RAFC Calabarzon

Website Contact the organization

RAFC Calabarzon This is the official page of the Regional Agricultural and Fishery Council IV-A.

Mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda, at mapalakas ang seguridad sa pagkain sa Lungsod ng Lucena. Ito ...
30/07/2026

Mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda, at mapalakas ang seguridad sa pagkain sa Lungsod ng Lucena. Ito ang pangunahing layunin ng panukalang โ€œCity Agricultural and Fishery Mechanization (AFMech) Plan 2026โ€ na isinusulong ni SP Committee on Agriculture Chairman Konsehal Patrick Norman Nadera.
Sa pagdinig na isinagawa ngayong Hulyo 29, inilahad ni Hon. Nadera ang mahahalagang probisyon ng legislative proposal kasama si Konsehal Elizabeth Sio.
Present sa hearing ang mga kinatawan ng mga tanggapan ng City Agriculture, City Administrator, City Legal, City Budget at CPDO gayundin si G. Virginia Ronquillo, Chairperson-LCFARMC.

๐—ฅ๐—”๐—™๐—– ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป, ๐—œ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ผ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐——๐—”๐Ÿฐ๐—” || Matagumpay na idinaos ang   Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC) Election ...
29/07/2026

๐—ฅ๐—”๐—™๐—– ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป, ๐—œ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ผ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐——๐—”๐Ÿฐ๐—” || Matagumpay na idinaos ang Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC) Election sa pangunguna ni OIC-Regional Executive Director, Engr. Redelliza A. Gruezo noong ika-28 ng Hulyo sa Argosino Hall, LARES Compound, Lipa City, Batangas.

Ang Regional Agricultural and Fishery Council o RAFC ay isang konseho na nagsisilbing katuwang ng Kagawaran sa pagpaplano at pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura at pangisdaan. Binubuo ito ng mga kinatawan mula sa iba't ibang sektor na nagbibigay ng mga rekomendasyon at pananaw upang makatulong sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programa, proyekto, at patakarang tumutugon sa pangangailangan ng benepisyaryo at iba pang stakeholder sa bawat rehiyon.

Ang naturang aktibidad ay alinsunod sa Guidelines on the Engagement of Consultative Bodies (GoECB) na nagtatakda ng eleksyon ng mga opisyal kada tatlong taon na may layunin na makapili ng mga bagong lider na magsisilbing kinatawan ng sektor ng agrikultura at pangisdaan sa rehiyon.

Pinangasiwaan ng Electoral Board ang buong proseso kasama sina RTD for Operations and Extension, Engr. Romelo Reyes, RTD for Research and Regulations, Bb. Maria Ela Cecilia Obligado at iba bang bisita, habang dumalo rin ang mga Agriculture Program Coordinating Officers (APCOs) bilang mga saksi upang matiyak ang integridad at kredibilidad ng isinagawang halalan.

PAGPAPATIBAY NG PAMUMUNO TUNGO SA MATATAG NA AGRIKULTURA AT PANGISDAAN SA BATANGAS Matagumpay na isinagawa ang Provincia...
29/07/2026

PAGPAPATIBAY NG PAMUMUNO TUNGO SA MATATAG NA AGRIKULTURA AT PANGISDAAN SA BATANGAS
Matagumpay na isinagawa ang Provincial Agricultural and Fishery Council (PAFC) Election of Officers noong ika-22 ng Hulyo, 2026 sa Office of the Provincial Agriculturist, Bolbok, Batangas City.
Ang halalan, na isinasagawa tuwing tatlong taon, ay naglalayong makapili ng mga dedigado at pinunong may kakayahan mula sa hanay ng mga magsasaka, mangingisda, at iba pang sektor ng agrikultura upang mamuno sa iba't ibang komite, kabilang ang rice, corn, vegetables, fisheries, organic agriculture, livestock, at youth.
Nahalal bilang presidente ng samahan si Ginang Maribel Orense ng Mataasnakahoy. Ang mga nahalal na pinuno ang magsisilbing kinatawan at boses ng mga magsasaka at mangingisda ng lalawigan upang magkaroon ng mas matatag na ugnayan ang mga lokal na komunidad at mga ahensya ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga rekomendasyon, pagtukoy sa mga pangangailangan ng sektor, at aktibong pakikilahok sa pagbuo ng mga programa at polisiyang magpapalakas sa sektor ng agrikultura at pangisdaan sa Lalawigan ng Batangas.

๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ก๐š๐ง๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐จ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ, ๐ข๐ง๐ข๐ก๐š๐ฅ๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐€๐ ๐ซ๐ข๐œ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž ๐š๐ง๐ ๐…๐ข๐ฌ๐ก๐ž๐ซ๐ข๐ž๐ฌ ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ (๐๐€๐…๐‚)July 21, 2026 - Matag...
22/07/2026

๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ก๐š๐ง๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐จ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ, ๐ข๐ง๐ข๐ก๐š๐ฅ๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐€๐ ๐ซ๐ข๐œ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž ๐š๐ง๐ ๐…๐ข๐ฌ๐ก๐ž๐ซ๐ข๐ž๐ฌ ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ (๐๐€๐…๐‚)

July 21, 2026 - Matagumpay na isinagawa kahapon ang Provincial Agriculture and Fisheries Council (PAFC) Election sa patnubay ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa Sangguniang Panlalawigan, Lucena City, Quezon kung saan inihalal bilang Chairperson ang MAFC ng Atimonan na si G. Demosthenes Hernandez.

๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—œ๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—•๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š ๐——๐—˜๐—ง๐—”๐—Ÿ๐—ฌ๐—˜: https://quezon.gov.ph/bagong-hanay-sa-quezon-pafc/


Congratulations po sa mga bagong officers ng Highly Urbanized City Agriculural and Fisheries Council. Bilang pagpapatulo...
15/07/2026

Congratulations po sa mga bagong officers ng Highly Urbanized City Agriculural and Fisheries Council.
Bilang pagpapatuloy ng nasimulan, hiling ko po ang tagumpay ng inyong mga layunin.
Nandito lamang po ang ating opisina upang isulong sa Sanggunian ang mga resolusyon at ordinansang tutugon sa inyong pangangailangan.

โฃ๐Œ๐€๐Š๐€๐๐”๐‹๐”๐‡๐€๐๐† ๐๐€๐“๐€๐Š๐€๐‘๐€๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐’ ๐Œ๐€๐“๐€๐† ๐๐€ ๐€๐†๐‘๐ˆ๐Š๐”๐‹๐“๐”๐‘๐€ ๐ŸŒพ๐Ÿ’šโฃโฃโฃSa bawat sesyon ng Sangguniang Panlalawigan, patuloy natin...
15/07/2026

โฃ๐Œ๐€๐Š๐€๐๐”๐‹๐”๐‡๐€๐๐† ๐๐€๐“๐€๐Š๐€๐‘๐€๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐’ ๐Œ๐€๐“๐€๐† ๐๐€ ๐€๐†๐‘๐ˆ๐Š๐”๐‹๐“๐”๐‘๐€ ๐ŸŒพ๐Ÿ’šโฃ
โฃโฃ
Sa bawat sesyon ng Sangguniang Panlalawigan, patuloy nating isinusulong ang mga panukala at patakarang naglalayong tugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan at itaguyod ang pangmatagalang pag-unlad ng Laguna.โฃโฃ
โฃโฃ
Sa ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข-52 ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ, ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ ๐ญ๐ข๐›๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š ๐š๐ญ ๐‡๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฌ๐š ang akin pong ๐ƒ๐ซ๐š๐Ÿ๐ญ ๐‘๐ž๐ฌ๐จ๐ฅ๐ฎ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ. ๐Ÿ“๐Ÿ—, ๐’. ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, na ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ต๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ท๐˜ช๐˜ฏ๐˜ค๐˜ช๐˜ข๐˜ญ ๐˜ˆ๐˜จ๐˜ณ๐˜ช๐˜ค๐˜ถ๐˜ญ๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜๐˜ช๐˜ด๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜บ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ค๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜“๐˜ข๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข (๐˜—๐˜ˆ๐˜๐˜Š) upang higit na mapalakas ang edukasyon sa agrikultura. Isinusulong ng panukalang ito ang agri-entrepreneurship, pagpapalawak ng kaalaman sa climate change adaptation, at farm-based learning exposure, habang hinihikayat ang mas matibay na koordinasyon ng mga pambansa at lokal na ahensya upang maisakatuparan ang mga programang magpapalakas sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.โฃโฃ
โฃโฃ
Nagbigay rin tayo ng ๐ฆ๐š๐ง๐ข๐Ÿ๐ž๐ฌ๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง upang linawin ang posibleng pagkakaroon ng magkakatulad o magkakaugnay na mga resolusyong nairefer sa ibaโ€™t ibang komite. Bilang tugon, napagkasunduang pagsama-samahin ang mga ito sa Committee on Laws upang maging mas maayos, episyente, at organisado ang proseso ng pagtalakay sa mga panukala.โฃโฃ
โฃโฃ
Patuloy nating isusulong ang mga polisiyang may malinaw na direksyon at konkretong pakinabang para sa bawat Lagunense. ๐’๐š๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ญ ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š ๐š๐ฒ ๐ง๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐š๐ข๐ง๐ ๐š๐ญ, ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐š๐›๐ฅ๐ž, ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ค๐š๐›๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ก๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐›๐š๐ญ๐š๐ฌ.โฃ๐Ÿ’›โฃ
โฃโฃ

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Farmers and Fisherfolk Month (FFM) noong Mayo, nakiisa ang   sa pangunguna nina Farmer D...
05/06/2026

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Farmers and Fisherfolk Month (FFM) noong Mayo, nakiisa ang sa pangunguna nina Farmer Director Gaudencio Genil at Executive Officer Mari Ella Cecilia Obligado sa ika-apat na Agricooltour sa Rizal Agricultural Research and Experiment Station (RARES), noong ika-21 ng Mayo sa Tanay, Rizal.

Tampok sa aktibidad ang pagpapasinaya ng Upgraded Smart Greenhouse Project in the Philippines (SGPP) at ang Sustainable Aquaculture through Solar Powered Irrigation System ng estasyon.

Naging bahagi rin ito ng serye ng pagbisita ni Farmer Director Genil sa mga research and experiment stations ng bilang parte ng kanyang mga gawain sa FFM.

Bilang bahagi ng aktibidad ng Farmer Regional Executive Director (FRED) ng   para sa Buwan ng mga Magsasaka at Mangingis...
04/06/2026

Bilang bahagi ng aktibidad ng Farmer Regional Executive Director (FRED) ng para sa Buwan ng mga Magsasaka at Mangingisda noong Mayo, nagsagawa ng mga dayalogo at pakikipag-usap si FRED Gaudencio Genil sa mga katuwang na ahensya hinggil sa pagpapatupad ng mga gawain at programa ng Kagawaran, gayundin sa pagpapalakas ng Agriculture and Fishery Council sa rehiyon.

Kabilang dito ang pagbisita sa tanggapan ng Department of the Interior and Local Government 4A upang mas paigtingin ang pagpapatupad ng Joint DILG and DA Memorandum Circular No. 1, Series of 2025. Nakapaloob dito ang pagbibigay ng buong suporta sa Agricultural and Fishery Council ng mga lokal na pamahalaan ng rehiyon bilang kaakibat sa pribadong sektor sa implementasyon ng mga polisiya, plano at programa ng pamahalaan.

Binisita naman ni Agricultural Training Institute-CALABARZON Center Director Rolando Maningas, at kinatawan mula sa Cavite at Batangas ng Philippine Coconut Authority IV-A, Alexis Mojica, si FRED Genil sa isang courtesy call. Dito ay nagpahayag ng suporta ang dalawang katuwang na ahensya kay Farmer Director at ibinahagi ang mga aktibidad at programa para sa mga magsasaka, magniniyog at mga extension workers ng Calabarzon. Ang ugnayang ito ay inaasahang magpapatibay at magpapaunlad pa sa implementasyon ng mga programa at pagpapa-angat ng sektor ng agrikultura sa rehiyon.

Binisita ni   Farmer Regional Executive Director Gaudencio Genil at OIC-RTD for Research and Regulations, Bb. Maria Ella...
07/05/2026

Binisita ni Farmer Regional Executive Director Gaudencio Genil at OIC-RTD for Research and Regulations, Bb. Maria Ella Cecilia Obligado ang Demo Farm at tanggapan ng Cavite Agricultural Research and Experiment Station (CARES) noong ika-6 ng Mayo sa lalawigan ng Cavite.
Ito ay bahagi pa rin ng gampanin ni Farmer-Director Genil na bisitahin ang mga research stations sa rehiyon upang masuri ang kasalukuyang kalagayan at maipatupad ang mga serbisyo para sa ikabubuti ng mga benepisyaryo.
Pahayag ni Farmer-Director G. Genil, mahalaga ang patnubay ng istasyon sa mga magsasaka upang maipaunawa sa kanila na hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat umasa sa tulong ng gobyerno kundi dapat ding matutong tumayo sa sariling kakayahan sa tulong at gabay ng Kagawaran.
Samantala, nakiisa rin sila sa isinagawang Agri-talk kung saan tinalakay ang sitwasyon at a hamong kinakaharap sa agrikultura sa bayan ng Amadeo, Cavite, kabilang na ang mga mungkahing solusyon ng lokal na pamahalaan para dito.

Address

DA LARES Compound, Brgy. Marawoy, Lipa City
Batangas
4217

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RAFC Calabarzon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to RAFC Calabarzon:

Shortcuts

Share