14/06/2026
June 14, 2026 💜
Ngayong araw ay nagtungo ang samahan ng BIBA Biñan (mga babaeng Barangay Kagawad sa buong Biñan) upang magpaabot ng munting tulong sa mga kababayan natin na nasunugan sa Barangay Malamig.
Sa kabuuan, apatnapung (40) pamilya ang nabigyan ng hygiene kits bilang suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa gitna ng pagsubok na kanilang kinakaharap. Sa simpleng paraang ito, nais nating maipadama ang ating malasakit at ang diwa ng bayanihan—na sa panahon ng sakuna, sama-sama tayong bumabangon.
Lubos ang ating pasasalamat sa lahat miyembro na nag-ambag, nakiisa, at nagbigay ng kanilang oras at suporta upang maisakatuparan ang gawaing ito.
Maraming salamat din po sa patuloy na paggabay at suporta ng ating Founder, Dr. Lourdes E. Dimaguila. 💜