01/06/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Patuloy na pinagtitibay ang adhikain para sa ng bawat Batangueรฑo sa pamamagitan ng isinagawang Handog Kalusugan: Medical and Dental Mission ng Progreen Agricorp Inc. at Megaworld Foundation, sa pakikipag-ugnayan sa Provincial Health Office, nitong Mayo 29, 2026 sa Nasugbu, Batangas.
Layunin ng programang ito na mailapit ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan sa komunidad at mabigyan ng agarang atensyong medikal at dental ang mga mamamayan. Sa nasabing aktibidad, umabot sa 233 katao ang nabigyan ng serbisyong medikal habang 81 katao naman ang nakatanggap ng serbisyong dental.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga katuwang na institusyon at mga health workers, mas maraming residente ang nabigyan ng pagkakataong mapangalagaan ang kanilang kalusugan. Ang ganitong mga programa ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng iba't ibang sektor sa paghahatid ng dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa lahat.
01/06/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐ข๐๐ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก! ๐
Ngayong Pride Month, ipinagdiriwang natin ang pagkakaiba-iba, pagkakapantay-pantay, at karapatan ng bawat isa na mabuhay nang may dignidad at respeto.
Ang kalusugan ay para sa lahat. Anuman ang kasarian, gender identity, gender expression, o sexual orientation, bawat indibidwal ay may karapatang makatanggap ng ligtas, dekalidad, at inklusibong serbisyong pangkalusugan.
Patuloy nating isulong ang isang komunidad na walang diskriminasyon, may malasakit, at nagtataguyod ng Matatag na Kalusugan para sa lahat. Sa pamamagitan ng pagkakaisa, paggalang, at pagtanggap, mas mapapalakas natin ang kalusugan at kapakanan ng bawat Batangueรฑo.
๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ณ๐๐๐๐.
31/05/2026
๐๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐๐ฎ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ ๐๐ฌ๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐๐ซ๐ญ๐๐ซ ๐๐จ๐ง๐จ๐ซ๐๐ซ๐ข๐ฎ๐ฆ ๐๐ญ ๐๐ข๐ ๐๐ฌ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ ๐๐ญ ๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ญ ๐๐๐๐ฅ
Patuloy na pinangungunahan ni Governor Vilma Santos-Recto ang mga programang nagbibigay-pugay at suporta sa ating mga Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholars sa ilalim ng HEARTS Program, bilang bahagi ng layunin ng pamahalaang panlalawigan na maisulong ang isang .
Ngayong ika-31 ng Mayo 2026, sa pangunguna ng Provincial Health Office, sa pamumuno ni Dr. Gerald Alday, OIC-PHO, isinagawa ang 1st and 2nd Quarter Distribution of Honorarium and Rice para sa mga BHW at BNS ng mga bayan ng Nasugbu at Taal.
Kabuuang ๐ณ๐ฏ๐ฌ ๐๐๐ช ๐ฎ๐ ๐ญ๐ฌ๐ฒ ๐๐ก๐ฆ ang nakatanggap ng kanilang honorarium bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa pagpapanatili ng kalusugan at nutrisyon sa kani-kanilang mga komunidad. Kasabay nito, namahagi rin ng bigas sa ilalim ng Bawat Bayan Makikinabang Program, bilang dagdag na suporta at pasasalamat sa kanilang walang sawang paglilingkod.
Sa pamamagitan ng mga programang ito, muling pinagtitibay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang pagpapahalaga sa mga frontliners ng komunidad na nagsisilbing katuwang sa paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan at pangnutrisyon. Patunay ito ng patuloy na malasakit at pagkalinga ng pamahalaan para sa kapakanan ng bawat Batangueรฑo tungo sa mas malusog, mas matatag, at mas maunlad na lalawigan.
29/05/2026
| Thunderstorm Advisory No. 11
Issued at: 2:54 AM, 30 May 2026(Saturday)
Moderate to heavy rainshowers with lightning and strong winds are being experienced in Batangas(Batangas City, San Pascual, Bauan, San Luis, Alitagtag, Cuenca, San Jose, Ibaan, Mabini, Tingloy, Rosario, Mataasnakahoy, Lipa, Calatagan) and Quezon which may persist within 2 hours and may affect nearby areas.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1DeFHdKLf1/
29/05/2026
๐๐ ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฒ ๐๐๐ฅ๐๐ฌ๐๐ค๐ข๐ญ: ๐๐๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ฉ๐ ๐๐ข๐ญ๐ฒ
Patuloy na inilalapit ng Provincial Health Office, sa pamumuno ni Dr. Gerald Alday, OIC-PHO, ang serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan sa pamamagitan ng isinagawang Dental Mission ngayong Mayo 29, 2026 sa Brgy. Munting Pulo, Lipa City.
Sa pakikipag-ugnayan sa Triskelion De Lipa, Lipa City Grand Council, at sa suporta ni Konsehal Nicole Ronquillo, matagumpay na nakapagbigay ng libreng serbisyong dental sa kabuuang ๐ด๐ฌ ๐ฝ๐ฎ๐๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ mula sa komunidad.
Layunin ng gawaing ito na mapangalagaan ang kalusugan ng bawat Batangueรฑo, lalo na ang wastong pangangalaga sa ngipin at bibig na mahalagang bahagi ng pangkalahatang kalusugan.
Patuloy ang adhikain ng Provincial Health Office na isulong ang para sa lahat.