Barangay SIHI

Barangay SIHI Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay SIHI, Government Organization, Sihi, Buenavista.

Maligayang Kaarawan sa ating dating Speaker Cong.Lord Allan Jay Q.Velasco!!!wishing all the best and God bless!
09/11/2026

Maligayang Kaarawan sa ating dating Speaker Cong.Lord Allan Jay Q.Velasco!!!wishing all the best and God bless!

09/11/2026
08/11/2026

Hindi porke nasa sarili kang bahay ay puwede mo nang gawin ang lahat ng gusto mo kahit nakakaistorbo na sa kapitbahay.

Ang simpleng paggalang sa oras ng pahinga ng iba ay malaking bagay para mapanatili ang maayos na samahan sa komunidad.

Hindi masama ang magsaya, mag-videoke o magdiwang. Pero sana, marunong din tayong rumespeto sa mga taong gustong magpahinga.

TANONG: Ano ang pinakaayaw ninyong istorbo mula sa kapitbahay?

1. Sobrang lakas na videoke
2. Maingay na tambutso
3. Ingay sa dis-oras ng gabi
4. Paulit-ulit na panggugulo

Comment below! Baka may makabasa at matauhan. 😊

Paalala: Sundin ang umiiral na batas at ordinansa ng inyong LGU.

08/11/2026

⚠️ 10 SENYALES NA POSIBLENG MAY RABIES ANG ASO

Ang rabies ay isang mapanganib na sakit na umaatake sa utak at nervous system ng aso. Narito ang 10 posibleng senyales na dapat mong malaman:

1. Biglang pagbabago ng ugali
Kung dating mabait at malambing ang aso pero biglang nagiging kakaiba ang kilos o agresibo.

2. Laging galit o iritable
Maaaring madaling magalit, maging balisa o magpakita ng hindi pangkaraniwang asal.

3. Sobrang paglalaway
Maaaring magkaroon ng labis na laway dahil nahihirapan itong lumunok.

4. Hirap lumunok
Maaaring mapansin na nahihirapan itong lumunok ng pagkain, tubig o sariling laway.

5. Takot o pagiging balisa
Nagiging hindi mapakali at nagpapakita ng kakaibang kilos o pag-iwas sa paligid.

6. Mahilig mangagat
Maaaring mangagat ng tao, ibang hayop o kahit mga bagay nang hindi pangkaraniwan.

7. Paos o kakaibang tahol
Maaaring magbago ang tunog ng tahol o maging kakaiba ang boses nito.

8. Panghihina ng katawan
Maaaring mawalan ng lakas at mahirapang tumayo o maglakad.

9. Paralisis o pagkaparalisa
Maaaring unti-unting mawalan ng kakayahang igalaw ang ilang bahagi ng katawan.

10. Seizure o kombulsyon
Sa malalang kondisyon, maaari itong makaranas ng pangingisay o kombulsyon.

🚨 ANO ANG DAPAT GAWIN KAPAG NAKAGAT NG ASO?

• Hugasan agad ang sugat gamit ang sabon at umaagos na tubig sa loob ng 15 minuto.
• Magpunta agad sa Animal Bite Treatment Center para masuri at mabigyan ng kinakailangang bakuna at lunas.
• Huwag hintaying magkaroon ng sintomas bago magpagamot.

PAALALA: Hindi lahat ng asong may rabies ay nagpapakita ng lahat ng sintomas. Hindi rin nangangahulugang may rabies agad ang asong nagpapakita ng mga senyales na ito. Kailangan ng pagsusuri ng beterinaryo.

❤️ I-SHARE ANG POST NA ITO. Ang kaalaman tungkol sa rabies ay maaaring makapagligtas ng buhay!

07/11/2026
Sa may-ari ng talong na nalaglag at nasimot sa Sityo Marilao,Malibago pakikuha na lamang sa Apostol water refilling stat...
07/11/2026

Sa may-ari ng talong na nalaglag at nasimot sa Sityo Marilao,Malibago pakikuha na lamang sa Apostol water refilling station sa nasabing lugar..

07/11/2026

𝐏𝐀𝐆𝐇𝐈𝐍𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐕𝐀𝐋𝐈𝐃 𝐈𝐃𝐒 𝐒𝐀 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐀𝐊𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐆𝐎𝐁𝐘𝐄𝐑𝐍𝐎, 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆𝐁𝐀𝐖𝐀𝐋 𝐍𝐀 – 𝐀𝐑𝐓𝐀

Bawal na sa mga ahensiya ng gobyerno at mga bangko ang paghingi ng dalawang valid IDs sa mga mamamayang may transaksyon sa kanila.

Ayon sa Anti-Red Tape Authority (ARTA), sapat na ang isang valid ID, lalo na ang National ID, para sa anumang transaksyon.

Maaaring ireklamo sa ARTA ang alinmang tanggapan na maghahanap pa rin ng higit sa isang ID sa pamamagitan ng pag-email sa [email protected].

06/11/2026

Address

Sihi
Buenavista

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay SIHI posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share