03/09/2026
Ligtas, Handa, at Matatag! π«π‘οΈ
Nakiisa ang ating paaralan sa ginanap na National Simultaneous School Safety Drill ngayong araw! Sa pamamagitan ng gawaing ito, pinalakas natin ang kahandaan, alerto, at kaalaman ng ating mga mag-aaral at kawani sa panahon ng emergency
Sa pakikipagtulungan ng 1st Mountain Province Provincial Mobile Force Company (1st MPPMFC) - 3rd Maneuver Platoon, Sinto Base, sa pangunguna ni PSSg Louie Kris S Mocnangan, matagumpay nating naisagawa ang isang malalimang Safety and Security Orientation
Dito ay itinuro at aktibong sinanay ang ating mga mag-aaral at g**o sa mga mahahalagang hakbang para sa kaligtasan kapag may banta sa seguridad, tulad ng: πββοΈ RUN/Escape β Ang mabilis na paglikas at pag-layo sa panganib patungo sa ligtas na lugar πͺ HIDE β Ang paghahanap ng ligtas na taguan, pagbarikada ng pinto, at pananatiling tahimik kapag hindi ligtas na lumikas π‘οΈ FIGHT β Bilang huling alternatibo (last resort) upang protektahan ang sarili kapag nasa matinding panganib ang buhay
Bukod dito, natutunan at aktibong isinagawa rin ng ating mga mag-aaral ang tamang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad, tulad ng pagpapanatiling nakataas at nakabukas ang mga kamay (empty hands visible) upang maipakita na sila ay ligtas at walang dalang panganib kapag rumesponde ang pulisya
Kaligtasang Pisikal at Mental, Sabay na Pinangalagaan! Kasabay ng mga pisikal na pagsasanay na ito ang pinaigting na safeguards para sa pisikal at mental na kaligtasan ng mga mag-aaral, na binuo katuwang ang mga kinauukulang ahensya at mental health professionals upang matiyak na trauma-informed at age-appropriate ang pagpapatupad ng drill Layunin nating bigyan sila ng sapat na kasanayan nang hindi nagdudulot ng labis na takot, kundi nagpapatibay ng kanilang kumpiyansa
Isang malaking pasasalamat sa ating kapulisan, mga g**o, mag-aaral, at mga magulang na naging kabahagi sa tagumpay ng drill na ito! Ang ating kahandaan ngayon ang magliligtas sa ating kinabukasan