18/08/2025
Congratulations to Mayor Jonjon JJV Villanueva for being re-elected as President of the League of Municipalities of the Philippines (LMP) – Bulacan Chapter! 🎉
Isang patunay ito ng tiwala at pagkilala ng kanyang kapwa Punong Bayan sa kanyang mahusay na pamumuno. Karangalan para sa Bocaue at inspirasyon para sa lahat ng lingkod-bayan.
Mabuhay ka, Mayor JJV! Patuloy kaming kasama sa iyong adhikain para sa mas nagkakaisang Bulacan. ✌️💙🇵🇭
05/08/2025
Dumalo po tayong muli sa regular na pagpupulong ng Sangguniang Bayan ngayong araw bilang bahagi ng ating tungkulin bilang inyong Konsehal sa Bayan ng Bocaue.
Bilang inyong lingkod-bayan, patuloy po nating itataguyod ang bukas, tapat, at makataong pamumuno. Nananatili tayong mulat sa mga isyung kinahaharap ng bawat Bocaueño at sisikapin nating maging daan ng solusyon, hindi ng karagdagang problema.
Maraming salamat po sa tiwala. Ang inyong tinig ay palaging kasama sa bawat boto, bawat panukala, at bawat layunin ng inyong lingkod.
💙🇵🇭
05/08/2025
Ngayong araw ay dumalo po tayo sa dalawang mahalagang pagdinig ng Committee on Public Works and Public Facilities na ginanap sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan.
Tinalakay ang mga isyung may kinalaman sa kapakanan ng ating mga mamamayan—mga usaping may direktang epekto sa kabuhayan, kaayusan, at kaligtasan sa ating bayan.
Sa mga ganitong pagdinig, mahalagang mapakinggan ang boses ng bawat sektor upang makabuo ng makatarungan at makabuluhang mga hakbang.
Bilang inyong Konsehal, patuloy po akong makikibahagi sa mga talakayang may layuning maghatid ng tunay na serbisyo at malasakit para sa bawat Bocaueño.
Ang pagbabago ay nagsisimula sa bukas na pag-uusap, sama-samang pagkilos, at tapat na paglilingkod. 💙🇵🇭
31/07/2025
Bilang Konsehal ng ating bayan, ako po ay dumalo sa PAGDINIG ng pinagsanib na Committee on Transportation and Communication at Committee on Public Order and Safety upang talakayin at bigyang-linaw ang mga isyung may kinalaman sa pagsasaayos ng trapiko sa Bayan ng Bocaue.
Ang usaping ito ay hindi lamang tungkol sa daloy ng sasakyan, kundi tungkol din sa kaayusan, kaligtasan, at kaginhawaan ng bawat Bocaueño.
Patuloy po nating isinusulong ang mga konkretong hakbang at polisiyang makatutugon sa suliranin sa trapiko, lalo na sa mga pangunahing lansangan at kritikal na lugar sa ating bayan.
Sa tulong ng masinsinang pag-uusap, pagkakaisa ng mga komite, at aktibong partisipasyon ng bawat isa, naniniwala po akong posible ang isang maayos at disiplinadong Bocaue.
Hindi ito madali, ngunit sa tulong ng tamang direksyon at tunay na malasakit—makakamit natin ito. 💪🚦🇵🇭
31/07/2025
Kasama si Vice Mayor Atty. Sherwin N. Tugna, tayo po ay nakiisa sa pamamahagi ng food packs mula sa PAGCOR para sa daan-daang pamilya sa Brgy. Igulot, Bocaue.
Sa tulong nina Senator Lito Lapid, TIEZA Chief Mark Lapid, PAGCOR General Manager Al Tengco, at kababayan nating si Ron Nieto Castro, naiparating ang tulong sa mga lubos na naapektuhan ng bagyo at baha.
Bagama’t unti-unti nang humuhupa ang baha, alam nating hindi pa tapos ang hamon.
Sa liderato ni Mayor Jonjon JJV Villanueva at sa patuloy na pagtutulungan ng Team Solid Lingkod Bayan, magsisilbing lakas natin ang pagkakaisa sa pagbangon.
Hangga’t may nangangailangan, andito po kami upang tumugon. 💙🙏
27/07/2025
Sa patuloy na handog ng ating butihing Vice Mayor Atty. Sherwin N. Tugna at ng inyong lingkod—ay nakarating tayo sa Lolomboy, partikular sa De Castro, Kalye Katorse at Bolina kahapon bago lumubog ang araw.
Sa bawat abot ng mainit na lugaw, nais naming maipadama ang pagkalinga at malasakit para sa mga pamilyang patuloy na humaharap sa epekto ng mga bagyo noong nakaraang linggo.
Sa pagtutulungan kasama si Mayor Jonjon JJV, nananatili ang ating paninindigan para sa isang nagkakaisang bayan.
Sa gitna ng unos, may pag-asa—at sa bawat pag-asa, may bayanihang handang umalalay.
Muli, maraming salamat po sa inyong lahat. 💙🙏
27/07/2025
Muling lumibot kahapon ng umaga ang Mobile Kusina na handog ni Vice Mayor Atty. Sherwin N. Tugna at ng inyong lingkod sa Turo kahapon ng umaga upang maipaabot ang mainit na lugaw sa ating mga kababayang naapektuhan ng lumipas na bagyo.
Katuwang si Mayor Jonjon JJV Villanueva sa patuloy na adhikain ng bayanihang may malasakit, hangad naming maipadama ang suporta at pag-aaruga sa bawat pamilya.
Sa bawat pagsubok, laging may mga kamay na handang tumulong. Magtulungan tayo sa pagbangon, Bocaueños.
Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa.
💙🙏
23/07/2025
At sa muli, ngayong araw ng Miyerkules ay nakapagpaabot tayo ng mainit na lugaw sa mga kababayan natin sa Igulot at sa mga evacuees ng munisipyo bilang simpleng handog sa gitna ng epekto ng lumipas na bagyo.
Mula sa walang sawang suporta ni Vice Mayor Atty. Sherwin N. Tugna at sa aming pagtutulungan, nais naming maipadama ang malasakit at pag-alalay sa bawat isa.
Sa patnubay at inspirasyon ni Mayor Jonjon JJV Villanueva, patuloy nating isinusulong ang bayanihang may puso.
Manalig lang—bawat pagsubok ay malalampasan basta’t tayo’y nagkakaisa.
💙🙏
22/07/2025
Nakapaghatid po tayo ng packed lunch sa mga evacuees sa Bunducan na labis na naapektuhan ng Bagyong Crising, sa tulong ni Vice Mayor Atty. Sherwin N. Tugna at sa pakikiisa po ng inyong lingkod.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Jonjon JJV Villanueva, naipadama po natin ang malasakit at suporta sa gitna ng unos.
Kapit lang—kasama ninyo po kami sa pagbangon. 🙏
Maraming salamat po sa lahat ng tumulong at nakiisa. 💙
22/07/2025
Sa tulong po ni Vice Mayor Atty. Sherwin N. Tugna na buong puso ang pagsuporta para sa mga pangangailangan ng evacuees, at sa pakikiisa ng inyong lingkod, nakapaghatid po tayo ng packed lunch sa Duhat.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Jonjon JJV Villanueva, naipadama po natin ang malasakit at pagkalinga sa mga pamilyang apektado.
Patuloy po tayong aagapay—kasama ninyo po kami sa pagbangon. 🙏
Maraming salamat po sa lahat ng tumulong at nakiisa. 💙
02/07/2025
🫡 Pasinayang Pagpupulong ng Ikalabindalawang Sangguniang Bayan
Isang karangalang muling makibahagi sa unang pagpupulong bilang Konsehal para sa aking huling termino sa pangunguna ng ating butihing Mayor Jonjon JJV Villanueva kasama si Vice Mayor Atty. Sherwin N. Tugna at mga nahalal na Konsehal ng Bayan.
Buo ang aking paninindigan na ituloy ang tapat, makatao, at makabuluhang paglilingkod para sa ating mga kababayan.
Maraming salamat sa tiwala — ito po ay inspirasyon sa patuloy na pagserbisyo.
Para sa bayan ko at para sa Bocaueños.
💙✌️