Brgy. Madalunot Calaca City - Official

  • Home
  • Brgy. Madalunot Calaca City - Official

Brgy. Madalunot Calaca City - Official Official page of Barangay Madalunot

Bilang Transparency sa ₱100,000 Scholarship FundBagong Pilipinas Barangay Presidential Scholars Programunder the Socio-C...
20/08/2026

Bilang Transparency sa ₱100,000 Scholarship Fund

Bagong Pilipinas Barangay Presidential Scholars Program
under the Socio-Civic Projects Fund (SCPF)

Bilang bahagi ng ating commitment sa transparency, narito po ang limang (5) incoming 4th Year College Students na kwalipikado at napabilang sa programa na nakatanggap ng tig 20,000:

1. John Andrew Antonio
2. Raquel Pilac
3. Marielle Anne Hapa
4. Ma. Moryne Tenorio
5. Lysa Mae Italia

Congratulations sa ating mga scholars! 🎓✨ Nawa’y makatulong ang programang ito sa inyong pag-aaral at maging inspirasyon upang patuloy na magsikap at mangarap.

Para sa kabataan, para sa edukasyon, para sa Bagong Pilipinas! 🇵🇭

🎉🎉 BARANGAYAN 2026 🎉🎉📢 MGA KABARANGAY!Ang Pamahalaang Lungsod ng Calaca ay muling maghahatid ng iba't ibang serbisyong p...
03/08/2026

🎉🎉 BARANGAYAN 2026 🎉🎉

📢 MGA KABARANGAY!

Ang Pamahalaang Lungsod ng Calaca ay muling maghahatid ng iba't ibang serbisyong pampubliko sa ating barangay sa pamamagitan ng BARANGAYAN 2026.

🗓️ Agosto 6, 2026 (Huwebes)
🕗 8:00 ng Umaga
📍 Madalunot Covered Court

✨ Mga Serbisyong Hatid ng mga Tanggapan at Ahensiya:

🏥 City Health Office (CHO)
🤝 City Social Welfare and Development Office (CSWDO)
📄 Local Civil Registrar (LCR)
🌾 City Agriculture Office
🚨 City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO)
💰 City Treasury Office
🌿 City Environment and Natural Resources Office (City ENRO)
🏡 City Assessor's Office
🚒 Bureau of Fire Protection (BFP)
👮 Philippine National Police (PNP)
💼 Public Employment Service Office (PESO)
🛠️ NASA GAWA Action Center

📍 Huwag palampasin ang pagkakataong makakuha ng iba't ibang serbisyong hatid mismo ng ating Pamahalaang Lungsod at mga katuwang na ahensiya!

Inaanyayahan ang lahat ng residente ng Barangay Madalunot na makiisa at samantalahin ang mga libreng serbisyong ito.

✅ Magkita-kita po tayo, mga Kabarangay!

"Serbisyong Malapit, Serbisyong Maaasahan!" 🧡

Pangalawang araw ng paglilinis ng ating masisipag na mga opisyal ng Barangay. Sama-sama nating pinananatiling malinis, m...
31/07/2026

Pangalawang araw ng paglilinis ng ating masisipag na mga opisyal ng Barangay. Sama-sama nating pinananatiling malinis, maayos, at ligtas ang ating komunidad. 🧡

Sa kabila ng walang tigil na pag-ulan, hindi natin hinayaang maging hadlang ito sa ating tungkulin at malasakit sa ating...
29/07/2026

Sa kabila ng walang tigil na pag-ulan, hindi natin hinayaang maging hadlang ito sa ating tungkulin at malasakit sa ating komunidad. Patuloy ang isinagawang paglilinis ng mga tabing daan ng ating masisipag na Barangay Officials na buong pusong naglaan ng oras at lakas upang mapanatiling malinis, maayos, at ligtas ang ating barangay.

Sa pangunguna ng ating masipag at mapagmalasakit na Ama ng Barangay, Punong Barangay Virgilio M. Manalo, ipinakita nating ang tunay na serbisyo publiko ay walang pinipiling panahon. Ulan man o init, ang pagkakaisa, disiplina, at dedikasyon sa paglilingkod ay patuloy na nangingibabaw para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

"Hindi hadlang ang ulan sa serbisyong may puso. Tuloy-tuloy ang paglilingkod, tuloy-tuloy ang pagkilos para sa isang malinis, ligtas, at maunlad na barangay." 🧡

Sama-samang Pagkilos, Mas Malinis na Barangay! 🌿💚Isang matagumpay na paglilinis ang isinagawa ng mga Barangay Officials,...
23/07/2026

Sama-samang Pagkilos, Mas Malinis na Barangay! 🌿💚

Isang matagumpay na paglilinis ang isinagawa ng mga Barangay Officials, katuwang ang ating mga masisipag na functionaries, sa pangunguna ni Kapitan Virgilio M. Manalo.

Maraming salamat sa bawat isa na naglaan ng oras, lakas, at dedikasyon upang mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang ating barangay. Ang ating pagkakaisa at pagtutulungan ang susi sa isang mas maunlad at mas magandang komunidad.

📢PAANYAYA📢Magandang araw!Inaanyayahan po ang lahat ng residente ng Purok 1 at Purok 2 ng Barangay Madalunot, Lungsod ng ...
06/07/2026

📢PAANYAYA📢

Magandang araw!

Inaanyayahan po ang lahat ng residente ng Purok 1 at Purok 2 ng Barangay Madalunot, Lungsod ng Calaca, Batangas na may alagang baboy o nagpapatakbo ng piggery na dumalo sa isang mahalagang pagpupulong.

Petsa: Hulyo 8, 2026 (Miyerkules)
Oras: 10:00 ng umaga
Lugar: Covered Court, Barangay Madalunot

Mahalaga po ang inyong pagdalo upang mapag-usapan ang mga usaping may kinalaman sa pag-aalaga ng baboy at iba pang mahahalagang bagay na makaaapekto sa ating komunidad.

Lubos po naming inaasahan ang inyong kooperasyon at pakikiisa. Maraming salamat po.

DAY 2 | 🌳💪Nagpatuloy ngayong ikalawang araw ang pagtatalas at pagpuputol ng mga sanga ng puno sa iba't ibang bahagi ng B...
26/06/2026

DAY 2 | 🌳💪

Nagpatuloy ngayong ikalawang araw ang pagtatalas at pagpuputol ng mga sanga ng puno sa iba't ibang bahagi ng Barangay Madalunot bilang paghahanda sa nalalapit na panahon ng tag-ulan.

Sa pangunguna ni Kapitan Virgilio M. Manalo at ng mga miyembro ng Sangguniang Barangay, patuloy nating isinusulong ang mga hakbang upang mapanatiling ligtas at maayos ang ating komunidad.

Sama-sama para sa isang ligtas na Barangay.

Bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na panahon ng tag-ulan, nagsagawa ng sama-samang pagtatalas at pagpuputol ng mg...
25/06/2026

Bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na panahon ng tag-ulan, nagsagawa ng sama-samang pagtatalas at pagpuputol ng mga sanga ng puno ang mga opisyal ng Barangay Madalunot sa pangunguna ni Kapitan Virgilio M. Manalo, kasama ang mga konsehal ng barangay.

Layunin ng gawaing ito na mabawasan ang panganib ng mga aksidente dulot ng mga sanga at punong maaaring mabuwal sa panahon ng malalakas na ulan at hangin, gayundin upang mapanatili ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan.




📢 PAALALA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY MADALUNOT, LUNGSOD NG CALACA, BATANGASAng itinakdang araw ng paglalabas at pagkol...
08/06/2026

📢 PAALALA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY MADALUNOT, LUNGSOD NG CALACA, BATANGAS

Ang itinakdang araw ng paglalabas at pagkolekta ng basura ay tuwing ika- 2nd at ika-4th na Sabado ng bawat buwan.

Mahigpit pong ipinapaalala sa lahat ng residente na huwag maglabas ng basura kung hindi araw ng pagkolekta upang maiwasan ang pagkalat ng basura sa mga kalsada at mapanatili ang kalinisan ng ating barangay.

Makiisa po tayo sa wastong pamamahala ng basura para sa mas malinis, maayos, at ligtas na kapaligiran.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon.

GUYS PALAMBING PO NG KAUNTI MEDYU MALAYO LANG SA SARILING LUGAR NAWALA 🥺🥺 MAKIKISHARE NAMAN PO BAKA SAKALI MAKIKITA NG N...
13/04/2026

GUYS PALAMBING PO NG KAUNTI MEDYU MALAYO LANG SA SARILING LUGAR NAWALA 🥺🥺 MAKIKISHARE NAMAN PO BAKA SAKALI MAKIKITA NG NAKALIMUT OH MAKITA NG PAG BIBINTAHAN ITONG POST KO !! KUNG MARAMI MAKAKABASA BAKA SAKALI MAKIKITA PA 🥺BAKA NAMN PWDENG MAKIKIBALIK ZAMIN NG TABLET AT CP .. NAIWAN PO SA DAAN SA MAY MADALUNOT !! YUNG NASA PICTURE PO ANG PROFILE !! SANA NAMAN PO MAY MABUTING PUSO ANG NAKA LIMUT MAKIKIBALIK NAMAN PO ! NAG PAPAHINGA PO KAMI SA DAAN SA MAY MADALUNOT CALACA BATANGAS AT DOON NAIWAN ANG BAG NA P**E NA ANG LAMAN AY CP AT TABLET 🥺 MAKIKIBALIK NAMAN PO NAKIKIUSAP PO KAMI 🥺🥺

Honor pad 9 ANG TABLET
Realme C12 ang CP

CELLPHONE #
TNT 09517403765
TM 09976826274

-Ortigosa Shella

Address

Barangay Madalunot Calaca City, Batangas

4212

Opening Hours

Monday 08:00 - 17:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 17:00
Friday 08:00 - 17:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Madalunot Calaca City - Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share