DSWD KC Pag Abot Brgy. Wawa Batangas City

DSWD KC Pag Abot Brgy. Wawa Batangas City

Share

Empower communities through community driven development (CDD) approach

Photos from DSWD KC Pag Abot Brgy. Wawa Batangas City's post 15/07/2025

Noong Hulyo 1-2, 2025, matagumpay na isinagawa ang Grievance Redress System (GRS) Orientation/Training sa ilalim ng KALAHI-CIDSS PAG-ABOT Program katuwang ang mga miyembro at kinatawan ng City Grievance Committee. Layunin ng pagsasanay na ito na linangin ang kaalaman at kasanayan ng mga community volunteers at barangay officials, sa maayos, patas, at sistematikong pamamahala ng mga hinaing, reklamo, o isyu na maaaring lumitaw sa pagpapatupad ng mga proyekto sa komunidad.

Ang GRS ay isang mahalagang bahagi ng Community-Driven Development (CDD) approach ng DSWD, na naglalayong tiyakin ang transparency, accountability, at partisipasyon ng mga mamamayan sa bawat yugto ng implementasyon ng proyekto.

Photos from DSWD KC Pag Abot Brgy. Wawa Batangas City's post 15/07/2025

Matagumpay na isinagawa noong ika 25-27 ng Hunyo, 2025 ang tatlong araw na Community Volunteers Training sa Session Hall, Brgy. Wawa na dinaluhan ng Sangguniang Barangay, mga piling boluntaryo mula sa barangay at ng mga kinatawan ng City Local Government Unit mula sa City General Services Office, City Engineers Office at City Accounting Office.

Ang tatlong araw na pagsasanay ay isinagawa sa layuning palalimin ang kaalaman at kasanayan ng mga community volunteers at Sangguniang Barangay sa larangan ng participatory governance, community-driven development (CDD), at epektibong implementasyon ng mga proyekto ng programa. Layunin din nitong ihanda ang mga kalahok na maging aktibong katuwang sa pagpapatupad ng mga interbensyong pangkomunidad.

Photos from DSWD KC Pag Abot Brgy. Wawa Batangas City's post 15/07/2025

Isinagawa ang City Inter-Agency Committee (CIAC) Technical Review noong ika-10 ng Hunyo, 2025 sa City Engineers Office, Batangas City, Batangas. Ito ay nilahukan ng mga miyembro at kinatawan ng CIAC, Sangguniang Barangay ng Wawa at KALAHI Staff.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong masuri ang pagiging tama, pagkakakumpleto ng mga dokumento sa Request for Fund Release folder ng Barangay Wawa para sa isinusulong na panukalang proyekto.

Photos from DSWD KC Pag Abot Brgy. Wawa Batangas City's post 03/07/2025

Bilang bahagi ng paghahanda ng mga dokumento sa pagbaba ng pondo, aktibong lumahok ang Sangguniang Barangay ng Wawa at mga itinalagang Community Volunteers kasama ang mga resource person mula sa DSWD Regional Office sa dalawang araw na pagsasanay ng Project Development Workshop noong ika 15-16 ng Mayo, 2025 sa Session Hall ng Barangay Wawa.

Ang pagsasanay na ito ay nagsisilbing gabay sa komunidad upang maihanda ang mga kinakailangang papel sa Request for Fund Release para sa proyektong: Construction of Canal with Cover.

Photos from DSWD KC Pag Abot Brgy. Wawa Batangas City's post 03/07/2025

Inilahad ang mga naging resulta ng Participatory Situational Analysis sa isang Barangay Assembly na ginanap noong ika-6 ng Mayo,2025 sa Barangay Covered Court ng Barangay Wawa, Batangas City, Batangas.

Pinangunahan ito ng Sangguniang Barangay ng Wawa kasama ang mga staff mula sa DSWD KALAHI CIDSS Pag-Abot.

Photos from DSWD KC Pag Abot Brgy. Wawa Batangas City's post 03/07/2025

Participatory Situational Analysis
Session Hall, Brgy. Wawa, Batangas City
April 23-25, 2025

Photos from DSWD KC Pag Abot Brgy. Wawa Batangas City's post 16/04/2025

Isinagawa ang kauna-unahang Barangay Development Council (BDC) Meeting para sa programa ng DSWD KC-Pag Abot sa Barangay Wawa, Batangas City noong ika-11 ng Abril, 2025.

Ito ay nilahukan ng BDC Members: Sangguniang Barangay sa pangunguna ng Pangulo ng Brgy Wawa, Hon. Restituto D. Roce, mga kinatawan ng Civil Society Organizations (CSOs), gayundin ang mga staff mula sa KALAHI CIDSS Pag Abot at mga community representatives per sitio.

Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang layunin ng programa at mga tatahaking proseso sa implementasyon ng KC Pag Abot sa Brgy. Wawa.

Bilang pormal na pagtanggap ng Barangay Wawa sa programa ng DSWD KALAHI CIDSS Pag-Abot, nagpasa ng resolution sa pagtanggap ng barangay sa programa ng DSWD, pagtanggap ng Community Grant Allocation na nagkakahalaga ng 4,166,666.66 at pagbuo ng komitiba para sa Grievance and Redress System.

Sa pagtatapos ng pagpupulong ay nagkaroon ng Pangako ng Pagsuporta ang lahat ng dumalo para sa programa ng DSWD KALAHI CIDSS Pag Abot.

Photos from Palakat Batangas City's post 10/04/2025
Want your business to be the top-listed Government Service in Batangas City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Brgy Wawa
Batangas City
4200