08/09/2026
PAKIISA SA LINGGO NG KABATAAN 2026 🇵🇭
Naging matagumpay ang pagsasagawa ng Linggo ng Kabataan noong nakaraang Setyembre 05–06, sa pangunguna ng ating SK Chairperson Rj Tolentino at ng kanyang mga SK Councilors.
Tayo po, bilang inyong Konsehal Arnaldo "Kumfu" Torres ay buong-pusong nakiisa sa kanilang mga aktibidad at programa. Naniniwala tayo na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan, mas lalawak ang ating suporta upang gabayan, protektahan, at iangat ang antas ng ating mga kabataan.
Patuloy po tayong susuporta sa mga layunin at proyektong naglalayong linangin ang kakayahan ng ating pag-asa ng bayan.