29/05/2026
Baliwag City Planning and Development Office
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Baliwag City Planning and Development Office, Public & Government Service, BS Aquino, Bagong Nayon, Baliwag, Bulacan.
29/05/2026
26/05/2026
Happy 293rd Founding Anniversary, Baliwag City!
Sa loob ng mahabang panahon, nananatiling huwaran ang Baliwag sa patuloy na pag-unlad, mayamang kultura, at matibay na pagkakaisa ng mamamayan.
Mula sa makulay na kasaysayan hanggang sa makabagong pagbabago, patuloy nating ipinagmamalaki ang isang lungsod na umuunlad habang pinapahalagahan ang sariling pagkakakilanlan at pamana.
Sa ating ika-293 taong anibersaryo, sama-sama nating ipagdiwang ang mga tagumpay ng nakaraan, ang sigla ng kasalukuyan, at ang mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat Baliwagenyo.
Mabuhay ang Lungsod ng Baliwag!
17/05/2026
ππ’π‘ππ₯ππ§π¨πππ§ππ’π‘π¦, ππ₯ππ‘π ππ‘ππππ§ π ππ¬π’π₯ π©πππ πππ₯πππ!
Taos-pusong pagbati kay Mayor Vice Ferdie V. Estrella sa kanyang pagkakatalaga bilang bagong Grand Knight ng Knights of Columbus β Saint Augustine Council.
Nawaβy patuloy siyang gabayan ng Panginoon sa kanyang pamumuno at paglilingkod na may pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahal sa kapwa.
Congratulations and God bless!
15/05/2026
Nitong ika-15 ng Mayo 2026, nagpaskil ang Tanggapan ng Panlungsod na Pagpaplano at Pag-unlad (CPDO) ng πππ’π¬π¨ π§π πππ π₯ππππ sa mga lote na hinihinalang sangkot sa πππππππ ππππ
πππππππ ππππππππππ sa Lungsod ng Baliwag.
Muling pinaaalalahanan ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusubdivide o pagtitilad ng mga lupain, kabilang ang mga lupang agrikultural, upang ipagbili sa mas maliliit na lote nang walang kaukulang pahintulot at π
ππππππππππ ππππππ mula sa Pamahalaang Lungsod ng Baliwag at sa kinauukulang barangay.
Kasabay nito, naglagay rin ang CPDO ng mga π°ππππππππππ, π¬π
πππππππ, πππ
πͺππππππππππππ (π°π¬πͺ) πππππππππ sa mga ππππππππ¦ βπππ upang higit na mapalawak ang kaalaman ng publiko tungkol sa mga umiiral na batas at lokal na probisyon hinggil sa ππππ πππ£ππππππππ‘.
π·ππππππππ π³ππππ:
Ang paglalagay ng mga Abiso ng Paglabag ay isinagawa lamang sa mga pampublikong lugar at right-of-way. Walang ginawang paglalagay ng anumang abiso sa mga pribadong ari-arian nang walang pahintulot ng may-ari.
06/05/2026
05/05/2026
Isinagawa noong Mayo 4, 2026 ang pagpupulong ng Local Development Council para sa taong 2026 sa pangunguna ng Punong Lungsod, Mayor Mommy Sonia Viceo Estrella, kasama ang Panglungsod na Tagapangasiwa na si Enrique V. Tagle, ang Pinuno ng Tanggapan ng Budget na si Josefina Tanggol, at ang City Planning and Development Coordinator na si EnP. Alvin Lee C. Asuro, RN, MMEP.
Dinaluhan ang nasabing pagpupulong ng mga Punong Barangay, mga Kalihim ng Barangay, at mga kinatawan mula sa ibaβt ibang Civil Society Organizations (CSOs), na aktibong nakilahok sa talakayan para sa patuloy na pag-unlad ng lungsod.
05/05/2026
Malugod naming binabati si Luztommy Pineda sa matagumpay na pagpasa sa nakalipas na Civil Service Examination β Professional Level!
Kami sa Tanggapan ng Panlungsod na Pagpaplano at Pag-unlad ay lubos na ipinagmamalaki ang iyong tagumpay. Nawaβy magsilbi itong inspirasyon sa iyong patuloy na paglilingkod.
01/05/2026
π πππ¨πππ¬ ππ‘π π ππ‘ππππππͺππ‘π π£ππππ£ππ‘π’! π·π·ββοΈ
Mga kalungsod, ngayong araw ay ating ipinagdiriwang ang lakas, sipag, at dedikasyon ng bawat manggagawang Pilipino.
Kayo ang pundasyon ng ating lungsod, patuloy na nagsusumikap upang itaguyod ang kani-kanilang pamilya at may mahalagang ambag sa pag-unlad ng ating komunidad.
Taus-puso kaming sumasaludo sa inyong walang sawang paglilingkod at pagsisikap.
Mabuhay ang manggagawang Baliwagenyo!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Website
Address
Bulacan
Opening Hours
| Monday | 8am - 6pm |
| Tuesday | 8am - 6pm |
| Wednesday | 8am - 6pm |
| Thursday | 8am - 6pm |
| Friday | 8am - 6pm |
