NFA Southern Tagalog Region

NFA Southern Tagalog Region

Share

This is the Official page of NFA Region IV

07/06/2026

STAY UPDATED with the latest news, programs, announcements, and activities of the National Food Authority.

Follow and like the official page of the 𝐍FA to get verified updates straight from the source.

Your support helps us reach more Filipinos and share important information on rice, food security, and NFA initiatives across the country.

Photos from NFA Southern Tagalog Region's post 06/06/2026

Kasunod ng isinagawang monitoring sa implementation ng P20 RICE program sa bayan ng Infanta noong Hunyo 3, 2026, nagtungo si Administrator Larry R. Lacson sa mga tindahan ng bigas sa palengke para naman magmonitor ng presyo.

Dito ay pinaalalahanan niya ang mga retailers tungkol sa P50.00/kg price cap na ipinatutupad ng Department of Agriculture sa imported rice alinsunod sa Executive Order No. 118 na may petsang May 13, 2026.


Photos from NFA Southern Tagalog Region's post 05/06/2026

Bahagi ng pagbisita ni Administrator Larry R. Lacson sa GID Warehouse sa Infanta, Quezon ang personal na pag-inspeksyon sa operasyon ng P20 Bigas Meron Na Program ng Pangulo na kasalukuyang pinatatakbo ng Infanta-General Nakar Producers Cooperative.

Sa kanyang pakikipag-usap sa namamahala dito, inalam niya ang kasalukuyang sistema ng pamamahagi at nagbigay ng mga mungkahi upang mas mapabilis ang distribusyon sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Sa pagbisitang ito personal ding nasaksihan ni Administrator Lacson ang dami ng mamamayan na nangangailagan ng abot-kayang bigas ng gobyerno.


Photos from NFA Southern Tagalog Region's post 05/06/2026

PAGTIYAK SA SEGURIDAD SA PAGKAIN: NFA ADMINISTRATOR LARRY R. LACSON , NAG INSPEKSYON NG MGA BODEGA SA INFANTA AT POLILIO, QUEZON

Patuloy ang ginagawang inspeksyon ni Administrator Larry R. Lacson sa mga bodega at pasilidad ng NFA upang matiyak na nasa mabuting kondisyon ang mga ito. Sa loob ng dalawang araw, mula June 3-4, 2026 binisita ni Administrator Lacson ang GID Warehouse sa Infanta at FLGC Warehouse sa isla ng Polillo, sa Quezon.

Layunin ng kanyang pagbisita na personal na masuri ang mga opisina, mga bodega at iba pang pasilidad, masiguro ang mataas na kalidad ng mga palay at bigas, at direktang makausap ang mga empleyado upang alamin ang mga pangangailangan ng branch office.

Bahagi ito ng kanyang dedikasyon na mas higit pang mapahusay ang mga programa ng ahensya at itaguyod ang katapatan at pananagutan sa serbisyo publiko.


Photos from NFA Southern Tagalog Region's post 02/06/2026

NFA, PORMAL NANG LUMAGDA SA KONTRATA PARA SA SUPPLY NG PEST CONTROL CHEMICALS SA REGION IV NGAYONG 2026

Opisyal nang nilagdaan ngayong araw ng National Food Authority (NFA) Regional Office IV ang mga kontrata para sa pagbili ng mga pest control chemical upang matiyak ang kalidad at kaligtasan ng rice buffer stock.

Ang kasunduan ay pinagtibay ni Regional Manager Beverly M. Navarro kasama ang mga kinatawan ng Diversified Agrochemicals Trading Corp., A & B Summit Distribution, Inc., at Alog & Company, Inc. Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng NFA na mapanatiling malinis at ligtas ang mga stock sa loob ng mga bodega hanggang sa maipamahagi ang mga ito.

31/05/2026

Balita mula sa Brigada News FM Batangas

Sinuri ni National Food Administrator Larry Lacson ang kondisyon at kalidad ng mga nakaimbak na palay at bigas sa mga bodega ng ahensya kabilang ang NFA Oriental Mindoro.

Bahagi ito ng patuloy na hakbang ng pamahalaan upang matiyak ang seguridad sa pagkain at maayos na pamamahala ng suplay ng bigas sa bansa. Nakipagpulong din si Lacson sa mga nakatalagang kawani upang alamin ang kalagayan ng operasyon sa mga pasilidad ng ahensya.

Sa pamamagitan ng monitoring masisiguro ang sapat at dekalidad na suplay ng bigas para sa mga mamamayan.

31/05/2026

Dedication in action. Despite a demanding schedule, NFA Administrator Larry R. Lacson made time to visit and personally inspect the branch office and warehouses in Oriental Mindoro, underscoring the Agency's commitment to efficient, continuous public service.

Photos from NFA Larry Lacson's post 28/05/2026

Upang matiyak ang seguridad sa pagkain ng bansa, patuloy na nagsasagawa ng inspeksyon si Administrator Larry R. Lacson sa mga bodega ng NFA kabilang ang NFA Oriental Mindoro sa Region IV upang personal na masuri ang kondisyon at kalidad ng mga nakaimbak na palay at bigas, gayundin direktang makausap ang mga nakatalagang kawani nito.


25/05/2026

Patuloy ang NFA Region IV sa pamimili ng palay mula sa mga lokal na magsasaka sa presyong itinakda sa ilalim ng flexible Price Range Scheme (PRICERS) ng ahensya.


Want your business to be the top-listed Government Service in Batangas City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Batangas City