01/06/2026
BRIGADA ESKWELA 2026
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay San Jose Sico, Batangas City, Government Organization, San Jose Sico, Batangas City.
01/06/2026
BRIGADA ESKWELA 2026
27/05/2026
Check this πππ
15/05/2026
π’ PAALALA SA MGA RESIDENTE
Magkakaroon po ng HOUSE-TO-HOUSE na pag-uupdate ng Records of Barangay Inhabitants ng ating Barangay sa mga susunod na araw. Kaugnay nito, hinihiling po namin ang inyong pakikiisa at kooperasyon sa pagbibigay ng tama at updated na impormasyon sa ating mga awtorisadong barangay personnel.
Inaanyayahan din po namin ang lahat ng residente - Household Head na hindi pa nakakapag-KYC (Know Your Customer) Program ng Lungsod na magparehistro na sa Mayorβs Action Center tuwing Lunes hanggang Huwebes.
Gayundin, hinihikayat po namin ang lahat ng kwalipikadong residente na hindi pa rehistrado sa COMELEC na magparehistro na upang maging ganap na botante.
Ang mga ito ay mahalagang requirement upang maging maayos ang proseso ng pamamahagi ng ayuda at iba pang programa ng LGU. Sa pamamagitan ng updated at kumpletong records, maiiwasan natin ang mga problema at aberyang madalas nararanasan tuwing may distribution ng ayuda.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta.
β MGA OPISYAL NG BARANGAY
π₯ PAALALA SA LAHAT NG RESIDENTE π₯
Mag-ingat po tayo at maging responsable.
Kakatapos lamang po nating maapula ang isang grassfire sa ating barangay. Mabuti na lamang at agad itong naagapan bago pa lumala.
Pinaaalalahanan po ang lahat na:
β’ Iwasan ang pagsisiga lalo na sa tuyong damuhan
β’ Huwag magtapon ng upos ng sigarilyo kung saan-saan
β’ Siguraduhing walang naiwang apoy o bagay na maaaring pagmulan ng sunog
β’ Agad i-report sa barangay o awtoridad kung may makikitang usok o apoy
Ang kaunting pag-iingat ay malaking tulong upang maiwasan ang sunog at mapanatiling ligtas ang ating komunidad.
Makiisa po tayo para sa kaligtasan ng bawat isa. ππ
13/05/2026
Magandang araw po! Mga ka Brgy. Kayo po ay aming iniimbitahan upang dumalo sa gaganapin po naming Pre-Membership Education Seminar (PMES). Ng (SIDC)
Mag kita-kita po tayo sa Brgy. Hall MAY 15 2026 araw ng FRIDAY ng Umaga sa ganap na 09:00 AM ng umaga! Maraming Salamat po.
Halika na kilalanin ang pinakamalaking Agri-Based na kooperatiba ng bansa. "Sa SIDC ikaw ay kamay-ari. Sa kita, ikaw ay kabahagi!
MAGANDANG UMAGA PO
REMINDER LANG PO.
BUKAS PO ANG SCHEDULE NG ATING LIBRENG TULI. BEFORE 8AM KAILANGAN NASA NAZARETH NA PO KAYO. BARANGAY PO ANG SUSUNDO SA INYO PAGKATAPOS.
MARAMING SALAMAT PO
π LIBRENG TULI 2026 π
Magandang balita para sa ating mga kabataan!
π
May 12, 2026
β° 8:00 AM
π Nazareth Hospital
βοΈ Libre ang serbisyo
βοΈ May kasamang basic check-up
βοΈ Unahan sa slots kaya magparehistro na agad!
π Paalala:
Magdala ng sariling tuwalya at malinis na damit
Kumain muna bago pumunta
Sumama ang magulang o guardian
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa inyong Kagawad Imelda Manalo.
π£ PAANYAYA SA PAGPUPULONG π£
Magandang araw!
Inaanyayahan po ang lahat ng college graduating students at kanilang mga magulang/guardian na dumalo sa isang mahalagang pagpupulong.
π
Petsa: April 22, 2026
β° Oras: 6:00 PM
π Lugar: Barangay Multi-Purpose Hall
Ang layunin ng pagpupulong na ito ay talakayin ang mahahalagang usapin na may kinalaman sa ating mga kabataan at komunidad. Mahalaga po ang inyong presensya at pakikiisa.
Your attendance is a must!!!
Maraming salamat po!
Paki-mention ng mga kakilala ninyo na graduation college student. π«‘
18/04/2026
π Malugod na Pagbati! π
Binabati namin ang lahat ng matagumpay na tumanggap ng Banal na Binyag sa ating Libreng Binyag program. Nawaβy maging simula ito ng mas malalim ninyong paglalakbay sa pananampalataya at patuloy na paggabay ng Diyos sa inyong buhay. π
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na gawaing itoβsa aming mga katuwang mula sa simbahan, sa Sangguniang Barangay, sa mga volunteers, sponsors, at sa bawat tumulong sa anumang paraan. Ang inyong malasakit at pagkakaisa ang naging susi upang maisakatuparan ang programang ito para sa ating komunidad.
Maraming salamat at mabuhay tayong lahat! π
17/04/2026
πππππππ ππππππ:
π―πππ
ππ ππ πΊππππππππππ π©πππππππ ππ πΊππ π±πππ πΊπππ ππ ππ πππππππππππππ ππ π΄πππ π―πππ π»ππππππ π·πππππ ππ ππ π²ππππππ π
π πΊππ π±πππ
April 18, 2026
Sabado
8:30 ng umaga
de San Jose, San Jose Sico - Proper
MGA PAALALA:
- Dumating 30 minuto bago ang nasabing oras ng binyag para maayos ang seating arrangement.
- Magsuot nang naayon sa pagdiriwang. PUTI sa mga bibinyagan at huwag magsuot ng mga maiikli o anumang hayagang kasuotan.
- Dalhin ang mga gamit pang Binyag tulad ng kandila, booklet at iba pang gamit sa rito ng Binyag.
- Magdala ng tubig at pamaypay upang maibsan ang ang init ng panahon.
- Panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa loob at labas ng Kapilya de San Jose.
- Dumalo ng may kababaang-loob at kapanatagan sa gaganaping pagdiriwang ng Banal na Misa.
Ang lahat ng mga magulang ng 19 na batang bibinyagan ay pinakikiusapan na tumugon at hinihingi ang inying kooperasyon sa mga nasabing paalaala. Maraming Salamat po.