Sulong Kabata-Anne

Sulong Kabata-Anne

Share

Susulong Para sa Kabataan

23/10/2023

SULONG KABATAANNE

ANNEtunay na tutulong sa kabataANNE ng San Roque. ☝️❤️

Inyo pong subukan, at talaga namang hindi kayo susukuan. May malasakit sa kapwa, may paninindigan at higit sa lahat may pantay na pagtingin sa lahat. Atin pong iboto upang kayo ay paglingkuran, sila po ay may malinis na hangarin para sa atin.

TEAM ANNE SULONG KABATAANNE PARA SA BARANGAY SAN ROQUE.



-ANNE
-ANNE☝🏻♥️

22/10/2023

Atin pong kilalanin ang TEAM ANNE, sila po ay handa ng tumulong at magsilbi para sa mga KabataANNE ng ating barangay. ☝️❤️

Sana po sila'y ating pagbigyan upang magbigay ng garantisadong serbisyo para sa lahat.

SULONG KABATAANNE☝️❤️



-ANNE
-ANNE☝🏻❤️

21/10/2023

SULONG KABATAANNE!

Mga kabataan na hangad ay kayong paglingkuran, magbigay ng patas na serbisyo para sa lahat. Kaya naman inyo pong iboto dahil garantisado ang kanilang magandang serbisyo.



-ANNE
-ANNE☝🏻♥️

27/08/2023

Maligayang Kaarawan Mayor Cholo I. Violago!

Hangad po namin ang iyong malusog na pangangatawan. Salamat po sa lahat ng kabutihan na iyong ipinaaabot sa Bayan ng San Rafael.

Kayo po ay isang insipirasyon para sa aming mga nangangarap mamuno sa ating lugar, lagi po sana kayo pagpalain ng Amang lumikha. ☝️❤️

Photos from Sulong Kabata-Anne's post 26/08/2023

Naghandog ng masarap na pa-meryanda ang TEAM ANNE kanina sa Purok 6, masarap na SPAGHETTI at CHICKEN SANDWICH po muli para sainyo.

Maraming salamat po sa mga nakiki-isa sa aming proyekto upang magbigay inspirasyon sa maraming tao na tumulong, at magkaroon ng pagkakaisa ang lahat. Ito ay ang aming programa upang bawasan ang porsyento ng malnutisyon sa ating barangay.
Hiling po namin na tayo po sana ay laging kumain sa sapat na oras at magkaroon ng sapat na nutrisyon sa katawan, at siyempre magkaroon ng magandang ehersisyo.

Para sa updates, mangyari lamang po mag LIKE at FOLLOW sa aming page Sulong Kabata-ANNE. Anong purok naman kaya ang dadayuhin ng BREAKFAST CARAVANNE? Abangan...


-ANNE
-ANNE☝🏻❤️

Photos from Sulong Kabata-Anne's post 26/08/2023

Tuloy-tuloy ang pa agahANNE ng TEAM ANNE kanina sa Purok 3 ng ating baranggay, mainit na SOPAS at masarap na CHICKEN SANDWICH po muli para sainyo.

Maraming salamat po sa mga nakiki-isa saaming BREAKFAST CARAVAANNE. Ito po ay aming proyekto upang magbigay inspirasyon sa maraming tao na tumulong, at magkaroon ng pagkakaisa ang lahat. Ito ay ang aming programa upang bawasan ang porsyento ng malnutisyon sa ating barangay.

Hiling po namin na tayo po sana ay laging kumain sa sapat na oras at magkaroon ng sapat na nutrisyon sa katawan, at syempre magkaroon ng magandang ehersisyo.

Para sa updates, mangyari lamang po mag LIKE at FOLLOW sa aming page Sulong Kabata-ANNE. Anong purok naman kaya ang dadayuhin ng BREAKFAST CARAVANNE? Abangan...


-ANNE
-ANNE☝🏻❤️

Photos from Sulong Kabata-Anne's post 25/08/2023

Agosto 23, 2023 | Pamamahagi ng STUDENT KIT

TEAM ANNE SUSULONG PARA SA KABATAAN NG SAN ROQUE ☝️❤️

Namahagi ang Team Anne ng mga school supplies para sa mga piling mag aaral mula sa ating barangay. Upang makatulong sa mga batang kapos na nangangarap na sila ay makapag tapos ng pag-aaral.

Lagi lamang po nasa likod nyo ang buong Team Anne, lagi po tayong mangarap upang makamit natin ang ating mga pangarap. ☝️❤️



-ANNE
-ANNE☝🏻❤️

Photos from Sulong Kabata-Anne's post 24/08/2023

Siyasatin at Kilalanin natin si Khristian Carlo Santiago isa sa Tunay na magsisilbi para sa ating mga KabataANNE sa Barangay San Roque.

Si Khristian ay 22 taong gulang na mag-aral mula sa Philippine Academy Technology and Sciences at nakapagtapos ng kanyang kurso na Aircraft Maintenance Technology. Kung saan ito ay kaniyanf ipinagpatuloy at kasalukuyan siyang kumukuha ng Bachelor of Science in Aircraft Maintenance Technology sa kaparehong institusyon. Siya ay anak nina Edwin Cruz Santiago at Elvira Cruz Santiago na kapwa mula sa Purok 1, San Roque, San Rafael, Bulacan.

Si Khristian ay subok na at maraming napatunayan sa kaniyang buhay. Kaya ngayon, handa na siyang maglingkod para sa KabataANNE ng ating barangay. Siya ay may dedikasyon upang maglingkod ng patas para sa lahat.

Kasama nating suSULONG si KHRISTIAN upang magbigay ng tunay na aksyon para sa kabataANNE.



-ANNE
-ANNE☝🏻❤️

Photos from Sulong Kabata-Anne's post 23/08/2023

Siyasatin at Kilalanin natin si SHANNON XENA SAMSON SALAMAT, isa sa mga tunay na magsisilbi para sa ating mga KabataANNE ng Barangay San Roque.

Si Shannon ay 21 taong gulang na working student. Siya ay kumukuha ng kursong Bachelor of Arts in English Language Studies sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Siya ay butihing anak nina Thelma Samson Salamat at Mathy Villaverde Salamat ng Purok 6, San Roque, San Rafael, Bulacan.

Si Shannon ay subok na at marami ng napatunayan pagdating sa paglilingkod. Kaya naman ngayon, handa na siyang tumulong para sa KabataANNE ng ating barangay. Siya ay may dedikasyon at puso upang buong pusong magbigay serbisyo para sa lahat.

Kasama nating suSULONG si SHANNON upang magbigay ng tunay na aksyon para sa kabataANNE.



-ANNE
-ANNE☝🏻❤️

16/08/2023

MALIGAYANG KAPISTAHAN, SAN ROQUE!

Tanyag na patron si San Roque ng mga may sakit at laban sa salot tulad ng epidemya at pandemya tulad ng COVID-19 na nanalasa sa atin sa loob ng dalawang taon. Patron din siya sa maling pag-aakusa, hindi binibigyan ng halaga, at mga batsilyer. Kinikilala rin siyang patron ng mga a*o dahil sa kakaibang kwento na bahagi ng kaniyang banal na buhay kasama ang a*o.

Ang buhay ni San Roque ay tunay ngang huwaran hindi lamang sa kabanalan, pati na rin sa kababaang loob. Tulad niya, tahimik nating isapuso at isabuhay ang Salita ng Diyos para sa ikauunlad ng ating makabuluhang pamumuhay.

San Roque na aming patron,
Sa Diyos, turuan kaming tumuon.
Ingatan nawa ang aming bayan,
Ilayo sa sakit at karamdaman
At panatilihin kami sa kabanalan.

Source: Talambuhay ni San Roque. (2023, August 15). https://www.olamarikina.com.ph/talambuhay-ni-san-roque

Tayo nawa'y patuloy na maging kawangis ni San Roque sa pagiging tapat na alagad ni Kristo, at dakilang tagapaglingkod sa iba.

Viva, San Roque!

Want your business to be the top-listed Government Service in Bulacan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

San Roque, San Rafael
Bulacan
3008