Sangguniang Kabataan - Brgy. Pinagkurusan Alitagtag

Sangguniang Kabataan - Brgy. Pinagkurusan Alitagtag Official Page of Sangguniang Kabataan - Barangay Pinagkurusan, Alitagtag, Batangas

18/10/2026

📢 OFFICIAL STATEMENT

SANGGUNIANG BARANGAY & SANGGUNIANG KABATAAN

Brgy. Pinagkurusan, Alitagtag, Batangas

NOTICE OF CANCELLATION OF BINGO GAMES FOR A CAUSE🎄

Ang Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Brgy. Pinagkurusan ay nais ipabatid sa ating mga kabarangay na ang nakatakdang Bingo Games for a Cause sa November 21, 2026 ay pansamantala munang hindi itutuloy.

Ito ay kasunod ng naging pagpupulong at pagtalakay kaugnay ng inilunsad na Christmas Decoration Contest ng ating Local Government Unit (LGU), na naglalayong makabuo ng mga dekorasyong pamasko gamit ang recycled materials. Kaugnay nito, napagkasunduan na pansamantala munang ipagpaliban ang bingo activity upang maiayon ang ating mga susunod na hakbang sa napag-usapang direksyon para sa Christmas Decorations Project.

Humihingi kami ng inyong pang-unawa at taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng nagpakita ng suporta at interes sa proyektong ito. Ang inyong pakikiisa ay mahalaga sa bawat inisyatibang naglalayong makapagbigay ng mas masaya at makabuluhang Pasko para sa ating barangay.

Para sa mga susunod na anunsyo at updates, manatiling nakatutok sa ating official page.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pag-unawa at suporta!❤️

Sama-sama nating isulong ang isang makulay, makabuluhan, at makakalikasang Pasko sa Pinagkurusan!♻️🎄

— Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Brgy. Pinagkurusan

Ilang araw na lang, Pasko na!🎅 At kapag magpapasko, magpapa-BINGO!❤️Ngayong taon, sama-sama nating pagandahin at pasayah...
06/10/2026

Ilang araw na lang, Pasko na!🎅 At kapag magpapasko, magpapa-BINGO!❤️

Ngayong taon, sama-sama nating pagandahin at pasayahin ang ating barangay! Bilang joint project ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Brgy. Pinagkurusan, magkakaroon tayo ng BINGO BONANZA!

🎟️ ₱100 PER BINGO CARD (Good for 10 Games)
📅 November 21, 2026 | 3:00 PM
📍 Venue: To Be Announced

At syempre, hindi lang saya ang iuuwi, narito ang mga exciting prizes na puwedeng mapanalunan! 👀🎁

🏆 PRIZES:
🍚 3 × 25kg Rice
🛒 2 Grocery Packages
🌀 1 Stand Fan
🍚 1 Rice Cooker
🔥 1 Double Burner Gas Stove
👔 1 Garment Steamer
💰 GRAND PRIZE — ₱5,000

🚨Important Notice: Ito ay fund - raising project ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Brgy. Pinagkurusan. Ang proceeds na makukuha ay gagamitin para sa Christmas Decorations Project dito sa ating barangay.🎄✨

Every card you purchase is one step closer to making our barangay brighter and more festive this Christmas.✨

Kaya tara, maki - BINGO na! Bring your family, friends, and kapitbahay, and let's make this Christmas project a community effort! ❤️

📌 More details regarding BINGO card selling and the venue will be announced soon.

📚 PROJECT ESKWELA & ISKOLARS 2026 — SUCCESSFULLY DONE! 🎓💜AUGUST 30, 2026 - Isang matagumpay na araw para sa mga kabataan...
01/09/2026

📚 PROJECT ESKWELA & ISKOLARS 2026 — SUCCESSFULLY DONE! 🎓💜

AUGUST 30, 2026 - Isang matagumpay na araw para sa mga kabataan ng Brgy. Pinagkurusan! ✨

Matagumpay na naisagawa ng Sangguniang Kabataan – Brgy. Pinagkurusan ang Project eSKwela at iSKolars 2026, na naglalayong magbigay ng dagdag na suporta sa ating mga kabataan sa kanilang educational journey. 📖🎒

Maraming salamat sa lahat ng Junior & Senior High School students at College students na nakilahok, gayundin sa mga magulang at guardians na patuloy na sumusuporta. 💜

Small support, big dreams. 🌱🎓

Patuloy tayong kikilos para sa kabataang may pangarap at determinasyon.

Para sa kabataan. Para sa kinabukasan. Para sa Pinagkurusan. 💜

📢 MAHALAGANG ANUNSYO!!Para sa mga estudyanteng tatanggap ng school supplies at magpapasa ng requirements bukas, Agosto 3...
29/08/2026

📢 MAHALAGANG ANUNSYO!!

Para sa mga estudyanteng tatanggap ng school supplies at magpapasa ng requirements bukas, Agosto 30, 2026 (9:00 AM), ang venue po ay ililipat natin sa Pinagkurusan Elementary School, para sa mas komportable at mas maayos na proseso.

Kitakits, Kabataang Pinagkurusan!!💜

📢 OFFICIAL ANNOUNCEMENT REGARDING PROJECT ESKWELA & ISKOLARS 2026📚Hello, mga kabataan👋Handa na ba ang inyong mga require...
27/08/2026

📢 OFFICIAL ANNOUNCEMENT REGARDING PROJECT ESKWELA & ISKOLARS 2026📚

Hello, mga kabataan👋
Handa na ba ang inyong mga requirements? We’re happy to announce na ang distribution of school supplies para sa Project eSKwela at submission of requirements para sa iSKolars: Educational Assistance ay gaganapin sa:

📅 August 30, 2026 (Sunday)
⏰ 9:00 AM
📍 Barangay Pinagkurusan Hall

📖 PROJECT eSKwela

Para sa mga qualified Junior & Senior High School students na nakapag-secure ng slot. School supplies na ang inyong matatanggap, kaya make sure na ready ang inyong requirements! 🎒✏️

🎓 iSKolars: Educational Assistance

Para naman sa mga qualified College Students na nakapag-secure ng slot, submission of requirements pa lamang ito at hindi pa payout.

📌 IMPORTANT NOTICE:
Please bring the required documents indicated sa attached announcement. Make sure na complete at tama ang inyong requirements para maging smooth ang submission at claiming process.

GOOD NEWS MGA KABATAAN!🥰

✨ May available slots pa!
Kung hindi pa nakakapag-secure ng slot, you may still message any SK Official or our official page to check the remaining slots and availability.

📸 Para sa complete details, requirements, at bilang ng remaining slots, please refer to the attached photos.

See you on August 30, mga kabataan💜
Patuloy nating suportahan ang bawat pangarap at pagsisikap ng kabataan sa ating barangay. Sa edukasyon, sama-sama tayo! 🎓📚


19/08/2026

🚨 CALLING ALL YOUTH & ASPIRING SK LEADERS IN BARANGAY PINAGKURUSAN 🚨
Ready for a meaningful, fun, and exciting experience? 👀✨

We’re looking for 4 YOUTH PARTICIPANTS to join our Youth Camp: Leadership Training, Team Building & Mental Health! 💪🧠❤️

📍 LOC: Terraza de Sukol
📅 Call Time: August 22, 8:00 AM
🏕️ Checkout: August 23, 12:00 NN

And the best part? ALL EXPENSES PAID! 🎉🙌
Your only requirement is your ATTENDANCE and willingness to participate, learn, connect, and have fun! 💯

Perfect opportunity ito for youth and aspiring SK leaders who want to grow their leadership skills, build meaningful connections, and learn more about mental health while enjoying a team-building experience! 🌱🤝

⚠️ ONLY 4 SLOTS AVAILABLE!
🔥 FIRST COME, FIRST SERVE!
⏰ UNTIL TOMORROW ONLY!

Interested? Message our page or send a message to our SK Chairperson: Carol Javier 📩

Don’t miss this chance! Baka ikaw na ang isa sa 4 na makakasama! 👀✨

LEAD. CONNECT. GROW. 💚 See you, future SK leaders!

📢OPISYAL NA ANUNSIYOMga KABATAAN, 𝐈𝐒𝐊𝐎𝐋𝐀𝐑𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔 & 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀 are finally here! 🎉📚Good news, mga kabataan! 💜 Bilang ...
02/08/2026

📢OPISYAL NA ANUNSIYO

Mga KABATAAN, 𝐈𝐒𝐊𝐎𝐋𝐀𝐑𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔 & 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀 are finally here! 🎉📚

Good news, mga kabataan! 💜 Bilang bahagi ng ating commitment na suportahan ang edukasyon ng kabataan sa ating barangay, muling inilulunsad ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Pinagkurusan ang dalawang educational assistance programs para sa ating mga estudyante.

🎓 ISKOLARS 2026
✔️ Educational Assistance para sa College Students
📌 Limited to 60 slots only

📖 PROJECT ESKWELA
✔️ Distribution of School Supplies para sa High School Students
📌 Junior High School – 55 slots
📌 Senior High School – 35 slots

🗓️ Google Forms Registration: August 2 – August 15, 2026 o hanggang may available slots pa.

📋Google Form Links:

✅JHS:

https://forms.gle/4P4JoUbvEwYmLw8y8

✅SHS:

https://forms.gle/nYZURM8NiYqfbjcLA

✅COLLEGE:

https://forms.gle/7PoTu28GsyCcQHVV8

⚠️ Reminder: Dahil limitado ang slots, first come, first served basis ang magiging proseso. Siguraduhing kumpleto at tama ang inyong registration details upang maiwasan ang disqualification.

📲 Ang official list of qualified students at listahan ng requirements ay ipo-post din sa page na ito once finalized.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Tara na at sama-sama nating gawing mas magaan ang pagbabalik-eskwela. 💜

🎉 PALARONG LAHI SA TAPUSAN 2026 🎉Balik-tradisyon, balik-saya! 🇵🇭✨Makisaya at makilahok sa isang hapon na puno ng tawanan...
29/05/2026

🎉 PALARONG LAHI SA TAPUSAN 2026 🎉

Balik-tradisyon, balik-saya! 🇵🇭✨
Makisaya at makilahok sa isang hapon na puno ng tawanan, samahan, at klasikong larong Pinoy!

📅 May 31, 2026
🕑 2:00 PM
📍 Beside Villa Salome

Sama-sama nating buhayin ang diwa ng pagka-Pilipino sa pamamagitan ng mga larong minahal ng bawat henerasyon. Tara na at gawing mas masigla ang ating Tapusan 2026!

26/05/2026
🏆 FIRST TIME IN HISTORY! 🏆Buong galak at karangalan na ipinapaabot ng Sangguniang Kabataan – Brgy. Pinagkurusan ang amin...
26/05/2026

🏆 FIRST TIME IN HISTORY! 🏆

Buong galak at karangalan na ipinapaabot ng Sangguniang Kabataan – Brgy. Pinagkurusan ang aming taos-pusong pagbati sa

HOLY CROSS (Brgy. Pinagkurusan)

sa kanilang makasaysayang pagkapanalo bilang CHAMPION ng LGU and SK Cup 2026! 🏀💚

Isang napakalaking tagumpay ito para sa buong komunidad sapagkat ito ang kauna-unahang kampeonato sa kasaysayan ng Holy Cross sa nasabing liga. Ipinamalas ninyo ang pambihirang husay, matibay na samahan, at walang sawang determinasyon sa bawat laban.

Taos-puso rin naming binabati ang ating mga natatanging manlalaro na napabilang sa Mythical 5:

🏅 John Cyril Torres
🏅 Coji Garcia

At isang espesyal na pagpupugay kay Coji Garcia sa pagkahirang bilang Finals Most Valuable Player 👑🏀

Ang tagumpay na ito ay patunay na ang sipag, disiplina, at pagkakaisa ay nagbubunga ng tagumpay. Kayo ay nagsilbing inspirasyon at tunay na dangal ng Brgy. Pinagkurusan.

Buong barangay ay proud na proud sa inyong makasaysayang panalo!
Muli, congratulations, Champions! 🏆

Isang panalo para sa kasaysayan. Isang tagumpay para sa buong Pinagkurusan. 💚🔥

HISTORY HAS BEEN MADE!





Address

Pinagkurusan, Alitagtag
Batangas
4205

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan - Brgy. Pinagkurusan Alitagtag posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share