Kuya KIKO TEGON

Kuya KIKO TEGON

Share

Public Figure

23/04/2025

“Sa bawat kanto ng Batangas City, iba-iba ang taong aking nakakausap — may magulang na nangangambang hindi makakapasok sa kolehiyo ang anak, may senior citizen na hirap bayaran ang buwis sa bahay, may tindero’t tindera sa palengke na pagod na sa taon-taong abala ng business permit renewal. Sa lahat ng ito, iisa ang sigaw: kailangan nila ng lider na tunay na nakikinig at kumikilos. Ang bawat kwento nila ang nagbibigay lakas sa akin para ituloy ang laban para sa Totoong Serbisyo — isang pamahalaan na hindi lang naririnig ang problema, kundi aktwal na may ginagawa para solusyonan ito

14/04/2025
Photos from Kuya KIKO TEGON's post 28/02/2025

Nagkaroon ng mahalagang pagpupulong ang sektor ng agrikultura mula sa Batangas Province sa pangunguna ng Magigiting na Magsasakang Batangueño kasama ang Provincial Corn & Cassava Farmers Association, sa pamumuno ni Engr. Francisco Tegon at ang opisina ni Cong. Nikki Briones ng AGAP Partylist.

Sa pulong na ito, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa ng sektor ng mga magsasaka at mangingisda upang mapalakas ang kanilang boses at kakayahan sa pagharap sa mga hamong kinakaharap ng agrikultura. Napag-usapan ang mga konkretong hakbang upang mapabuti ang suporta sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng ating pagkain—kabilang ang mas matibay na ugnayan sa gobyerno, mas madaling access sa pautang, subsidiya, at modernong teknolohiya, pati na rin ang proteksyon laban sa mga pagsubok tulad ng pabago-bagong klima at hindi patas na kompetisyon sa pamilihan.

Ang pagsusulong ng Food Security Program ay hindi lamang tungkol sa produksyon kundi pati na rin sa pagbibigay ng sapat at abot-kayang pagkain para sa bawat Batangueño. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at tunay na serbisyong may malasakit, sisiguraduhin natin na walang Batangueño ang magugutom at masisiguro ang kinabukasan ng ating agrikultura.

"Kiko Tegon para sa Totoong Serbisyo"—Para sa mas maunlad at matatag na sektor ng agrikultura sa Batangas!

Want your business to be the top-listed Government Service in Batangas City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Batangas City