Kabataang San Juaneรฑo

Website Contact the organization

Kabataang San Juaneรฑo Local Youth Development Office - San Juan, Batangas

Nagsagawa ang Provincial Assistance for Community, Public Employment, Youth and Sports Development Office (PACPEYSDO) ng...
12/10/2026

Nagsagawa ang Provincial Assistance for Community, Public Employment, Youth and Sports Development Office (PACPEYSDO) ng ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฉ๐—ผ๐—น๐˜‚๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—บ ๐—ฆ๐—ฒ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ katuwang ang Pamahalaang Bayan ng San Juan sa pamamagitan ng Local Youth Development Office nitong Sabado, Oktubre 10, 2026, na dinaluhan ng 50 Kabataang San Juaneรฑo.

Layunin ng programa na higit pang paunlarin ang kakayahan ng kabataan sa pamumuno, pakikilahok, at bolunterismo. Bilang bahagi ng programa, isinagawa ang halalan ng bagong mga opisyal ng ๐—ฆ.๐—”.๐—ž.๐—ง.๐—ข. (Samahan ng Aktibong Kabataan Tungo sa magandang Oportunidad).

Malugod nating binabati ang mga bagong halal na opisyal!
๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜: Kim Daryl S. Carpio
๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜: Kim Risha G. Mendoza
๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ๐—ฟ๐—ฒ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜†: Dwen Drexter L. Geba
๐—ง๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ๐—ฟ: Gabriela M. Calibo
๐—”๐˜‚๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ: Johncris V. Aguila

Nawaโ€™y maging daan ang inyong pamumuno sa mas maraming oportunidad, matibay na pagkakaisa, at makabuluhang programang magbibigay-lakas at inspirasyon sa kapwa kabataan.

๐—ฆ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ-๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ผ๐˜€, ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ผ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ!

๐Ÿฑ๐Ÿฌ ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—๐—จ๐—”๐—ก๐—˜ร‘๐—ข, ๐—ฆ๐—จ๐— ๐—”๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—  ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—˜๐—”๐——๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—›๐—œ๐—ฃ ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—— ๐—ฉ๐—ข๐—Ÿ๐—จ๐—ก๐—ง๐—˜๐—˜๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—  ๐—ฆ๐—˜๐— ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฅMatagumpay na isinagawa sa Bayan ng ...
12/10/2026

๐Ÿฑ๐Ÿฌ ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—๐—จ๐—”๐—ก๐—˜ร‘๐—ข, ๐—ฆ๐—จ๐— ๐—”๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—  ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—˜๐—”๐——๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—›๐—œ๐—ฃ ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—— ๐—ฉ๐—ข๐—Ÿ๐—จ๐—ก๐—ง๐—˜๐—˜๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—  ๐—ฆ๐—˜๐— ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฅ

Matagumpay na isinagawa sa Bayan ng San Juan ang Leadership Training and Volunteerism Seminar 2026 sa inisyatibo ng Provincial Assistance for Community, Public Employment and Youth & Sports Development Office, katuwang ang Pamahalaang Bayan ng San Juan sa pamamagitan ng Local Youth Development Office nitong Sabado, Oktubre 10, 2026, sa New Municipal Hall.

Lumahok sa seminar ang 50 kabataan na nakibahagi sa pagsasanay na naglalayong linangin ang kanilang kakayahan sa pamumuno at bolunterismo.

Sa pangunguna ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD, patuloy na sinusuportahan ng Pamahalaang Bayan ng San Juan ang mga programang naglalayong linangin ang kakayahan ng kabataan at hikayatin silang maging aktibong bahagi ng mga gawaing pangkomunidad.

Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, nabibigyan ang mga kabataan ng pagkakataong malinang ang kanilang kakayahan, mapalakas ang diwa ng bolunterismo, at mahubog bilang mga responsableng lider na makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng bayan.


YOUTH EMPOWERMENT CAMP 2026 | KABATAANG KATUWANG SA PAG-UNLADDalawang araw ng pagkatuto, pagkakaisa, pakikipagkaibigan, ...
16/09/2026

YOUTH EMPOWERMENT CAMP 2026 | KABATAANG KATUWANG SA PAG-UNLAD
Dalawang araw ng pagkatuto, pagkakaisa, pakikipagkaibigan, at makabuluhang pagkilos para sa kabataan ng San Juan!
Isinagawa noong Setyembre 10โ€“11, 2026 sa Punta Aguila Resort and Hotel, Brgy. Nagsaulay, San Juan, Batangas, ang Youth Empowerment Camp โ€œKabataang Katuwang sa Pag-unladโ€, isang inisyatiba ng Municipal Cooperative Development Section (MCDS) at Municipal Cooperative Development Council (MCDC), katuwang ang Local Youth Development Office (LYDO) upang higit pang mapalakas ang kaalaman, kakayahan, leadership, at pakikilahok ng kabataan sa mga usaping may kinalaman sa cooperativism, entrepreneurship, community action, at responsible citizenship.
Lubos ang suporta ng Punong Bayan Kgg. ILDEBRANDO D. SALUD, na nagbigay ng inspirasyon at mensahe sa mga kabataan upang patuloy silang maging aktibong katuwang sa pagpapaunlad ng ating bayan.
Naging mas makabuluhan ang dalawang araw na camp sa pamamagitan ng iba't ibang talakayan, workshops, team-building activities, at group challenges na nagbigay sa mga kabataan ng pagkakataong matuto, makipagtulungan, at maipakita ang kanilang potensyal bilang mga susunod na lider ng komunidad sa pamamagitang ng mga resource speakers mula sa Sangguniang Kabataan Federation, Cooperative Development Authority (CDA), Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development (PCLEDO), Department of Trade and Industry (DTI), Municipal Health Office (MHO), Youth on Mission Philippines Inc., at Philippine Army (16IB Maglilingkod-Batallion 2ID).
Sa pamamagitan ng kanilang pakikiisa, mas napalawak ang pananaw ng ating mga kabataan para sa mga bagong kaalaman. Ang camp ay naging pagkakataon upang mabuo ang samahan, tiwala, teamwork, at pagkakaisa ng ating kabataan.
Dahil ang kabataan ay hindi lamang mga lider ng bukas - sila rin ay mga katuwang sa pagbabago ngayon.

Sa inisyatiba ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD at sa pakikipagtulungan ng Municipal Social Welfare and Development Office (M...
03/09/2026

Sa inisyatiba ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD at sa pakikipagtulungan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Local Youth Development Office (LYDO), namahagi ang Pamahalaang Bayan ng San Juan ng kabuuang 4,000 school supplies sa mga mag-aaral mula Kindergarten, Grade 1, at Special Needs Education (SNED) sa mga pampublikong elementarya sa bayan.
Nakibahagi rin sa distribusyon si Executive Assistant Gino Joaquin R. Salud, kasama ang mga kawani ng ibaโ€™t ibang tanggapan ng Munisipyo, habang tumulong naman ang mga g**o at kawani ng mga paaralan sa maayos na pamamahagi ng mga kagamitan.
Layunin ng programa na mabigyan ng karagdagang suporta ang mga mag-aaral, lalo na ang mga nagmumula sa pamilyang higit na nangangailangan, at mapalakas ang kanilang access sa mga pangunahing kagamitang pang-edukasyon.
Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan, sa pangunguna ni MAYOR BEEBONG SALUD, na suportahan ang kapakanan at edukasyon ng mga kabataang San Juaneรฑo.


๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ, ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐จ๐Ÿ ๐’๐š๐ง ๐‰๐ฎ๐š๐ง, ๐๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐š๐ฌ!Isang malaking karangalan para sa ating bayan ang pagkakamit ng 2nd ...
21/08/2026

๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ, ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐จ๐Ÿ ๐’๐š๐ง ๐‰๐ฎ๐š๐ง, ๐๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐š๐ฌ!

Isang malaking karangalan para sa ating bayan ang pagkakamit ng 2nd Place โ€“ Linggo ng Kabataan Excellence Award sa buong Lalawigan ng Batangas!

Sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagkakaisa, at dedikasyon ng Local Youth Development Office (LYDO) at SK Federation San Juan, matagumpay nating naipakita ang aktibong pakikilahok, makabuluhang programa, at patuloy na malasakit para sa kapakanan at pag-unlad ng kabataan.

Dahil sa ating sama-samang pagsisikap, naiuwi ng San Juan ang ikalawang puwesto, kasama ang โ‚ฑ20,000.00 cash prize at โ‚ฑ80,000.00 halaga ng proyekto na mapapakinabangan ng ating mga kabataan.

Ang pagkilalang ito ay ginanap ngayong Biyernes, Agosto 21, 2026 sa Batulao Hall, Sotogrande Hotel and Convention Center, Bauan, Batangas, at tinanggap ng Sangguniang Kabataan Federation of San Juan sa pangunguna ng SK Federation President, Hon. Jeryk Dwight Rafhael R. Bait.

Taos-pusong pasasalamat sa ating minamahal na Punong Bayan, Mayor Ildebrando D. Salud, sa ating Vice Mayor Anthony Marasigan, at sa ating mga Sangguniang Bayan Members, sa kanilang patuloy na suporta, tiwala, at malasakit sa mga programa, proyekto, at aktibidad para sa ating kabataan. Ang inyong suporta ay malaking bahagi ng bawat tagumpay na ating nakakamit.

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang isang parangal. Ito ay pagkilala sa sipag, pagkakaisa, malasakit, at dedikasyon ng bawat taong naging bahagi at katuwang sa pagsusulong ng mga programa at inisyatiba para sa kabataan.

Mabuhay ang Bayan ng San Juan!
Mabuhay ang Kabataang San Juaneรฑo!

๐—ฃ๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ข | ๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—ž ๐—”๐—ฅ๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—ฃ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—š๐—ข๐—•๐—ฌ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—ข; ๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—Ÿ๐—˜๐—”๐—ฅ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—ข๐——๐—˜๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ฅ๐—”...
17/08/2026

๐—ฃ๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ข | ๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—ž ๐—”๐—ฅ๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—”๐—ฃ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—š๐—ข๐—•๐—ฌ๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—ข; ๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—Ÿ๐—˜๐—”๐—ฅ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—ข๐——๐—˜๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿด, ๐—œ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—ง๐—จ๐—ฃ๐—”๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—๐—จ๐—”๐—ก

Alinsunod sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaugnay ng patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon (Habagat), ipatutupad sa mga tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng San Juan ang alternative work arrangements bukas, Martes, Agosto 18, 2026.

Dahil dito, pansamantalang hindi isasagawa ang regular na face-to-face na transaksyon sa mga tanggapan ng Munisipyo. Gayunman, mananatiling operational ang mga tanggapan at kawani na kabilang sa disaster response, health services, at iba pang essential services upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng kinakailangang serbisyo sa publiko.

Samantala, ipatutupad din sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa San Juan ang alternative learning modes bilang tugon sa posibleng epekto ng Habagat.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng Pamahalaang Bayan at iba pang kinauukulang ahensya, at unahin ang kaligtasan sa gitna ng patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Habagat.




https://www.facebook.com/share/p/1858qougZr/
via Presidential Communications Office
Posted today: August 17 (5:38 p.m.)

๐—๐—จ๐—”๐—ก-๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ฃ ๐—˜๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—›๐—จ๐—•, ๐—ก๐—”๐—š๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ข-๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ข๐—ก๐—š ๐—๐—ข๐—• ๐—ฉ๐—”๐—–๐—”๐—ก๐—–๐—œ๐—˜๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—๐—จ๐—”๐—กDumalo ang humigit-kumulang 170 aplikante sa ...
17/08/2026

๐—๐—จ๐—”๐—ก-๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ฃ ๐—˜๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—›๐—จ๐—•, ๐—ก๐—”๐—š๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ข-๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ข๐—ก๐—š ๐—๐—ข๐—• ๐—ฉ๐—”๐—–๐—”๐—ก๐—–๐—œ๐—˜๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—๐—จ๐—”๐—ก

Dumalo ang humigit-kumulang 170 aplikante sa Juan-Stop Employment Hub: Local Job Fair 2026 na pinangunahan ng Local Youth Development Office (LYDO) at Sangguniang Kabataan (SK) Federation, katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) ng Pamahalaang Bayan ng San Juan, nitong Huwebes, Agosto 13 sa Gen. Leandro R. Mendoza Memorial Sports Center (Municipal Gymnasium), Brgy. Poblacion.

Bahagi ang job fair ng Linggo ng Kabataan 2026 at nilahukan ng 13 lokal na kompanya na nag-alok ng libo-libong job vacancies para sa mga aplikante. Nakiisa rin ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para sa recruitment ng mga interesadong maging Jail Officer.

Naghatid din ng serbisyo at impormasyon ang Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), at Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG) upang matulungan ang mga aplikante at iba pang mamamayan sa kanilang mga pangangailangan kaugnay ng mga benepisyo at serbisyo ng ahensya.

Dumalo bilang suporta sa aktibidad sina Executive Assistant Gino Joaquin R. Salud, SK Federation President Jeryk Dwight Rafhael Bait, at kinatawan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Batangas Provincial Office na si Mr. Leomar De Torres.

Ang aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD, bilang bahagi ng mga programa para sa kabataan at paghahatid ng oportunidad sa trabaho sa mga mamamayan ng San Juan.


17/08/2026
๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—”! | ๐—๐—จ๐—”๐—ก-๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ฃ ๐—˜๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—›๐—จ๐—•: ๐—Ÿ๐—ข๐—–๐—”๐—Ÿ ๐—๐—ข๐—• ๐—™๐—”๐—œ๐—ฅ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒInaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng San Juan, sa pakikipagtulu...
12/08/2026

๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—”! | ๐—๐—จ๐—”๐—ก-๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ฃ ๐—˜๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—›๐—จ๐—•: ๐—Ÿ๐—ข๐—–๐—”๐—Ÿ ๐—๐—ข๐—• ๐—™๐—”๐—œ๐—ฅ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng San Juan, sa pakikipagtulungan ng Local Youth Development Office (LYDO) at Public Employment Service Office (PESO), ang lahat ng kwalipikadong jobseekers na dumalo sa Juan-Stop Employment Hub: Local Job Fair 2026, na gaganapin bukas, Agosto 13, 2026 (Huwebes), ganap na alas-7:00 ng umaga, sa General Leandro R. Mendoza Sports Center (Municipal Gymnasium), Brgy. Poblacion, San Juan, Batangas.

๐Ÿ“Œ Online Registration: https://short.do/QenQ0M

Makibahagi, makipag-ugnayan, at samantalahin ang mga oportunidad na hatid ng Juan-Stop Employment Hub: Local Job Fair 2026.

Kita-kita po tayo bukas!


Address

3rd Floor, New Municipal Building, Brgy. Buhaynasapa, San Juan
Batangas
4226

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabataang San Juaneรฑo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kabataang San Juaneรฑo:

Shortcuts

Share