Sangguniang Bayan ng San Rafael

Website Contact the organization

Sangguniang Bayan ng San Rafael To give updates to San Rafaeleños about our approved Ordinances and Resolutions.

𝐁𝐔𝐃𝐆𝐄𝐓 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐅.𝐘. 𝟐𝟎𝟐𝟕Matagumpay na naisagawa ang Budget Hearing para sa Taong 2027 ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael...
10/10/2026

𝐁𝐔𝐃𝐆𝐄𝐓 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐅.𝐘. 𝟐𝟎𝟐𝟕

Matagumpay na naisagawa ang Budget Hearing para sa Taong 2027 ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael.

Sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Igg. Cipriano D. Violago, Jr., at Pangalawang Punong Bayan, Igg. Edison M. Veneracion, masusing pinag-aralan at binalangkas ang pondo ng bayan sa ilalim ng pamumuno ng Tagapangulo ng Committee on Finance, Budget and Appropriations, Igg. Edlin M. Indon, kasama ang bumubuo ng Sangguniang Bayan.

Buong-puso ring dinaluhan at nakiisa ang mga hepe at kinatawan ng bawat tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael upang masiguro na ang bawat pondo para sa darating na taong 2027 ay nakalaan sa mga programa at serbisyong tunay na makatutulong sa bawat mamamayan ng San Rafael.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa para sa isang maayos, tapat, at transparent na pampublikong paglilingkod!


Maligayang Kaarawan, Konsehal Marciano "Nonong" Sta. Maria, Jr.! Isang mainit na pagbati mula sa iyong Sangguniang Bayan...
04/10/2026

Maligayang Kaarawan, Konsehal Marciano "Nonong" Sta. Maria, Jr.!

Isang mainit na pagbati mula sa iyong Sangguniang Bayan ng San Rafael Family.

Salamat sa inyong tapat at mahusay na serbisyo publiko. Nawa'y biyayaan pa kayo ng Panginoon ng malakas na pangangatawan, haba ng buhay, at tagumpay sa lahat ng inyong mga adhikain para sa ating mamamayan.

Happy Birthday, Konsi Nonong!

29/09/2026

LIVE NOW! | 25TH ANNIVERSARY OF ANGEL FESTIVAL 2026

Halina’t makisaya at makisaksi sa makulay at makapigil-hiningang Showdown Competition bilang bahagi ng pagdiriwang ng 25th Anniversary ng Angel Festival 2026! 💃🕺🔥

Tampok ang talento, husay, enerhiya, at malikhaing pagtatanghal ng ating mga kalahok na handang ipakita ang kanilang pinakamahusay na performance sa entablado! 🏆🌟

📺 TUTOK NA!
I-share ang Live Feed at isama ang inyong pamilya at mga kaibigan sa makasaysayang pagdiriwang na ito! ❤️

25 Taon ng Saya, Talento, Tradisyon at Pagkakaisa! 🎊



Maligayang Kaarawan, Igg. Anna Maria S. Santos! Ngayong araw, sama-sama nating ipinagdiriwang ang kaarawan ng natatangi ...
18/09/2026

Maligayang Kaarawan, Igg. Anna Maria S. Santos!

Ngayong araw, sama-sama nating ipinagdiriwang ang kaarawan ng natatangi at nag-iisang babaeng miyembro ng Sangguniang Bayan ng San Rafael.

Maraming salamat sa iyong tapat na paglilingkod, sipag, at dedikasyon sa pagbibigay-boses sa ating mamamayan. Ang iyong leadership at malasakit sa bayan ay tunay na inspirasyon sa ating lahat.

Nawa’y biyayaan ka pa ng Panginoon ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at gabay sa patuloy mong paglilingkod sa San Rafael.

Happy Birthday, Kon. "Ate Mel" Santos!

Ang Sangguniang Bayan ng San Rafael, sa pangunguna ng ating Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, kasama a...
02/09/2026

Ang Sangguniang Bayan ng San Rafael, sa pangunguna ng ating Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, kasama ang mga Kagawad at buong Staff, ay taos-pusong nagpapaabot ng pakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ng dating Punong Barangay ng Capihan, HON. SERAFIN CRUZ, JR.

Lumalapit kami sa Panginoon na pagkalooban ang kaniyang pamilya ng lakas loob sa panahong ito. Maraming salamat sa kaniyang naging paglilingkod sa ating bayan.

Sumalangit nawa ang kaniyang kaluluwa.

SCHOLARSHIP QUALIFYING EXAMINATIONWhere: Carlos F. Gonzales High SchoolWhen: September 13, 2026Batch 1: 8:00 AM – 10:00 ...
02/09/2026

SCHOLARSHIP QUALIFYING EXAMINATION

Where: Carlos F. Gonzales High School
When: September 13, 2026
Batch 1: 8:00 AM – 10:00 AM
Batch 2: 10:00 AM – 12:00 PM

IMPORTANT REMINDERS:
▪️No other date for the exam
▪️Please come on time
▪️Bring a black ballpen
▪️Bring a valid ID for verification
▪️Wear comfortable attire
▪️Calculators and gadgets are not allowed

Maligayang Kaarawan, Congressman Mark Cholo I. Violago!Isang taos-pusong pagbati mula sa Sangguniang Bayan ng San Rafael...
27/08/2026

Maligayang Kaarawan, Congressman Mark Cholo I. Violago!

Isang taos-pusong pagbati mula sa Sangguniang Bayan ng San Rafael, sa pangunguna ng ating Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Edison M. Veneracion, kasama ang mga Iginagalang na Kagawad ng Sanggunian.

Ibinabahagi namin ang aming labis na pagpapasalamat sa inyong patuloy na dedikasyon, tapat na paglilingkod at mga inisyatibong nagdadala ng kaunlaran at pag-asa sa ating distrito at sa bayan ng San Rafael.

Nawa’y pagpalain pa kayo ng Panginoon ng mabuting kalusugan at karagdagang karunungan upang patuloy na maging gabay at inspirasyon sa ating mga kababayan.

HAPPY BIRTHDAY! AT MABUHAY KAYO! CONG. CHOLO VIOLAGO!

Congratulations po sa anim na Barangay (Diliman II, Pantubig, San Agustin, Pulo, Tukod at Sapang Pahalang) na pasok sa 2...
27/08/2026

Congratulations po sa anim na Barangay (Diliman II, Pantubig, San Agustin, Pulo, Tukod at Sapang Pahalang) na pasok sa 2026 Building Excellence in Service & Transparency (B.E.S.T) for Barangay.

Anim na barangay ng San Rafael, pasok sa 2026 B.E.S.T. Barangay!

Pagbati po sa Barangay Diliman II, San Agustin, Pantubig, Tukod, Pulo, at Sapang Pahalang na kinilala bilang Building Excellence in Service and Transparency for Barangay.

Ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa husay ng ating mga pamahalaang barangay sa pagtitiyak na naihahatid nito ang mga batayang serbisyo sa ating mamamayan.

Muli, congratulations, at nawa ay magbigay ito ng karagdagang inspirasyon para sa higit na pagpapataas ng kalidad ng paglilingkod sa ating bayan.

Maligayang Kaarawan, Municipal Assessor Gina De Guzman! Taos-pusong pagbati ng Sangguniang Bayan sa ating Municipal Asse...
26/08/2026

Maligayang Kaarawan, Municipal Assessor Gina De Guzman!

Taos-pusong pagbati ng Sangguniang Bayan sa ating Municipal Assessor, Gng. Gina De Guzman, sa kanyang espesyal na araw!

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng Panginoon ng mabuting kalusugan, kalakasan, karunungan, at maraming biyaya upang patuloy ninyong magampanan nang buong husay at dedikasyon ang inyong tungkulin sa paglilingkod sa ating mga kababayan.

Maraming salamat sa inyong sipag, katapatan, at mahalagang ambag sa ating bayan. Nawa’y maging masaya, makabuluhan, at puno ng masasayang alaala ang inyong kaarawan.

Happy 60th Birthday, Ma’am Gina!
Mula sa inyong Sangguniang Bayan, ang aming taos-pusong pagbati at pasasalamat sa inyong patuloy na paglilingkod!

25/08/2026

Ika-34 na pangkaraniwang pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael sa pangunguna ng ating Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Edison M. Veneracion at mga Kagawad ng Sanggunian.

Tampok sa pagpupulong na ito ang pakikilahok ng ating mga Boy / Girl Officials Counterparts, na nagsilbing katuwang ng ating mga opisyal ng Pamahalaang Bayan. Sa pamamagitan nito, nabibigyan ang ating kabataan ng pagkakataong matuto, makilahok, at maranasan ang tunay na diwa ng paglilingkod-bayan.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng SB Members, Boy / Girl Officials Counterparts at sa bawat isa na nakiisa sa makabuluhang gawaing ito.

Kabataan ngayon, lider ng bayan bukas!



Address

Municipality Of San Rafael Bulacan
Bulacan
3008

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Bayan ng San Rafael posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Bayan ng San Rafael:

Shortcuts

Share