarangay!

Handog ng Pamahalaang Bayan ng Orani, magkakaroon ng libreng dental services para sa mga residente ng Barangay Silahis at Barangay Wawa sa Oktubre 25, 2026 (Linggo), mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, sa tapat ng Barangay Wawa Health Center.

Mga serbisyong maaaring makuha:
- Pabunot ng ngipin – para sa lahat ng edad, limitado sa 30 katao.
- Fluoride application – para sa mga batang edad 12 pababa.

MGA PAALALA:
- Magdala po ng valid ID.
- FIRST COME, FIRST SERVED po ang pagbibigay ng serbisyo kaya HINDI PO KAILANGANG MAGPALISTA.
- Pagkatapos kunan ng vital signs, hinihiling po sa lahat na manatili sa pila at hintayin ang kanilang pagkakataon. Pakiusap po na huwag munang umalis sa pila upang maging maayos at tuloy-tuloy ang pagbibigay ng serbisyo.
- Magdala po ng inuming tubig, pamunas, at tissue.

Mula po sa Barangay Silahis, maraming salamat sa Pamahalaang Bayan ng Orani at sa buong Orani Dental Team sa handog na libreng serbisyong dental na malaking tulong sa pangangalaga sa kalusugan ng aming mga kabarangay. Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong malasakit at patuloy na suporta sa aming komunidad!

Barangay Silahis Weekly Clean-Up October 16, 2026Maraming Salamat po sa lahat ng nakiisa!        Barangay Silahis Weekly...
18/10/2026

Barangay Silahis Weekly Clean-Up
October 16, 2026

Maraming Salamat po sa lahat ng nakiisa!





Barangay Silahis Weekly Clean-Up

BARANGAY ASSEMBLY DAY | 2ND SEMESTER – CY 2026Oktubre 17, 2026Ricardo Gomez, Sr. Multi-Purpose Hall“Tayo na sa Barangay ...
18/10/2026

BARANGAY ASSEMBLY DAY | 2ND SEMESTER – CY 2026
Oktubre 17, 2026
Ricardo Gomez, Sr. Multi-Purpose Hall

“Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad.”

Nakiisa sa pagtitipon ang ating mga kabarangay upang makinig sa mga ulat, makakuha ng mahahalagang impormasyon, at maging bahagi ng mga usaping may kinalaman sa ating barangay.

Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa DILG, MSWD, PNP, BFP, at RHU upang magbahagi ng mahahalagang impormasyon, paalala, at kaalaman na makatutulong sa ating mga residente tungkol sa mga programa, serbisyo, kaligtasan, at kalusugan ng komunidad.

Maraming salamat po sa lahat ng dumalo, sa ating mga panauhin, at sa lahat ng nakiisa upang maging makabuluhan ang pagtitipong ito.

PAANYAYA SA 2ND SEMESTER BARANGAY ASSEMBLYInaanyayahan po namin ang lahat na dumalo sa ating 2nd Semester Barangay Assem...
16/10/2026

PAANYAYA SA 2ND SEMESTER BARANGAY ASSEMBLY

Inaanyayahan po namin ang lahat na dumalo sa ating 2nd Semester Barangay Assembly sa Sabado, Oktubre 17, 2026, ganap na alas-3 ng hapon sa Ricardo Gomez, Sr. Multi-Purpose Hall.

Sama-sama po tayong makinig, magbahagi ng saloobin, at makiisa para sa ikabubuti ng ating barangay.

Hinihikayat din po natin ang ating mga kabataan na dumalo upang magkaroon sila ng mas malawak na kaalaman at kamalayan sa mga usapin at programa ng barangay. Malaking bagay ang inyong pagdalo at pakikilahok bilang mga mamamayan, anuman ang edad, dahil bawat isa ay may mahalagang papel sa pag-unlad ng ating barangay.

Paalala lang po, magdala ng sariling inumin.

Maraming salamat po at magkita-kita po tayo bukas!

Barangay Silahis Weekly Clean-Up October 12, 2026Maraming Salamat po sa lahat ng nakiisa!        Barangay Silahis Weekly...
11/10/2026

Barangay Silahis Weekly Clean-Up
October 12, 2026

Maraming Salamat po sa lahat ng nakiisa!





Barangay Silahis Weekly Clean-Up

SUBMISSION NG PROPOSED ANNUAL BUDGET PARA SA CY2027Noong October 5, 2026, pormal na isinumite ng Punong Barangay sa Sang...
07/10/2026

SUBMISSION NG PROPOSED ANNUAL BUDGET PARA SA CY2027

Noong October 5, 2026, pormal na isinumite ng Punong Barangay sa Sangguniang Barangay ang Proposed Annual Budget para sa Calendar Year 2027, na may kabuuang halagang ₱3,250,912.00.

Ang budget na ito ay magsisilbing gabay sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto at serbisyong kailangan ng ating mga kabarangay sa darating na taon.

UPDATED BARANGAY FULL DISCLOSURE BOARD Ang Barangay Full Disclosure Board (BFDB) ng Barangay Silahis ay updated na para ...
07/10/2026

UPDATED BARANGAY FULL DISCLOSURE BOARD

Ang Barangay Full Disclosure Board (BFDB) ng Barangay Silahis ay updated na para sa 3rd Quarter ng taong 2026.

Ang Full Disclosure Board ay naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga kita, gastos, paggamit ng pondo, mga proyekto at iba pang financial transactions ng barangay. Layunin nito na maging bukas at malinaw sa ating mga kabarangay kung paano ginagamit at pinamamahalaan ang pondo ng barangay.

Inaanyayahan po namin ang lahat na makita, basahin at kilatisin ang mga nakapaskil sa ating Full Disclosure Board. Bukas po ito para sa ating mga kabarangay bilang bahagi ng ating commitment sa transparency, accountability at maayos na pamamahala.

Barangay Road Clearing Operation October 2, 2026Patuloy ang pagpapanatili ng one-side parking sa Barangay Silahis para m...
06/10/2026

Barangay Road Clearing Operation
October 2, 2026

Patuloy ang pagpapanatili ng one-side parking sa Barangay Silahis para mas maging maayos at maluwag ang ating kalsada.

Nakikiusap po kami sa lahat na huwag maglagay ng anumang sagabal sa daanan at panatalihing maayos ang pagkakaparada ng mga sasakyan.

Address

Orani
Bataan
2112

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Silahis, Orani, Bataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Silahis, Orani, Bataan:

Shortcuts

Share

Nearby government services