21/10/2026
📢 ANUNSYO SA PUBLIKO
Ipinababatid sa lahat ng mga residente ng Barangay Dao, Tuy, Batangas na magkakaroon ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente bukas, Oktubre 22, 2026 (Huwebes), simula alas-1:00 ng hapon pataas.
Ito ay upang bigyang-daan ang isasagawang clearing operations o paglilinis at pagtanggal ng mga sagabal sa mga linya ng kuryente para sa kaligtasan ng publiko at pagpapanatili ng maayos na serbisyo ng kuryente.
Pinapayuhan ang lahat na maghanda at magsagawa ng mga kinakailangang pag-iingat habang wala pang suplay ng kuryente.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.