Misyon Aksyon Serbisyo TV

Call
06/02/2025

HEADLINE: AKO-OFW PARTYLIST, NILINAW NA HINDI SILA ANG OFW PARTYLIST NA BOMOTO SA IMPEACHMENT LABAN KAY VP SARA
_

Nilinaw ng AKO-OFW Partylist na hindi sila ang partido ng mga OFW na bomoto para ma-impeach si Vice President Sara Duterte.

Kasunod na rin ito ng mga post sa social media na nagpapakita ng galit sa ginawang hakbang ng OFW Partylist sa pangunguna ni Marissa del Mar.

Ayon kay AKO-OFW partylist chairman and 1st nominee Dr. Chie Umandap, magkaiba ang AKO-OFW Partylist sa OFW Partylist.

Aniya, lubos siyang nababahala na baka isipin ng mga OFW na ang kanyang partylist ang nagdesisyon sa pagboto para ma-impeach si VP Sara.

Dagdag pa ni Umandap, dapat ay sumangguni muna si Marissa del Mar sa OFW sector para hingiin ang kanilang posisyon sa naturang isyu. Kabilang sa taliwas na posisyon ng AKO-OFW Partylist kay Cong Marissa Del Mar ng OFW partylist ang tila pagsuporta nito na gawing legal ang online sabong na mariing tinututulan ng mga OFWS.

Ang tunay na adbokasiya ng AKO-OFW Partylist ni Dr. Chie Umandap ay para sa kapakanan ng OFWS.

Sa huli nanawagan si Umandap na maging mapanuri ang mga botante pagdating ng halalan at hanapin ang 116-AKO OFW PARTYLIST.

01/01/2025
Salamat po sa lahat ng nag follow 🥰
27/03/2024

Salamat po sa lahat ng nag follow 🥰

Address

Bulacan
Bulacan
3023

Telephone

+639688546044

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Misyon Aksyon Serbisyo TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category